Sa restaurant ay kasama ni Kari si Avery. Ipinasok niya sa trabaho si Avery bilang isang waiter ng kaniyang negosyo. Masayang tini-train ni Tina si Avery sa mga gagawin nito bilang isang waiter.
Si Kari naman ay katabi si Jared na panay tanong tungkol sa bagong trabahante.
"Kuys friend, sino yan? Gwapo ah".
"Yan? Wala yan".
"Saan mo nakuha iyan? Nag-apply sayo"?
"Napagkamalan akong bakla ni Asra dahil diyan".
"Ano? Pare kuys friend, napagkamalan ka'ng bakla ni Asra dahil sa gwapo'ng binata'ng yan"?
"Kakasabi ko nga lang, uulitin mo pa? Basta naiinis ako diyan".
"Pare kuys, hindi maganda ang magtanim ng sama ng loob sa kapwa. Dapat peace lang".
"Sino'ng di maiinis? E panay ang porma kay Asra, alam naman n'yan'g ikakasal na kami".
"E gusto ba siya ni Asra? Ano sa tingin mo"?
"Hindi".
"E hindi naman pala e".
"Pero nakakalalaki kuys e".
"Oh, nakakalalaki pero sino ngayon ang napagkamalang bakla ni Asra? Wag mo na kasing patulan".
"Hindi mo alam kung ano ang nangyari kaninang umaga".
"Bakit", tanong pa ni Jared.
"Nagising akong kayakap yang ungas na yan".
"What? You mean, you have hugging each other"?
"Ano? Ayusin mo nga english mo".
"Ahm... You hug-hug him together"?
"Kuys, nakakaintindi ako ng tagalog, wag mo na'kong inglesin, maawa ka".
"See? You nosebleed".
"Buti pa, bantayan niyo 'yan. Papasok na muna ako sa opisina", sabi ni Kari sabay turo kay Avery.
"Yes, boss kuys"!
At lumakad na si Kari papasok ng kanyang opisina.
Ilang oras ang lumipas ay bumisita si Asra sa restaurant para ibalita kay Kari na may bago na siya'ng trabaho, bilang isang office worker sa isang publishing company.
Pagpasok ni Asra ay pansin ni Avery ang dilaw na suot ng dalaga. Ito'y bagay na bagay sa kanya. Para siya'ng anghel na bumaba galing langit.
Napatitig si Avery sa bawat lakad ni Asra na para bang inaabangan niya'ng makapunta sa harap ng altar at naka-abang siya dun para tagpuin ang dalaga.
Nakatingin naman si Tina sa binata na tila para ba'ng nakakita ng isang diwata. "Hoy", tawag ni Tina sabay tulak sa binata.
"Ay, sorry", paumanhin ng binata na natauhan.
"Oh! Nakuha mo yung sinabi ko? Yung inexplain ko? Yung itinuro ko", tanong ni Tina.
Napakamot na lang ng ulo si Avery sabay sabi, "waley".
"Waley"?
"Oo, waley", ulit na sagot ni Avery kay Tina.
"Naku", sabi ni Tina sabay sapak sa sariling ulo. "Avery naman, ibinigay ko na sa'yo ang lahat. Buong puso ko't kaluluwa. Nagkulang ba 'ko? Tell me! Tell me", dagdag pa nito.
"Ha? Ano daw", pagtataka ng binata.
"Ay sorry, nadala lang ako sa pinanood ko kanina. Ifollow mo na lang ako sa twitter, @supervisortina2120, for more great lessons on how to become the most respected, most amazing, most powerful waiter of all time".
BINABASA MO ANG
A House With A Brown Tape (RomCom)
RomantikNagsimula ang lahat sa isang bahay na may brown tape. Ang brown tape na naghahati sa bahay sa dalawa. Dito nagkakilala ang binata'ng si Kari, gwapo, mestiso, at maganda ang hubog ng katawan, at ang dalaga'ng si Asra, maganda, maputi, pero may katara...
