Chapter 16: Brown Tape, Andyan Ka na Naman?

16.7K 340 33
                                    

"Masayang kumakain sina Kari at Asra ng mga street food nang mapansin ni Kari ang isang pamilyar na mukha.

"Timber"?

Hinahawakan ng isang lalaki si Timber na parang pinepwersa sa kung ano man ang gusto nitong gawin. Nangiginig si Timber sa takot habang nagsisitinginan lang ang mga tao.

Agad na tumayo si Kari at nilapitan sina Timber. Sumunod naman si Asra kasama ang alagang aso.

"Bitiwan mo siya", sabi ni Kari sa lalaki.

"Sino ka? Ano'ng paki-alam mo? Maghanap ka nga ng sarili mo'ng mapagtitripan. Siyota ko 'to", sabi pa ng lalaki.

"Ano ba? Nasasaktan na ako", sabi pa ni Timber nang pwersahang hilain ito ng lalaki papalayo. Agad na tinalunan ng sipa ni Kari ang lalaki na nagdahilan sa pagkatumba nito.

"Sa susunod, maghanap ka ng lalaki'ng pupwersahin mo. Hindi babae", sabi pa ni Kari sa natumba'ng lalaki. Agad na tumayo ang lalaki at tinuro ang mukha ni Kari.

"Tatandaan ko ya'ng pagmumukha mo", at agad na tumalikod, naglakad papalayo sa kanila.

"Okay ka lang, Timber", tanong ni Kari habang ala-alalay ni Asra ang dalaga.

"Okay lang ako. Pasensya na kayo dun. Kaibigan ko yun. Hindi nga ako makapaniwalang magiging ganun siya", paumanhin ni Timber. Nang ilang segundo'y napansin niya si Asra na hawak ang aso ni Kari. "Ahm... kapatid mo? Hi! I'm Timber", dagdag pa ng dalaga.

"Ahm... si Asra, nobya ko", pakilala ni Kari.

"Ah...".

"Ikinagagalak kitang makilala, Timber", sabi ni Asra sa dalaga.

Ngumiti naman si Timber.

"Hindi mo kasama ang alaga mo", tanong ni Kari sa dalaga.

"Ah, oo. Galing kasi akong hospital, binisita namin yung kaibigan ko'ng nagkasakit".

"Ah..."

"Ahm... kumakain kami ng street food, gusto mo'ng sumama", tanong ni Asra.

"Sige", sang-ayon ni Timber. "Ahm... pwede'ng ako muna ang hahawak kay Bougart? Na-miss ko kasi siya eh", dagdag pa ng dalaga.

At binigay ni Asra ang hawakan ng lace kay Timber.

Ilang minuto ang lumipas nagsi-upo na sila sa damuhan matapos maka-order ulit ng mga bagong luto na street food.

"Ang alaga mo palang aso ang tini-train ni Kari", tanong ni Asra.

"Oo. Pero nag hire na ako ng bago. Nakakahiya naman kay Kari. Magiging ganap na aktor na 'yan. 'Di na bagay mag dog trainee".

"Ano'ng hindi? Hindi ko naman talaga pinangarap ng sobra ang maging artista uy".

"Weh! Sinungaling", sabi pa ni Timber.

"Hindi nga noh".

"Sikat ka na eh. Sikat ka na. Sikat na si Kari, si Kari sikat na", pang-aasar ni Timber sa binata.

Nang hindi mapigil ni Kari ang asar ay napalapit siya kay Timber para takpan ang bibig ng dalaga. Biglang tumahimik ang paligid at nagka-abutan ang mga paningin nina Kari at Timber.

"Ehem... bibili lang ako ng softdrinks. Maiwan ko muna kayo", sabi ni Asra na nagseselos. Agad siyang tumayo. Tumayo rin naman si Kari.

"Sama ako. Diyan muna kayo ni Bougart, Timber", sabi ni Kari at sinamahan si Asra.

Sa paglalakad, napansin ni Kari na hindi nagsasalita si Asra. Natahimik din siya. Hindi niya alam kung aaminin ba niya ang posibilidad na makasal kay Timber kung saka-sakali man'g may mga bagay na magtutulak sa kanya. Tinanggap na ni Kari ang proyekto, napaniwala din siya'ng bayad na ang sampung milyon sa bahay.

A House With A Brown Tape (RomCom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon