"Benjamin! Mga doktor! Tulong", sigaw ng papa ni Benj at tumakbo papalabas ng silid para makahingi ng tulong.
Agad na rumesponde ang mga nars, ganun rin ang doktor.
Sa isang grocery portion ng mall naman ay nailagay na ni Maria, mama ni Benj, ang nailista ng anak na mga chichiria, mga kendi, mga kape, pero laki nang gulat niya ng mabasa niya ang susunod niya'ng bibilhin, kandila at kulay black na clip, ngayon lang din niya nabasa ang salita'ng nakasulat sa ibaba ng listahan ng anak, I love you ma, at dahil dun kumaripas ng takbo ang ina ni Benj para bumalik ng ospital habang naiwan'g nagtataka ang mga tao sa loob ng grocery kung bakit bigla na lang iniwanan nito ang kanyang kart, at kumaripas na lang ng takbo.
Ilang minuto ang lumipas ay narating na ni Maria ang silid ng anak, "anak! Anak", tawag ni Maria.
"Oh, ma? Bakit", tanong ni Benj.
At agad ito'ng lumapit sa anak at niyakap ito ng mahigpit.
"Okay lang ako", sabi pa ni Benj.
"Nahilo lang siya, pero okay na siya sabi ng doktor", sabi naman ni Lucas.
At patuloy pa rin'g niyayakap ni Maria ang kanyang pinakamamahal na anak.
"Kinakabahan kasi ako sa mga ipinabili mo 'nak eh", sabi pa ni Maria.
"Ano naman'g meron sa ipinabibili ko ma"?
"May biscuit, asukal, kendi, kape, kandila, at black na clip", sagot ni Maria.
"Ha? Akin na nga po yung listahan", sabi ni Benj at ini-abot ito ng kanyang ina.
"Nasa'n ang kandila rito", tanong ni Benj.
"Yan oh", sabay turo sa isang salita sa papel.
"Bandila yan ma, hahahaha! Di ka kasi nagsusuot ng eyeglasses", sabi pa ni Benj pero ang totoo kandila ang nakasulat.
"Ano? Bandila yan? Aanhin mo naman yung bandila", tanong ng mama niya.
"Ah eh... Maliit na bandila lang. Gagawa ako ng surprise proposal kay Asra at gusto ko makabayan ang dating", sagot pa ni Benj.
"Tapos yung black na clip"?
"Ahm... Clip sa buhok ma? Yung color black", sagot ni Benj.
"Ahh... yung para sa buhok na clip"?
"Oho. Binaliktad mo lang yung sinabi ko e. Kayo talaga, kung anu-ano'ng iniisip. Hindi pa'ko mawawala", sabi pa ni Benj pero kinikimkim ang sakit sa kanyang katawan.
"Basta anak, wag kang susuko ha? Kailangan ka pa namin ng papa mo. Kailangan pa namin ng apo, kailangan ka pa namin'g makasama ng matagal na matagal", sabi pa ng ina ng binata.
At ngumiti lang si Benj.
Sa comfort room naman ng ospital, sa labas ng silid ni Asra, sa ika-apat na palapag, ay doon ipinalabas lahat ni Kari ang kanyang nadama'ng sakit at lungkot. Masakit kay Kari ang iwan siya ni Asra pero para hindi na mahirapan ang dalaga'ng pumili, nagparaya siya. Ipinakita niya kay Asra na hindi na siya makikipagtunggali pa kay Benj.
Sa kwarto naman kung nasa'n si Asra, nakatulog si Coritha sa may upuan, si Leonora naman ay nagpahinga sa may upuan malapit sa TV, at si Asra ay nasa loob ng banyo.
"Kari, mahal na mahal kita. Patawarin mo 'ko kung mas pinili ko si Benj. Alam ko'ng naiintindihan mo ko kung bakit mas pinili ko si Benj", sabi ni Asra sa kanyang sarili sa harap ng salamin na may halong mga luha.
Hapon na, nasa higaan na si Asra kausap si Emily.
"Uy! Buti na lang tumawag ka BFF. Susukatan na ba ako"?
BINABASA MO ANG
A House With A Brown Tape (RomCom)
RomanceNagsimula ang lahat sa isang bahay na may brown tape. Ang brown tape na naghahati sa bahay sa dalawa. Dito nagkakilala ang binata'ng si Kari, gwapo, mestiso, at maganda ang hubog ng katawan, at ang dalaga'ng si Asra, maganda, maputi, pero may katara...
