Nabigla si Kari sa tinanong ni Mr. Cheng sa kanya.
"Ahm... seryoso ho kayo?"
"Oo. Your the most hard-working person that I know bukod sa akin. Kaya, ikaw ang napili ko para sa anak ko."
Pinagpapawisan si Kari, ngumiti naman siya kay Timber, ganun rin si Timber sa kanya.
"Ahm... sir, pasensya na ho. Hindi po madali ang gusto niyo'ng mangyari."
"Alam ko naman yan. I will give both of you enough time to share some moments together. Baka mahulog kayo sa isa't isa. Maganda naman ang anak ko, gwapo naman si Kari, di ba anak?"
Hindi sumagot si Timber dahil nahihiya ito.
"Di ba anak?"
"Ah, oho...", sagot ni Timber ng tinanong ulit ng ama.
"And both of you love dogs. So perfect combination. Ahm... I know you still have training but before I go and before you will go, I am letting you know that you are always welcome in our house. On Sunday, dadating ang asawa ko. I want her to meet her future son-in-law."
"Daddy?"
"Sige na, pwede niyo ng umpisahan ang dog training. Timber, asikasuhin mo'ng mabuti ang future husband mo", wika ni Mr. Cheng na tuwa'ng tuwa. At lumakad na ito paakyat ng kwarto.
"Pasensya ka na sa daddy ko ha."
"Okay lang. So, let's proceed sa training."
"Sige", at pumunta na sila sa bakante'ng lote sa labas ng bahay.
Matapos ang ilang oras ng training, nagpahinga muna sila sa may upuan malapit sa garden.
"Seryoso ba talaga ang daddy mo?"
"Ganyan talaga si daddy, siya lage ang nagdedesisyon para sa'kin. Higit sa lahat, sa mga tao'ng mamahalin. Pag ayaw niya yung kaibigan ko, sasabihin niya, leave her or i'll leave you. May boyfriend nga ako nun, throwback high school, nagrerebelde ako nun. Ipinaglaban ko ang boyfriend ko. Hanggang sa isa'ng araw, hindi na ako pinapansin ng boyfriend ko. Alam ko na kung bakit. Ngayon, sinusunod ko na sila. Wala na kasi akong magagawa. Ikaw? Siguro ang swerte mo dahil may kalayaan ka sa puder ng mga magulang mo."
Napahinga ng malalim si Kari. "Bata pa lang ako, iniwan na'ko ng mga magulang ko. Tanging lolo't lola ko lang ang nag-aruga sa akin."
"Seryoso?"
"Nagjo-joke ba ako? Haha! Ahm... maswerte ka nga dahil nakapiling mo pa ang iyong mga magulang."
"Mahal ko naman sila. Magulang ko sila eh. Pero mahirap kung hindi ka makakagawa ng sarili'ng mga desisyon, hindi ka magiging masaya. Hindi ka matututo."
Hinawakan ni Kari ang kamay ni Timber, pero wala itong kahulugan sa kanya, "masunurin ka palang anak. Hayaan mo, balang araw, liligaya ka rin. Ika nga, honor your father and your mother. May gantimpala na naghihintay sa'yo galing sa Diyos. Hindi man ngayon, baka bukas, o sa makalawa".
Ngumiti naman si Timber, gumaan ang loob niya kay Kari. Naisip niya'ng masayang kasama ang binata. Kaya napatawa nalang siya, "ang seryoso natin".
"Oo nga", at binitawan na ni Kari ang kamay ng dalaga. "Alis na'ko. May duty pa ako bukas".
"Sige, sasabihin ko nalang kay daddy na umuwi ka na."
"Sige, salamat", at umalis na si Kari.
Habang si Timber ay batid ang pagiging mabait na tao ni Kari. Napangiti nalang siya ng lumitaw sa isipan niya ang mukha ng binata.
Sa lugar naman ni Asra, busy siya sa kakahanap sa ipis na tumatakbo-takbo sa pader ng kwarto niya. Habang hawak ang tsinelas, nanginginig siya.
Nilibot niya ang buong kwarto, at nang lumingon siya sa may pintuan, nakita niya dun ang ipis. Gusto niya ito'ng sapakin ng malakas gamit ang tsinelas pero natatakot siya'ng lumapit.
BINABASA MO ANG
A House With A Brown Tape (RomCom)
RomanceNagsimula ang lahat sa isang bahay na may brown tape. Ang brown tape na naghahati sa bahay sa dalawa. Dito nagkakilala ang binata'ng si Kari, gwapo, mestiso, at maganda ang hubog ng katawan, at ang dalaga'ng si Asra, maganda, maputi, pero may katara...
