Chapter 37: Pagtanggap

8.6K 198 12
                                    

Namalayan ni Alexis ang nakatitig na mga mata ni Kari at ang dahan-dahan'g patak ng luha nito sa mesa na tila ba bumagal ang pag-ikot ng oras na nagpapabagal sa lahat ng galaw sa paligid niya. Kinabahan din siya sa magiging reaksyon ng anak niya pag nalaman nitong siya pala ang ama nito.

Gusto niya'ng sabihin kay Kari na siya ang ama nito pero nagdadalawa'ng isip siya. Marahil tama si Leonora, baka umasa lang ang bata na mabubuo'ng muli ang kanyang pamilya.

Malabo na'ng mangyari yun dahil may pamilya na si Alexis. May tatlo na rin siya'ng anak na nakatira ngayon at kasama niya sa Amerika.

Nasa dulo na ng dila ni Alexis ang salita'ng anak pero parang pilit binabaluktot ng konsensya niya ang dila niya'ng gustong magsalita. Ayaw niya'ng umasa ang anak nito, masasaktan lang ito ng sobra.

Ngunit tila ang mga mata ni Kari ay kumakausap sa kanya, na nagsasabi'ng heto ako, ang anak niyo, yakapin niyo po ako.

Hindi namalayan ni Alexis na tumulo na rin ang kanyang mga luha habang tinitingnan ang nakaka-awa niya'ng anak. Nadama niya ang pananabik ng anak na s'yang nadarama din niya bilang isang ama na nananabik na mayakap ang nag-iisa niya'ng anak na lalaki.

"Sino po talaga kayo", maluha-luhang tanong ni Kari kay Alexis.

"Eto na ba? Magpapakilala na ba ako", mga katanungan ni Alexis sa kanyang isipan.

Tinakpan ni Kari ang kanyang bibig dahil ayaw niyang marinig ng nasa paligid ang kanyang iyak. Ipinikit niya ang kanyang lumuluhang mata na dinadama ang di ma-ipaliwanag na nararamdaman sa mga oras na'to.

"Mr. Alexis, kayo po ba ang papa ko", walang pagdadalawang isip na tanong ni Kari kay Alexis.

Tila talagang parang tumigil ang oras sa pagtakbo. Ito ay marahil sa nakakakabang paghihintay ni Kari sa sagot ng bisita sa katanungan niya.

Sasagot na sana si Alexis nang dumating si Leonora dahil tinawagan ito ni Jared na nag-aalala sa kaibigan, at kasama nito si Asra.

Agad na lumapit si Leonora at niyakap ang anak, ganun rin si Asra na hinahawakan ang kanang kamay ng fiance.

"Anak, bakit ka umiiyak", tanong ni Leonora.

"Mr. Alexis, kayo po ba ang papa ko", ulit na tanong ni Kari sa bisita.

"Anak, hindi siya ang papa mo. Ano ba'ng iniisip mo ba't nasabi mo yan sa investor mo", sabat ni Leonora.

"Kwinento ni lolo sa'kin kung pa'no niya kayo inalagaan. Ang pagpunta sa Japan, Hong Kong, Amerika, at New Zealand. Naalala niyo po yung, yung nagpapabili kayo kay lolo ng baka sa New Zealand (sabay pahid sa kanyang luha) dahil gusto mo'ng dalhin sa Pilipinas at alagaan, pero hindi pumayag si lolo kaya nagkulong ka sa kwarto at ayaw kumain? Kaya binilhan ka na lang niya ng kabayo nung naka-uwi na kayo rito sa Pilipinas", tanong ni Kari sa ama.

Napapikit na lang si Alexis sabay hingang malalim, "pasensya na, pero tama ang mama mo, hindi ako ang papa mo. Ang kapatid ko ang papa mo. Nakwento lang niya sa'kin. Wala na kasi siya kaya nung makita kita naalala ko yung mga sinabi niya sa'kin. Pasensya nadala lang ako", sagot ni Alexis at tumayo para umalis sana nang magsalita si Kari.

"Teka po, wala po kayong kapatid. Nag-iisa lang po ang anak ni Lolo Sander".

"Anak ako sa labas. Yung tunay na anak ng lolo't lola mo, yun ang papa mo", rason ni Alexis.

"BAKIT", galit na tanong ni Kari. "Bakit kailangan niyo pa'ng itago sa'kin", dagdag pa ng binata na napatayo habang di napigilan ang paglabas ng emosyon. "Ma? Ano ba? Bakit kailangan niyo'ng ilihim sa'kin", tanong pa ni Kari sa ina.

A House With A Brown Tape (RomCom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon