Ala una na ng hapon, nakabili na ng mga pasalubong si Kari para sa mga tao sa Lina.
Dumaan si Kari sa front desk na suot pa rin ang shades, "sir, nabasa ko yung pangalan mo sa listahan", sabi ni Ferlita.
At napatigil si Kari, "sige na nga, aaminin ko na", sabi ni Kari na sasabihin na sana ang totoo'ng pagkatao niya kay Ferlita na fan niya.
"Wag na sir. Alam ko na. Kapangalan mo pala ang idolo ko. Akalain mo yun? Kamukha mo na. Kapangalan mo pa. Unbelievable", sabi ng babae.
"Ah... hehehe. Tama ka, kapangalan ko", sabi ni Kari. "Ahm, uuwi na'ko ng Lina kaya hindi muna ako makaka-uwi rito. Sana, pakitingnan ang yunit ko baka may... alam mo na", sabi pa ng binata sa babae sa front desk.
"Sure, sir. 24/7 yan", sabi ni Ferlita.
"Sige, salamat", at umakyat na si Kari kasama ang alaga'ng aso at ang mga pinamili niya sa kanyang yunit.
Ilan'g oras ang lumipas, bumiyahe na rin si Kari pabalik ng Lina.
Habang sa bahay na may brown tape, namimili si Asra ng damit na isusuot para sa akala niya'ng pagkikita muli nila ni Kari.
Sa mansyon naman ni Timber ay masaya'ng nakikipagkwentuhan ang dalaga kina Emily at Tarhatta.
"Kita niyo naman, di ba? Kakamatay lang ng ex-fiance niya, excited ng makita si Kari. Ano yun, move on agad? O talagang makati lang", sabi ni Timber sa dalawang babae.
"I think that she really loves Kari. And she just felt pity for Benj", sabi ni Tarhatta.
"No! Malandi talaga 'yang babae'ng 'yan", inis na sabi ni Timber.
"No, I think that she really loves Kari", sabi pa ni Tarhatta.
"Hindi! Makati talaga yung babae'ng yun. Makati'ng makati", sabi pa ni Timber.
Magsasalita pa sana si Tarhatta nang sapakin siya ni Emily. "Ano ba? Kanino ka ba kumakampi", tanong ni Emily sa kasama.
"Sorry! I was just carried away", sagot ni Tarhatta at sinapak ulit ni Emily, "ouch"!
"Baka gusto mo'ng ma passed away babae ka. Isara mo na nga lang yan'g bunganga mo", babala ni Emily na nagpasara sa bibig ng kasama.
"Tonight will be my night. Hahahaha! Hahahaha", tawa ni Timber.
"Basta usapan natin Timber ha. Tsugiin agad, hindi yung pahihirapan mo pa", request ni Emily.
"O sige. Basta, ako na ang bahala dun", sabi ni Timber na ngiti pa rin ng ngiti.
Sa restaurant naman ay dinalaw ng isang news anchor-host si Tina dahil sa pagiging super fan nito sa dating aktor na si Kari, at sa mga pasabog nito'ng mga tweets.
"Magandang hapon sa'yo Tina AKA Supervisor Tina", bati ng news anchor-host.
"Magandang hapon po. Bago po tayo magsimula, mga telebyuwers at mga followers ko, tweet niyo po ang hashtag SupervisorTinaOnTV. Now na! Marami'ng salamat mga fans", sabi ni Tina sa harap ng camera.
"Haha! Okay. Ahm... Ang twitter account mo ay @supervisortina2120, bakit 2120", tanong ng news anchor-host.
"E kasi nagbilang ako. Imbes 19-20-21, binaliktad ko. Sabi ko 22-21-20-19, haha! Kaya nung bata pa ako nun, nakita ko yung kaibigan ko at ang baon niya ay kanin lang at walang ulam, kaya ayun", sagot ni Tina.
"Ha? Ah.. yun pala yun", sagot ng news anchor-host na hindi naintindihan ang sagot ni Tina.
"Saan mo nakukuha yung mga tweets mo tungkol kay Kari? Pina-follow ka na rin ng mga naglalakihang bituin ngayon", tanong pa ng news anchor-host.
BINABASA MO ANG
A House With A Brown Tape (RomCom)
RomanceNagsimula ang lahat sa isang bahay na may brown tape. Ang brown tape na naghahati sa bahay sa dalawa. Dito nagkakilala ang binata'ng si Kari, gwapo, mestiso, at maganda ang hubog ng katawan, at ang dalaga'ng si Asra, maganda, maputi, pero may katara...