Chapter 48: Goodbye Superhero

6.3K 175 23
                                        

Ilang oras ang lumipas ay may kumakatok sa pintuan ng silid ni Asra sa ospital habang kumakain sina Leonora at Coritha sa may mesa malapit sa TV.

Lumapit si Kari sa pintuan at pinagbuksan ang kumakatok dito.

"Hi, Kari! I'm Leo from WTVN. Pinadala po ako ni Neri dito para ma-interview po kayo sa side niyo dahil binabash ng mga fans niyo ang fiancee niyo", sabi ng reporter.

"Okay", pagsang-ayon ni Kari. "Ma, sa labas lang muna ako", paalam pa niya sa mga ina.

At yumango lang ang mga ito.

"Ano'ng binabash", tanong ni Coritha kay Leonora.

"Hindi ko alam, baka sinisiraan", sagot ni Leonora.

"Ah... Akala ko binigyan ng birthday", sabi pa ni Coritha.

"Birthday bash? Korny mo. Kita mo naman'g sinisiraan daw yung anak mo".

"Aba'y magagalit ako nyan kung ganun, pero alam mo, ipagdadasal ko nalang yang mga binabash", sabi pa ni Coritha sabay subo ng pagkain.

"Nagbabash. Ang binabash ay yung anak mo. At ang mga taong gumawa nun sa anak mo ay ang nagbabash", paliwanag pa ni Leonora.

"Ah... Pasensya na ha, alam mo naman mare, elementary lang ang natapos ko. Kaya nag Japan ako. Wala naman akong pamilya na mapag-iiwanan kay Asra. Kaya iniwan ko na lang siya sa simbahan", kwento ni Coritha na naiiyak.

"Nasabi mo na yan. Okay lang yan. Ang importante ang ngayon. Kalimutan mo na ang nakaraan", sabi ni Leonora sabay himas sa likod ni Coritha para patahanin. "Alam mo, yung sinabi ko sa'yo nun. Yung sabi nung Celia na nagpanggap na ina ni Asra, iniwan niya si Asra sa simbahan dahil sa takot na baka madamay ito sa galit ng asawa ni Mr. Cheng", dagdag ni Leonora.

"Mabulok na yun ng kulungan. Takot na takot ako nung nasa bodega ako, nakagapos ako nun. Buti nalang talaga nakawala ako", sabi pa ni Coritha na pinipigilan ang iyak sabay subo ng pagkain.

Hinimas naman ulit ni Leonora ang likod ng kumare.

Sa labas naman ng silid ay ininterview na si Kari.

"Mga Karinatics, sana po 'wag tayong tumalon agad sa konklusyon. Hindi pa natin alam ang buong kwento sa larawang kumakalat ngayon tungkol sa fiancee ko na may kasamang ibang lalaki. Okay po kami ni Asra, wala po'ng katotohanan'g karelasyon niya yung lalaki. Salamat po", sabi ni Kari sa harap ng camera.

"Sige, salamat Mr. Kari. Mapapanood niyo po 'to bukas ng umaga sa Morning TV", sabi ni Leo sa dating aktor.

"Sige", at nakipagkamay sa reporter.

"Sige", at nagpaalam na ang reporter kasama ang cameraman nito.

Sa mansyon naman ni Timber.

"Hahahaha! Hahahah", tawa ni Timber.

"Hala noh? Hindi maka-get over sa video", sabi ni Emily na kinukulayan ang mga kuko sa kamay.

"No. Hindi. The picture that I took about Asra sa mall, na sa balita na", galak ni Timber.

Napatigil si Emily sa pagmamanicure at si Tarhatta sa kakapanood ng American series.

"Really", gulat ni Emily.

"Oo. I uploaded it using my mystery account. Tapos idinulog ko sa kaibigan ni papa sa isang stasyon", paliwanag ni Timber.

"It's really cool when you are rich", sabi ni Tarhatta.

"At maraming koneksyon", dagdag ni Emily.

"Basta... Ang gusto ko lang, mamatay na sa hiya yang Asra na 'yan", sabi ni Timber sabay ngiti at inom ng wine.

A House With A Brown Tape (RomCom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon