Natanggal na ang tinik sa pagsasama nina Kari at Asra nang lumakas ang laban nila kontra kay Mr. Cheng. Hindi nila lubos maisip na may ganoon'g mga bagay na mangyayari sa buhay nila na alam nila'ng madalang lang sa totoo'ng buhay kung mangyari.
Masaya na at kampante sina Kari at Asra sa buhay. Sa wakas, magiging normal na naman ang takbo ng kanilang pamumuhay. Alam din nilang hindi sila maaaring galawin ni Mr. Cheng dahil kung matalino ito, siya ang magiging pangunahing suspek kung gagawa ito ng krimen. Bagama't ito ang magiging takbo ng sitwasyon ay nag-iingat pa rin sila.
Kasama nina Kari ang mama Leonora nila, at ang tunay na ina ni Asra na si Coritha, at syempre, ang alaga nilang aso na si Bougart. Ngunit hindi mapakali si Kari, pumayag na siya sa hiling ni Nanay Lucita niya, at yun ang makapagbakasyon si Avery sa bahay nila. Alam naman natin'g may gusto ito kay Asra kaya di natin masisisi kung ganun nalang ang reaksyon ni Kari.
Sa probinsya ay handa na si Avery na sunduin ni Kari.
Hindi pa nakarating si Kari sa lugar pero laking tuwa ni Avery dahil sa wakas makakatungtong na siya ng matagalan sa isang siyudad. Malayo-layo ang ba-byahiin ni Avery kung gusto nito laging makapunta ng syudad kaya ganun na lang ang tuwa niya nang malaman'g pumayag si Kari sa paki-usap ng kanyang lola, na pinilit naman niya'ng paki-usapan ang dating amo.
Niyakap ni Avery ang kanyang lola, "dadalaw nalang ho ako rito nay. Don't worry, okay"?
"Basta ang hiling ko sa'yo, wag ka'ng maging sakit sa ulo dun. Nakakahiya kay Kari. Pag nalaman ko'ng naging sakit ka sa ulo dun, lagot ka sa'kin", sabi pa ni Lucita.
"Of course nay! Ako pa. Naging headache ba ako sa'yo? 'Di ba hindi naman".
"Hay naku, basta pagbisita ng papa mo rito sa probinsya'y uuwi ka na ha".
"Yes po, ma'am"!
"Hala, hintayin mo na lang si Kari, parating na yun".
"Yeah nay".
Sa kalahati'ng oras na paghihintay ni Avery ay sa wakas dumating na rin ang pinakahihintay niya'ng tagapagsundo, si Kari, sakay ng kanyang puti'ng kotse.
Bumaba si Kari sa kotse nito at nagmano muna kay Nanay Lucita.
"Marami'ng salamat talaga Kari sa pagpayag mo sa paki-usap ko, ito kasi'ng si Avery, mapilit", sabi pa ni Nanay Lucita.
Napatingin naman si Kari kay Avery na nakakunot noo. Si Avery naman ay nakangiti lang.
"Okay lang 'yun nay Lucita. Ako ang bahala sa lintik na apo niyo".
"Ano yun, Kari", tanong pa ni Lucita.
"Ay... Ang sabi ko po, intsik na apo ninyo", palusot ni Kari.
"Ahh... Pero Amerkano siya, hindi siya intsik. Half-American ba".
"Ay oo nga po pala, wag kayong mag-alala kahit na half-animal siya akong bahala sa kanya. Sige ho, magpapaalam na po kami nang ma-ano ko na po 'tong apo niyo".
"Ano'ng maano"?
"Maano po, maipasyal sa amin".
"Hala sige, mag-ingat kayo. At Avery, wag mo ko'ng ipahiya kay Kari ha".
"Sana nga po, hindi", sabat ni Kari.
"Of course, hindi nay", sagot ni Avery.
"Hala sige, mag-ingat kayo sa byahe niyo. Nawa'y bantayan kayo ng Poon'g Maykapal".
"Salamat, nay! Kayo rin po", sabi ni Kari.
At nagsi-sakay na sila sa kotse at nagpaalam na ng tuluyan.
BINABASA MO ANG
A House With A Brown Tape (RomCom)
RomantizmNagsimula ang lahat sa isang bahay na may brown tape. Ang brown tape na naghahati sa bahay sa dalawa. Dito nagkakilala ang binata'ng si Kari, gwapo, mestiso, at maganda ang hubog ng katawan, at ang dalaga'ng si Asra, maganda, maputi, pero may katara...
