Chapter 27: Ang Pagbabalik

10.2K 213 30
                                        

Masaya sina Kari at Asra sa kabila ng panggugulo ni Avery sa kanila.

Bumaba na sila ng bundok at doon malapit sa may sakahan inilapag ang kanila'ng mga dala na pagkain galing sa kanila'ng syudad.

Masaya'ng nakikikain ang mga magsasaka sa maliit nila'ng dalang pagkain. Si Avery naman ay nasa gilid lang at di na umiimik.

Ilang sandali pa'y lumapit si Kari kay Avery para makipag-usap.

"Avery, pare, alam ko'ng interesado ka kay Asra pero ikakasal na kami. Marami pa naman'g iba diyan eh", sabi ni Kari sa binata.

Ilang segundo ang lumipas bago sumagot si Avery kay Kari na napahinga ng malalim, "oo na. Mahal na mahal niyo ang isa't isa. Masaya na ako para sa'yo".

"Salamat pare, kahit sandali lang tayo'ng nagkakilala alam ko'ng mapagkakatiwalaan ka, kaya sana, wag mo'ng sirain ang tiwala ko".

"Makaka-asa ka pare", sabay taas ng kamay para makipagmano.

"Salamat", at nakipagmano si Kari sa binata nang biglang lakasan ni Avery ang paghawak nito sa kanyang kamay. "Aray".

At binitawan na ni Avery ang kamay ng binata, "ayan, nakaganti na'ko sa'yo. Sana makahanap rin ako ng babae'ng tulad ni Asra. Yung tipo'ng totoo kung magmahal at hindi titingin sa iba".

"Madami diyan pare. Gusto mo hanapan pa kita. Si boss Herber, gusto mo"?

"Herber? Babae ba 'yan"?

"Oo naman. Ano'ng akala mo sa'kin, ilalakad kita sa bakla? Malabo yun".

"Ah... Asahan ko yan pare ha".

"Sure".

"May number ka ba niya"?

"Nino"?

"Ni Herber".

At napatawa bigla si Kari. "Hahahaha"!

"It looks like you're making fun of me, bakla yata yan'g Herber eh".

"Sorry, di ko kasi mapigilan. Ang seryoso mo kasi, agad mo'ng hiningi ang number niya. Don't worry pare, pag nakuha ko ang number ni Herber, ibibigay ko agad sa'yo".

"Sige, i-save mo ang number ko".

"Sige", at nang matapos ma i-save sa cellphone ni Kari ay niyaya na niya ito'ng kumain.

Lumipas ang ilang oras at malapit ng mag alas dos ng hapon kaya nagpaalam na sina Kari at Asra sa mga tao sa probinsya, sa mga tao sa sakahan, at sa pagbaba nila sa bahay ng dati nila'ng kasambahay na si Aling Lucita.

"Mag-ingat ka'yo", bilin ni Aling Lucita.

"Salamat, nay. Avery pare, don't worry, ilalakad kita kay boss Herber".

"Asahan ko yan, pare ha. Thank you", sagot ni Avery kay Kari.

Sumakay na sina Kari at Asra sa loob ng kotse.

"Herber? Di ba bakla yun", tanong ni Asra.

"Oo, yung boss ko sa Strabrooks nun".

At nagtawanan sila'ng dalawa.

"Langya ka! Hahahaha"!

Pinaandar naman ni Kari ang sasakyan at umalis na.

Pagbalik nila sa bahay ilang oras ang makalipas hinanap nila ang kanilang ina at ang alaga nitong aso.

"Ma", tawag ni Kari nang makapasok sa loob ng bahay.

"Baka nasa park lang yun".

"Baka nga. Sige, magpahinga ka na. Bibisitahin ko lang ang negosyo".

A House With A Brown Tape (RomCom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon