Galing pagtuturo ay nakauwi na sina Kari at ang alaga sa tahanan nito. Matapos isara ang pintuan ay nagshower siya para presko. Pinabayaan naman niya ang alaga na maglakad-lakad sa loob ng bahay.
Ilang minuto'y natapos na si Kari sa pagligo. Nagbihis siya at umupo sa upuan niya. Tinawag niya ang alagang aso para himasin. Lumabas naman si Asra ng kwarto na may kausap sa telepono.
"Oo, tama. Sige, bukas magkita tayo sa Strabrooks. Yung coffee shop sa may... oo, tama. Sige."
"Hoy! Sino yun?"
"Eh ano ngayon?"
"Yang ugali mo ha. Pabago-bago. Bakit masungit ka na naman ba?"
"Ano ba'ng paki-alam mo?"
"Teka, narinig ko, magkikita kayo sa Strabrooks. Magpapalibre ba yun? Wala akong pera hah."
"Ganun?"
"Namimihasa ka na ah. Magdadala ka pa talaga ng isa para malibre."
"May pera ka ba diyan? A-advance ulit ako. May bill tayo sa kuryente."
"Di ba may negosyo ka. Advance ka ng advance."
"Aaminin ko. Hindi ako masyadong kumikita. Ubos na ang milyones ko. Alam mo kung bakit."
"Dahil sa mga kaibigan mo. Alam ko na yan. Heto, may 4000 ako pero 2000 lang ang ibibigay ko sayo. May pangagailangan din ako noh."
"Saan mo naman 'to napulot?"
"Nag-part-time dog trainer ako."
"Teka, di ba may commercial ka? Magkano ang kinita mo dun?"
"Hindi pa naabot yung bayad. Alam mo, para kang asawa. Tanong ng tanong sa kinikita ko."
"Mabuti na yung alam ko para mabayaran mo ako ng sakto."
"Higit pa sa sakto, pangalawang beses ka ng nag-advance ah. Ahm... buti naman, naka move on ka na."
"Aba oo naman. Ano ba'ng care ko kung hanggang kapatid lang ang turing mo sa'kin?"
"Ano ba'ng pinagsasabi mo? Ang ibig kong sabihin, kay Drake."
"Ah... aha... oo, tama ka. Nagtatawagan kami sa telepono."
"Mabuti naman."
"Ahm... kumain ka na?"
"Busog ako."
"Aalis lang ako."
"Bahala ka."
"Kakain ako. Ayaw mo'ng sumama?"
"Busog nga ako."
"Bahala ka."
"Bahala ka rin."
"Che", at lumakad na si Asra.
Pagdating ni Asra sa isang fast food agad siyang umorder at ng makuha ang order ay umupo sa mesa para kumain.
May nakakita sa kanya, si Sandy. "Look who's here. The lady is a tramp", wika ni Sandy nang lumapit ito sa kanya. Pero di niya ito pinansin. "Hello? Do you remember me", dagdag pa ni Sandy.
Tiningnan ito ni Asra. "Ano ba'ng gusto mo?"
"I heard you and Kari are living in a house as housemates?"
"Ano ito? Pinoy Big Brother? Housemates? Ako ang girlfriend niya."
"Ganun ba? Bakit hindi niya dineclare nung magkasama kayo sa party."
"Dahil busy siya."
"Really?"
"Really. Lumayo ka nga. Wala akong oras sa'yo."

BINABASA MO ANG
A House With A Brown Tape (RomCom)
RomanceNagsimula ang lahat sa isang bahay na may brown tape. Ang brown tape na naghahati sa bahay sa dalawa. Dito nagkakilala ang binata'ng si Kari, gwapo, mestiso, at maganda ang hubog ng katawan, at ang dalaga'ng si Asra, maganda, maputi, pero may katara...