Chapter 54: Ang Hindi Inaasahang Halik

6.1K 157 5
                                        

Tapos ng makakain si Kari sa isang table sa labas ng restaurant kasama ang kanyang alagang aso na pinakain din niya.

Ilang minuto ang lumipas ay narating na ni Kari ang kanyang silid at dun ay hinanap ang kanyang cellphone.

"Teka, nasa'n ba yung cellphone ko", tanong niya.

Binuksan niya ang kanyang mga bagahe, ngunit hindi niya talaga nakita ang cellphone niya. Lumabas rin siya ng hotel para icheck ang kotse ngunit bigo pa rin siya'ng makita ang cellphone dun.

"Mmm... baka naiwan ko sa bahay", sabi niya sa kanyang sarili. "Total, busog naman si Bougart, mag-isa na lang akong aalis para makabili ng bagong cellphone, sige, tama", sabi niya sa kanyang sarili at bumalik siya ng silid para kunin ang kanyang pitaka na may lamang mga card.

Bago lumakad palabas si Kari ay kumuha muna siya ng dala niya'ng fresh milk. Binuksan niya ito at inilagay sa dala niya'ng lalagyan ng pagkain ni Bougart. Pagkatapos ay nilapitan niya ang alaga niya'ng aso at napaluhod siya ng bahagya.

"Bougart, dito ka na muna ha. Bubuksan ko ang TV para may mapanood ka", sabi ni Kari sa alaga at sumagot naman ito ng tahol. "Okay, bibilhan kita ng paborito mo'ng dog food", sabi pa ni Kari at tumayo na.

Lumabas na siya ng silid at inilock na niya ang pinto.

Bitbit ni Kari ang pula'ng bag ni Rita, ang babae'ng amoy alak na nakausap niya kanina. Naisipan niya'ng ihatid ito sa address na nakalagay sa ID ng dalaga.

Ilang minuto ang lumipas, narating na ni Kari ang address na nakasulat sa ID ni Rita. "Heto ba 'yun", taka niya, "dito ko na lang ipapark ang kotse ko", dagdag pa niya sabay park sa kotse sa tamang parking area.

Bumaba na siya ng kanyang kotse suot ang kanyang shades at pumasok na sa loob ng isang malaking gusali.

Pagkapasok niya ay agad siya'ng pumunta sa front desk. "Ahm... Excuse me", paumanhin ni Kari sa may tinatawagan'g babae na nagbabantay.

"Okay. You're welcome", sabi ng babae at ibinaba ang telepono. "Good morning sir, what can I do for you today", tanong ng babae.

"Ahm... dito ba nakatira si Rita Angeles, saglit lang...", sabi ni Kari sabay kuha sa ID ng dalaga at ini-abot sa babae na kaharap niya.

Tiningnan ng babae ang ID ni Rita, "ahh... Si Ms. Angeles po. Boyfriend niya po kayo", tanong pa ng babae.

"Ahm... hehe, hindi, kakilala lang", sagot ni Kari.

"Aaah... may kahawig po kayong artista sir. Si ano, si... Kari Julio. Naku idol na idol ko yun, miyembro kaya ako ng Karinatics. Kaso tumigil siya sa pag-aartista pero happy kami sa kanya", sabi pa ng babae sabay abot sa ID ni Rita pabalik sa binata.

"Aaah... kung narinig niya yung sinabi mo, naku magpapasalamat yun", sabi ni Kari sabay tanggap sa isina-uli'ng ID ni Rita.

"Baka pwede niyo po'ng tanggalin yung shades niyo at baka kahawig niyo po talaga si Kari", request ng babae.

"Ay wag! May ano ako, sore eyes", palusot ni Kari.

"Ay", sabi ng babae sabay nandidiri na mukha. "Tatawagan ko lang phone niya, saglit lang po", sabi pa ng babae.

Habang naghihintay si Kari ay may nakita siya'ng duct tape sa likod ng babae, napatitig si Kari dun sabay tanggal ng kanyang shades. Mangiyak-ngiyak siya'ng makita ang duct tape, ang brown na tape na may kahulugan sa buhay niya. Naalala niya si Asra.

A House With A Brown Tape (RomCom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon