Chapter 45: Hindi Mapakali'ng Puso

6.6K 154 6
                                        

Bumalik ng banyo si Asra para iiyak ang lungkot ng maalala niya ang kanyang nakaraan. Si Benj ang una niya'ng naging boyfriend at engaged siya dito nun ngunit hindi nauwi sa kasalan dahil inuna ni Benj ang pangarap nito'ng makatungtong ng Amerika at maging isang ganap na pintor. Minahal ng sobra ni Asra si Benj kaya ganun na lang ang naging reaksyon niya ng magkita sila ng dating karelasyon.

Hindi na ito na-ikwento ni Asra kay Kari dahil para sa kanya, wala na ito. Pero hindi niya mapigilan ang kanyang sariling maiyak ngayon'g muli sila'ng nagtagpo ng dati niya'ng minahal.

Si Benj ang dahilan kung bakit ganun na lang kasungit si Asra nung umpisa, nung unang araw na makilala ito ni Kari.

Umiiyak si Asra sa loob ng banyo, kumuha ng tissue, at tiningnan ang sarili sa harap ng salamin.

---FLASHBACK (alaala ni Asra)---

"Asra, 19 ka pa lang, 20 lang din ako pero nais kong sabihin sa 'yo na... na nagpaalam na 'ko sa mga magulang ko, Asra", at lumuhod si Benj sa harap ni Asra. Tanaw ng mga kaklase at ng di kilalang mga tao ang nagaganap na masaya't nakakakilig na eksena nila, "will you marry me", dagdag pa ni Benj na nagbigay ingay sa loob ng shopping mall.

Napaiyak si Asra nang marinig ang mga salita ni Benj. Four years na sila'ng mag-on, sino ba ang hindi mapapa-iyak, na ang lalaking minamahal mo, ang lalaking pinapangarap mo, at ang lalaking andiyan lagi sa tabi mo ay luluhod para hingin ang kamay mo?

"Yes, Benj. Yes", pagsang-ayon ni Asra sa alok na kasal ni Benj.

Abot tainga ang ngiti ni Benj ng marinig nito ang oo ng dalaga.

Agad niya'ng isinuot ang singsing sa daliri ni Asra sabay tayo at halik dito.

"Salamat Asra", sabi ni Benj matapos mahalikan ang dalaga at niyakap niya ito ng mahigpit. Ganun rin si Asra, mahigpit niya'ng niyakap si Benj.

Tatlong araw ang lumipas mula sa araw ng engagement ay nakatanggap si Benj ng isang telegrama mula Amerika. May nakita siya'ng address sa labas ng sulat at dun ay nalaman niya na ang inapplyan niya pala, online, na School of Arts ang nagpadala nito. Ito ay agad niya' g binuksan at binasa.

Ilang saglit ay biglang nanlaki ang mga mata ni Benj, at halatang hindi mapigil ng binata ang kanyang ngiti.

"Ma!!! Pa!!! Nakapasa ako", galak na balita ni Benj sa kanyang mga magulang at kumaripas ng takbo sa sala kung sa'n naroroon ang mga magulang niya. Doon ay tawa ng tawa si Benj at talon ng talon.

"Ano ba'ng ipinagdiriwang mo at bakit ang saya-saya mo? Excited ka ba'ng talaga sa kasal niyo ni Asra", tanong pa ng mama niya.

Biglang natigil si Benj sa kakatalon at kakatawa. Agad siya'ng umupo sa gilid ng sofa malapit sa mga magulang niya.

"Pa, ma, pa'no kung umatras ako sa kasal namin", tanong ni Benj sa mga magulang nito.

"Ano? Ano'ng nakain mo't nagbago ang isip mo", tanong pa ng mama niya.

"Nakapasa po kasi ako sa online application after getting a great grade on an online exam. Mag-aaral na'ko sa Amerika ma. Matutupad na ang mga pangarap ko", masaya'ng sagot ni Benj.

"Masaya kami ng mama mo para sa'yo anak. Pero pa'no si Asra", tanong naman ng papa niya.

Napatigil si Benj sa pag-ngiti. "Sasabihin ko sa kanya ang naging desisyon ko. Alam naman niya na pangarap ko talaga 'to e. Kaya kampante ako'ng maiintindihan niya ako. Babalik naman ako para sa kanya e. And this dream of having a good life in America is for her also. Para sa magiging future namin", sagot ng binata sa kanyang ama.

"Ikaw ang bahala 'nak. Basta't asahan mo'ng nasa likod mo kami ng mama mo", sabi pa ng kanyang ama.

"Salamat pa, ma", sabi ni Benj at niyakap niya ang kanyang ama sabay hawak sa kamay ng ina.

A House With A Brown Tape (RomCom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon