"Hello, Mr. Cheng".
"Hello, Cherry! Nais ko'ng masiguro ang pagsabak ni Kari sa inoffer natin sa kanya'ng project".
"Oho, kakausapin ko ho siya ngayon".
"Mabuti. Sige, pagbutihan mo".
"Oho", at ibinaba ni Cherry ang telepono. "Kailangan ko'ng tawagan si Kari". At kinuha ulit ang telepono. "Hello"?
"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try your call later".
"Ano kaya ang pinaggagawa niya ngayon"?
Habang si Kari ay busy sa paghahanap ng trabaho.
"I'm sorry, pero wala kami'ng bakante", sabi ng help desk officer sa isang kompanya'ng pinuntahan ng binata.
"Sige ho". Agad na lumabas si Kari sa establishemento. Pinahiran niya ang kanyang mga pawis gamit ang isang malambot na panyo. "Pangatlo na'tong inapplyan ko. Sana naman makahanap na ako ng mapagtatrabahuan".
"Good afternoon bata, diba ikaw yung nasa commercial? Madami ang nakapansin sa'yo. Nagtrend ka sa twitter at usap-usapan ka sa media", sabi ng isang lalaki na nakapormal na kasuotan.
"Ha? Salamat ho sa impormasyon".
"Ako nga pala si Mr. Gary Malungkutin pero masayahin ako'ng tao. Tawagin mo nalang akong Mr. Lonely, sikat ako sa tawag na 'yan".
"Sige ho. Ano ho'ng maililingkod ko"?
"Isa ako'ng manager ng isang sikat na kompanya ng mga talents. Naghahanap ka yata ng trabaho. Magaling akong manager. Tiyak marami ka'ng makukuhang proyekto pagsumama ka sa team ko".
"Ho? Ahm... ano pong kompanya"?
"Hindi mo alam ang kompanya ko? LBM, Legacy Bond Management, sikat yan".
Napakamot sa ulo si Kari.
"Hindi ka siguro taga rito. Kaya ngayon mo lang yan narinig".
"Ahm. Naka-sign na kasi ako ng kontrata sa manager ko".
"Sino ba ang manager mo"?
"Si Ms. Cherry..."
"Oh! Cherry. Oh... kilala ko siya. Masaya ka ba dun? Eh bakit naghahanap ka ng trabaho? Dapat sa mga katulad mo, ino-offeran na lang ng proyekto. At bakit sa mga ganitong establishemento ka naghahanap ng trabaho. Naku, pinababayaan ka na ng manager mo. Hindi dapat ganyan".
"Kari", tawag ni Cherry nang makita nito ang binata.
Napatingin si Mr. Lonely sa tumawag, agad siya'ng tumalikod at nagsalita kay Kari, "sige bata, tawagan mo nalang ako, heto ang calling card ko. Ingat ka", at dali-dali'ng umalis nang maabot ang calling card.
"Sino yun"?
"Ahm... ano nga pangalan nun? Mr. Lonely".
"Ha? Diba kanta yun? Anyway, samahan mo'ko sa coffee shop, makikipag-usap ako sa'yo".
"Sige ho".
Nang makarating na sila sa isang coffee shop ay nagsi-upo na sila. Lumapit ang isang waiter at kinuha ang kanilang order. Matapos umorder ay nagsimulang mangumusta si Cherry.
"Kamusta"?
"Okay lang".
"Ahm... napag-isipan mo na ba ang inoffer ko sa'yo"?
"Ahm... oho. Hindi ko po tatanggapin. Pasensya na ho kayo".
"Pero nakasaad sa kontrata mo na magtatrabaho ka para sa team. Ano ang gusto mo'ng trabaho? Aksyon? Drama? Maganda ang serye na ibinigay sa'yo. Isa'ng love story. Magiging kaibigan ka ng leading man. Nabasa ko ang script, magiging ka-love triangle ka ng bida. Break mo na'to. This is really a good start for your carreer".
BINABASA MO ANG
A House With A Brown Tape (RomCom)
RomanceNagsimula ang lahat sa isang bahay na may brown tape. Ang brown tape na naghahati sa bahay sa dalawa. Dito nagkakilala ang binata'ng si Kari, gwapo, mestiso, at maganda ang hubog ng katawan, at ang dalaga'ng si Asra, maganda, maputi, pero may katara...