Chapter 34: Bagong Pagsubok

7.7K 176 30
                                        

Narating na nina Kari at Asra ang police station. Doon ay nireport nila ang lahat ukol sa pagkawala ng alaga nilang aso na si Bougart at ang pagkadamay ni Sandy sa nangyari.

Matapos na maireport ang lahat ng mga pangyayari ay sinubukan'g kontakin ni Kari si Sandy ngunit hindi ito sumasagot.

"Kawawa naman ang Bougart ko", sabi ni Kari sa fiancee niya.

"Huwag kang mag-alala, hindi siya pababayaan ng Diyos. Makakabalik din sa 'tin si Bougart na malusog at walang galos", sabi ni Asra na pinapagaan ang loob ni Kari. "Sa ngayon, hayaan muna natin ang mga pulis na umaksyon ukol diyan. Pero hindi tayo susuko, at baka matagpuan natin kung saan dinala ni Sandy si Bougart", dagdag pa ng dalaga.

"Sige", at sumakay na sila ng kotse at umikot-ikot sa mga kalye.

Ilang oras nilang nilibot ang mga kalye-kalye ngunit bigo sila'ng makita ang kinaroroonan ng alaga nila'ng aso. Medyo napapagod na rin sila'ng dalawa dahil mainit ang sinag ng araw sa mga oras na'to.

Napagdesisyunan nilang umuwi na lang muna para makapagpahinga at maghintay-hintay nalang muna sa update ng mga pulis.

Pagkarating sa bahay na may brown tape ay agad na pumasok sila'ng dalawa na matamlay at nagmano agad sa kanilang mga magulang.

"Ano, may balita na ba tungkol kay Bougart, nak", tanong ni Leonora at umupo sa may sala kasama si Coritha at ang mga bata.

"Na ki Sandy ma", sagot ni Asra habang si Kari ay nakasandal sa upuan at umiidlip na pagod na pagod at bakas ang lungkot sa mukha.

"Sino nga ba 'yan'g Sandy na 'yan", tanong pa ni Coritha.

"Yung nakilala po namin ni Kari sa party na inilunsad ni ate Cherry nun", sagot ni Asra sa ina.

"Bakit naman daw niya kinuha yung aso", tanong naman ni Leonora kay Asra.

"Nasabi sa'kin ni Kari nung nag-ikot-ikot kami, nababaliw na raw. Gusto raw pakasalan siya ni Kari kapalit ng buhay ni Bougart", sagot ng dalaga.

"Ano? Nababaliw na talaga siya! Dognapper pala ya'ng babae'ng yan", inis na sabi ni Coritha.

"Na-ireport niyo na ba sa mga pulis, nak", tanong ni Leonora.

"Oho ma, sa ngayon napagod lang po talaga si Kari at dala rin ng lungkot kaya ayan", sagot ni Asra sabay tingin kay Kari.

"Naiintindihan ko. Matagal na n'yang kasama si Bougart kesa sa'kin. Kaya alam ko kung gaano ka halaga ng alaga niya'ng aso'ng si Bougart sa buhay niya", sabi pa ni Leonora na naiintindihan ang kalagayan ni Kari.

"Oho ma, salamat. May dala ho pala akong pagkain. Kunin ko lang po sa kotse nang makakain na tayo", sabi ni Asra.

Lumabas ng bahay si Asra at tumungo sa kotse. Binuksan niya ang kotse at kinuha ang mga pagkain'g nabili nung nag-ikot-ikot sila sa mga kalye-kalye nang biglang nag-ring ang telepono ni Kari na naiwan nito sa loob ng kotse.

Agad niya'ng kinuha ang telepono at nakita niya ang isang di kilalang numero. Agad niya'ng pinindot ang pagsagot sa tawag.

"Hello", sagot ni Asra sa telepono.

"Asra"?

"Oo, ako 'to. Sino ka"?

"Si Sandy 'to".

"Nasa'n ka"?

"Malapit lang sa kotse niyo. Natatanaw nga kita e", sabi ni Sandy kay Asra sa telepono.

"Pinaghahanap ka na ng mga pulis, kaya kung ayaw mo'ng masangkot sa mas malaki'ng gulo, ibalik mo na si Bougart".

"Ano? Ni-report niyo ko sa mga pulis? Bakit"?

A House With A Brown Tape (RomCom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon