Gabi na ng umuwi si Kari. Nasa sala pa rin si Asra nakaidlip, naghihintay. Bigla ito'ng nagising ng lumapit si Kari.
"Oh, andyan ka na pala", at tumayo siya pero bigla siya'ng hinila ni Kari at niyakap ng mahigpit. Nagtaka si Asra kung bakit bigla ito'ng niyakap ng ganun na lang ni Kari. Amoy alak pa ito.
"Hindi ko alam, kung bakit naglalasing ako. Kaya wag ka ng magtanong. Basta isa lang ang nasa isip ko. Hindi kita ipagpapalit sa karer ko. Maghirap man tayo, gusto ko paggising ko sa umaga, mukha mo ang makikita ko. Yun lang", sabi ni Kari sa dalaga habang mahigpit na niyayakap ito. Napayakap nalang si Asra sa binata. Lumuwag ang pakiramdam sa sinabi ng nobyo.
"Bakit mo naman nasabi 'yan? Sige na. Kukuha lang ako ng damit mo para makapagbihis ka na", at kumalas na si Asra sa pagkakayakap para puntahan ang lalagyan ng damit ni Kari.
"Asra... ikaw ang mahalaga sa akin. Wala ng iba", sabi pa nito habang kumukuha si Asra ng damit niya.
Pagbalik ni Asra, tulog na ang nobyo. Napangiti naman si Asra. Pinunasan niya ito para mabihisan na.
Habang sa bahay ni Mr. Cheng. Nasa garden si Timber nagtataka ng hindi na nagpapakita, ikalawang araw na, si Kari.
Si Cherry naman ay nasa opisina pa rin. Malalim ang iniisip. "Pasensya ka na kung hindi kita nasamahan sa panahon'g nangungulila ka sa lolo natin. Ito yung buhay ko, Kari. Matagal ko ng pangarap 'to. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw ni Mr. Cheng malaman mo'ng magkapatid tayo. Pero malaki ang utang na loob ko sa kanya. Siya ang nagpalaki sa akin. Siya rin ang nagpa-aral, nagbihis sa 'kin ng marangyang damit. Sana maintindihan mo rin ako", sabi niya sa sarili.
Sumikat na ang panibagong araw. Biglang may tumawag sa telepono ni Kari. Tulog pa rin ang binata kaya si Asra na ang sumagot. "Boss Herber", sinagot niya ang tawag. "Hello? Kari? Kamusta ka na? Hindi ka na masyadong nag rereport sa trabaho. Okay ka lang ba? Nakita kita sa telebisyon, sikat ka na. Kailangan mo pa ba ng trabaho dear", tanong ng boss ng binata.
"Si Asra po ito, nobya niya. Tulog pa po kasi si Kari. Sasabihan ko nalang ho siya na tumawag kayo pagkagising niyana ng matawagan niya ho kayo ulit".
"What??? No no no! Tell him he is fired! He is fired! Sinaktan niya damdamin ko! Sinaktan niya! Nagdurugo! Nagdurugo... ah... ang puso ko! Huhuhu! Wag na siya'ng magpakita sa akin. Magsama kayo mga traydor", at tinapos ang tawag.
"Ha? Ang weird naman. Nagkarelasyon sila ng boss niya? Humanda ka sa paggising mo, ulol ka", at ibinalik na ni Asra ang telepono sa nilagyan ni Kari ng telepono niya.
Ilang oras ang lumipas naggising na si Kari. "Asra? Asra", tawag niya.
"Andito ako. May pagkain na sa mesa. Kumain ka na".
Agad na tumayo si Kari at hahalikan sana sa pisngi si Asra nang dumistansya ito. Nagtaka naman si Kari. "May problema ba? May ginawa ba akong kasalanan", tanong ni Kari.
"Kumain ka na. Kanina pa yan. Baka lumamig na yan".
"May ginawa ba ako kagabi na nasaktan kita", tanong pa ni Kari.
"Wala. Kumain ka na kasi".
At pumunta na sa mesa si Kari pero nagtataka pa rin.
"Kailan pa kayo nagkaroon ng relasyon ng boss mo sa cafe", tanong ni Asra ng di mapigilan ng dalaga ang inis.
"Ha? Yan ba ang ikinagagalit mo".
"At gusto mo pa talaga ako'ng matuwa".
"Hahahahah! Nakakatuwa ka naman".
"Ha? Nakakatuwa pa talaga ako, unggoy?!?"
At lumapit si Kari kay Asra at nilapit rin ang mga mata sa mukha ng dalaga. "Ganito na ba ako kagwapo para pagselosan mo ng husto ang mga walang kabuluhang bagay?"
BINABASA MO ANG
A House With A Brown Tape (RomCom)
RomanceNagsimula ang lahat sa isang bahay na may brown tape. Ang brown tape na naghahati sa bahay sa dalawa. Dito nagkakilala ang binata'ng si Kari, gwapo, mestiso, at maganda ang hubog ng katawan, at ang dalaga'ng si Asra, maganda, maputi, pero may katara...