Dumating na naman ang araw na mag-isa lang si Asra. Oo, andiyan si Petta, pero yung pakiramdam niya, nag-iisa lang siya. Na parang wala'ng tao sa buong mundo.
Habang si Kari naman ay nasa office ni Cherry para tingnan ang advertisement na ipapalabas sa telebisyon bukas.
Habang pinanonood ni Kari ang advertisement naalala niya si Asra. May mga katanungan siya sa isipan na gusto niya'ng masagutan, tulad ng kamusta na siya, nakatulog ba siya ng mahimbing, masaya ba siya sa piling ng alaga niya, at marami pa.
"Mr. Kari Julio, malalim ang iniisip mo. What can you say about the advertisement. Kanina pa kita tinatanong", wika ni Cherry.
"Sorry po, okay po."
"Okay lang?"
"Ahm... basta kayo ho ang may gawa, perfect po."
"Haha! Kaw talaga. Nakakalito ka. Minsan rin ang galang mo, minsan rin palabiro ka. Ahm... may problema ba?"
"Wala ho."
"Si Bougart?"
"Na kay Asra."
"Ah... binantayan niya. Okay. So, tomorrow, ilalabas na 'to anytime sa TV. Abangan mo nalang."
"Thank you po."
"Sige, pwede ka ng magpahinga. Kokontakin nalang kita pag may panibagong offer."
"Salamat po. Uwi na ho ako."
Paglabas ni Kari, naisip niya'ng dumaan sa bahay ni Asra. Dahan-dahan siya'ng sumilip sa bintana ngunit wala doon si Asra. Pansin niya'ng bubukas ang pinto sa harapan kaya agad siya'ng nagtago. Nakita niya sina Asra at Bougart.
Napansin ng alaga ni Kari na parang nasa tabi-tabi lang ang amo niya, kaya kumahol ito ng kumahol. Napalulon ng laway si Kari. Buti nalang, hindi ito pinansin ni Asra at nagjogging na sila.
Lumabas naman si Kari at pinahiran ang pinagpapawisa'ng noo. May naisip si Kari'ng gawin.
May susi pa si Kari sa bahay, duplicate na bigay ni Asra noon, binuksan niya ang pintuan ng bahay at pinasok niya ang looban. Sinubukan niya'ng buksan ang kwarto pero naka-lock ito. Naghanap siya ng bolpen at papel. Buti nalang nakakita siya ng mapagsusulatan sa sala. Sa paghahanap niya nakakita naman siya ng bolpen sa ilalim ng sofa. Ang ginawa niya, kumuha siya ng pera sa kanyang pitaka at inipit ito sa isang papel na may nakasulat, dog food at pagkain mo, tapos pangalan niya sa huli. Agad niya ito'ng isinuksok sa ilalim ng pintuan.
Nagmadali agad siya'ng lumabas pero sa may di kalayuan, nakita niya'ng pabalik sina Asra at Bougart. Agad niya'ng isinara ang pinto at tumakbo sa loob ng banyo ni Asra.
Nagulat si Asra ng malaman'g bukas ang pintuan sa harapan. "Ha? Hindi ko'to na-lock? Buti nalang nakalimutan ko ang towel. Kung hindi, hindi ako babalik dito't maiiwan'g bukas ang bahay". Pumunta siya sa pintuan ng kwarto para buksan ito. Pagkabukas niya gamit ang susi ay may napansin siya sa baba na isang papel. Kinuha niya ito't tiningnan. "May pera? Teka may nakasulat. Dog food at pagkain mo, Kari!?! Galing dito si Kari", agad na lumabas si Asra para hanapin si Kari dahil sa tingin niya hindi pa ito nakakalayo. Lumabas naman ng banyo si Kari at tumakbo sa likod ng bahay. Doon ay inakyat niya ang pader para makalabas.
Agad na tumakbo papalayo si Kari nang makatakas.
Habang si Asra ay nalungkot nang hindi makita si Kari. Bumalik nalang siya sa loob para kunin ang towel pampunas ng pawis.
Habang si Kari ay hinihingal habang sumasakay ng dyip. "Buti nalang".
Kalahating minuto ang lumipas naka-uwi na si Kari sa bahay na kanyang nirentahan. Nagtext na rin siya kay Asra na yung 3000 na kada buwan niya ay ipapadala nalang niya through money transfer. Nagreply naman si Asra ng "kamusta ka", pero hindi na ito sinagot ni Kari.
BINABASA MO ANG
A House With A Brown Tape (RomCom)
RomanceNagsimula ang lahat sa isang bahay na may brown tape. Ang brown tape na naghahati sa bahay sa dalawa. Dito nagkakilala ang binata'ng si Kari, gwapo, mestiso, at maganda ang hubog ng katawan, at ang dalaga'ng si Asra, maganda, maputi, pero may katara...