SIGN #15- THE MYSTERIOUS MAIL

1.7K 28 8
                                    

SIGN #15- THE MYSTERIOUS MAIL

JORDAN’S POV

 

Break-up lang naman namin ni Chiney ang kailangan diba? Makikipagbreak ako sa kanya. Tutal i’m getting the hint that Asha is also inlove with me. Pagkadating ko sa tapat ng condo ni Chiney at pinindot ko ang doorbell. Dahil sa sobrang mainipin ko, ilang beses ko pang pinindot hanggang sa nagbukas ito at pareho kaming nagulat ng nagbukas.

“Vince? Anong ginagawa mo dito?” He smirked at me at sakto namang sumilip si Chiney sa pinto. Kahit na hindi ko mahal si Chiney, natatapakan ang ego ko dahil pinagtataksilan niya ako. Tinulak ko si Vince para makadaan ako at hinablot ko ang kamay ni Chiney.

“Let’s talk.”

Hinila ko si Chiney sa rooftop ng building. Kaming dalawa lang at kailangan ko nang tapusin ito.

“Let’s broke up.” Humarap ako sa kanya at bakas sa mukha niya ang pagkagulat na napalitan din ng isang malungkot na tingin.

“Bakit narinig mo na ba ang side niya? Bakit ba sa tuwing naririnig nila ang side niya, nawawalan ako ng kakampi?” She gave me a weak smile at tumalikod sa akin.

“Bakit mo ko kailangang iwan? I need you Jordan. Ikaw kailangan ka ba niya? Bakit hindi mo siya tawagan ngayon at tanungin mo sa kanya yan? Kaya kitang pahalagahan hindi katulad ng ginagawa niya ngayon sayo. Naiichapwera ka lang niya. But, if you really want a break up ibibigay ko sayo yun.” Para naman akong binagabag ng konsensya ko sa sinabi niya. Hinabol ko siya at hinawakan ang kamay niya.

“Chiney wait.” Huminto siya sa paglalakad at lumingon sa akin. Agad kong pinunasan ang luha sa mga mata niya at niyakap siya.

“Sorry. Hindi na kita iiwan ulit.” Hindi ko alam pero pakiramdam ko kailangan ko siyang protektahan. Ang pagpoprotekta na ginawa ko kay Asha ng matagal na panahon. Ang pagpoprotekta na alam kong maaappreciate niya.

“Bakit nga pala nasa condo mo si Vince?” Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tinignan ako.

“Bakit nagseselos ka? Are you already falling for me?” Mahal ko na ba siya? Ewan ko. Hindi ko alam. Para kasing may kung ano na dahilan kaya parang nagalit ako. Parang hindi dapat na makita ng iba ang girlfriend ko na may kasamang iba sa condo niya. Tama naman diba?

“No. I’m just asking. Hindi ko ba pwedeng tanungin ang girlfriend ko. At magkakilala pala kayo? Siya kasi ang lalaking nanakit kay Asha eh.” She just gave ma a smile bago sumagot.

“H-he’s just a-an old friend o-of mine.” Naniwala naman ako sa sinabi niya and we headed downstairs.

CHINEY’s POV

 

Nagising nalang ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. I check the time at bumangon na sa kama para pumasok. Pumasok ako ng C.R to take a bath and do my thing saka ako lumabas ng kwarto para mag-almusal

 Then, may nakita ako sa sofa na gumalaw. Para akong naestatwa sa pwesto ko. Natakot ako bigla dahil baka napasok na pala ako ng magnanakaw. I slowly turn around at nakita ko si Vince na natutulog sa sofa na nakacrossed arms pa. Nilapitan ko siya and I got a chance to see his face closer.

WATCH OUT MS MANHATER 2 (SIGNS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon