“Ohh..... H-hi Jordan. Musta na?” Alangan pang sumagot si Chiney kay Jordan sa screen. I know hindi welcome ang presence ko pero hindi ko alam kung bakit parang naglue na ata ang paa ko sa kinatatayuan ko. I can’t move because I know that even a single step babagsak ako.
“Dude, kami na ni Chiney.” Narinig kong sabi ni Vince kay Jordan. Hindi ko alam ang sinagot niya. Hindi ko marinig o pilit lang tinatanggi ng utak ko na iprocess lahat ng sasabihin at sinasabi niya. I don’t know what’s wrong with me. The other day I hate him so much pero today, everything turned upside down. Gusto kong pumasok sa screen at yakapin siya ng mahigpit.
“Pre si Asha oh.” Naramdaman ko nalang na hinila ako ni Terrence at nasa harap na ako ng laptop. Nagulat ako dahil siya na kaagad ang kaharap ko and I know nagulat din siya based sa reaction ng mukha niya. Gusto ko siyang suntukin, sabunutan bugbugin pero at the same time, I want to hug him tight telling him how much I longed for him.
“H-hi...” Una niyang bati sa akin. I don’t know if I’m dreaming or not dahil paulit ulit ang sinabi niya sa utak ko. One syllable, two letters. Maikling salita kung tutuusin but it struck my heart so much. Gusto ko nang tumalon sa sobrang saya. ARRRGGGHHH!! What the hell is happening to me.
“H-hi.... K-kamusta ka na?” I tried to smile. ACTUALLY, pinipigilan ko ang sobrang pagngiti dahil baka mamisinterpret niya ako.
“I’m fine. I-ikaw k-kamusta ka na?” ‘Eto naghihintay sa pag-uwi mo.’ Gusto kong sabihin sa kanya pero dahil nga mapride akong babae, i stopped myself.
“Brent sino kausap mo?” Nakarinig ako ng boses ng babae sa kabilang screen. Maya maya nga may lumabas na babae at naupo sa lap ni Jordan. HEY!! WALANG IBANG TUMATAWAG SA KANYA NG BRENT KUNDI AKO AHHH!!
What surprised me most is when that FREAKIN FUCKIN UGLY GIRL LEAN TO BRENT NA PARANG HAHALIKAN NIYA. Pigil hininga kong hinihiling na wag dadampi ang labi niya sa labi ni Brent dahil lilipad talaga ako papunta sa Malaysia masabunutan lang siya.
THEN, THE CALL ENDED. I was left bewildered. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nag-out narin si Brent kaya hindi ko alam ang gagawin ko. I was just surprised na niyakap na pala ako ni Chiney at pinupunasa ni Terrence ang luha ko.
JORDAN’s POV
“Alexie, anong ginawa mo?!” tinulak ko si Alexie paalis sa lap ko dahil pinatay niya ang laptop ko. THE HELL!!
“Why? I’m sorry ok? Gabi gabi mo naman silang nakakausap ah? What’s the difference if I accidentally shut down your computer? GOSH!! Eh di tawagan mo ulit.” Sinamaan ko siya ng tingin. Nakakainis na talaga siya. Hindi ko alam ano sa salitang ayoko sa kanya ang hindi niya maintindihan.
Simula ng dumating ako dito sa Malaysia, sunod na ng sunod yang babaeng yan sa akin. Sinasabi ko na sa kanya na ayoko sa kanya pero ok lang daw yun. Hindi ba naman medyo may katigasan ang ulo nito?
“Lumabas ka na nga. Ano bang ginagawa mo dito sa male dorm ha? Irereport na talaga kita.” Tumayo siya sa harap ko at nagawa pang mamewang.
“Fine ireport mo ako. Baka nakakalimutan mo na ang alam ng buong campus eh girlfriend mo ako.” Hindi ko na siya pinansin. Siya lang naman ang nagsasabing magboyfriend-girlfriend kami eh. Ayokong iexplain yun sa kanila dahil wala naman akong dapat iexplain.
BINABASA MO ANG
WATCH OUT MS MANHATER 2 (SIGNS)
Novela Juvenilthis story is about a girl na naniniwala sa mga signs. what if, she saw the signs to a certain guy? susundin niya ba ito o ang sinasabi ng puso niya?