CHAPTER 29- REPLACEMENTS

1.6K 34 4
                                    

CHAPTER 29- REPLACEMENTS

TERRENCE’s POV

Sinong maysabi na madali ang break up? It hurts like hell! Kahit na gaano mo ikundisyon ang isip mo, dadating at dadating sa point na iiwan ka niya hindi dahil nagsawa na siya sa inyong dalawa kundi dahil kailangan na niyang bumalik sa dapat nagmamay-ari sa kanya.

“Terrence….” Nakita ko na naman ang pagtulo ng luha niya. I hate it whenever she cries. Hindi kasi bagay sa kanya ang umiiyak. Mas ok sa kanya kapag nagsusungit siya or di kaya kapag tumatawa but tears are not good on her.

“I’m letting you go Asha. Ito ang dapat. Sapat na ang two years sa akin, sa atin. Naprove ko na sayo na mahal kita at alam ko namang mahal mo rin ako. There’s no doubt in that pero sadyang mas mahal mo siya kesa sa akin.” I tried to hold the tears back kasi sino ba naman ang matutuwa na ang true love mo eh pinapakawalan mo ng ganito?

“I’m so sorry Terrence. I’m sorry.” Kanina pa siya sorry ng sorry sa akin. I just hug her. Hindi ko naman siya sinisisi na mas pipiliin niya si Brent kesa sa akin. I know kung hanggang saan lang kami. Ang relationship namin parang pagkain lang, may expiration date. Pero kahit na ganun, I will make sure that I will cherish everything till the last drop.

“Just be happy Asha yun lang. At kapag pinaiyak ka niya, nandito lang ako.” I kissed her forehead and left. I don’t want any more tortures.

Dumiretso ako sa bar na madalas kong pagtambayan sa Q. Ave. As usual, maingay pero konti lang ang tao ngayon kasi siguro hindi pa weekend. May mga ilan na nasa dancefloor at sumasayaw may iba naman na pasimpleng nagmimake out sa gilid at ang iba, nagpapakalunod sa alak tulad ko.

“One bottle of tequila please. Pahingi narin ng dalawang lemon at asin.” WOAH!! Medyo matapang siya sa part nay un ha. Of all the alcohols, tequila pa ang gusto? Oh well, baka himatayin ako kung absinthe ang inorder niya. Tinignan ko ang girl, mukhang mayaman siya dahil sa kinis ng kutis niya pati narin sa suot niya na halos branded lahat. Hindi din maitatanggi na may gandang naitatago si ate kaso mukhang badtrip.

“the hell are you?!” hawak hawak niya ang cellphone niya at parang may tinatawagan. Nung hindi ata sinagot ang tawag niya eh binato niya sa counter at kinuha ang bote ng tequila at nilaklak. Wala man lang flavoring? Nagpakuha pa siya ng lemon at asin. Goodluck talaga.

“Did you know that staring at other people’s business is rude? Not unless crush mo ko?” Hinarap niya ako and I think familiar ang mukha ng girl na ito sa akin. I think I saw her somewhere.

“kapag ba tinititigan crush na kaagad? Hindi ba pwedeng naiingayan lang talaga?” She stared at me at smirk.

“Im Alexis de Guzman and Im looking for my future husband tinakasan niya kasi ako eh.” Pagpapakilala niya. Sabi na nga ba eh kaya siya familiar sa akin.

ASHA’s POV

 

“Ang sama kong tao” Maktol k okay brent. Kanina ko pa kinukwento sa kanya kung paano nakipagbreak si Terrence sa akin.

“Mahal mob a?” Ramdam ko ang selos sa boses niya. Siya na nga ang pinili ko nagseselos pa siya.

WATCH OUT MS MANHATER 2 (SIGNS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon