SIGN #24- OVERSEAS
ASHA’s POV
“Hello?” Halos pabulong na ang pagkasabi ko. I want to hear it again. Confirm if it was true. Tatlong buwan kong tiniis na hindi siya kausapin hindi siya kamustahin para hindi ako manghina pero shit lang!! Isang hello lang niya halos takbuhin ko kung nasaan man siya ngayon.
(“S-sorry wrong number.”) Binaba niya ang phone. And that was the cue for my tears to fall. Hindi dahil sa binabaan niya ako ng phone but to the mere fact na wrong number lang daw yun.
“Ate?? Anong ginagawa mo? Halika ka.” Inakay ako ng kapatid ko papasok sa bahay hanggang sa kwarto ko. Wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak. For three long months i feel better yet it hurts. Masarap na naiiyak ko lahat ng tinago ko for the past month but the pain keep on pressing me.
“Asha??” Pumasok si mama sa kwarto ko. Ayoko siyang kausapin. I don’t want anyone to see my tears. I don’t want anyone to see how weak I am. I don’t want them took pity on me.
“I-im *sniff* Im fine ma.” Pinunasan ko ang mga luha ko but tears kept on coming out.
“I know you are. Malakas ka diba? You are fine. You are strong.” Tumabi siya sa akin at niyakap ako. Lalo pang nag-unahan ang mga luha ko sa paglabas sa mga mata ko. Gusto ko nang tumigil pero tuloy tuloy parin sila sa paglabas.
“M-ma.... i-it hurts.... *sniff* a lot.” Lalo pang hinigpitan ni mama ang yakap niya sa akin.
“I know baby. I know.”
“Alam mo, before ko pang naging boyfriend ang papa mo, I met this certain guy. I loved him so much to the extent that I even agreed to became his mistress. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, I beg for his time and love. Then your dad came into my life and made me realize something. Hindi mo pala kailangang manlimos ng isang bagay mula sa isang tao. Because if he truly loves you you would never beg something from him because he would give it freely to you.”
Tumingin ako kay mama and she wipe my tears away.
“Asha, masarap magmahal, the feeling of floating in cloud nine. Pero kasabay nun, masakit masarap magpakamatay. But you don’t have to give up. Kailangan mong bumangon sa susunod na araw, ready to make that guy suffer for making you cry.” Niyakap ko si mama and I fell asleep in her arms.
Nagising ako kinabukasan dahil sa lakas ng ulan. Nalaman kong wala kaming pasok. To make my day fruitful kahit na sobrang nakakaantok talaga, ginawa ko ang mga schoolworks ko. Ayoko na rin kasi siyang isipin. The more I think about him, the more sadder I become.
I let the days passed na parang hindi yun nangyari sa akin. I go to school everyday, go out with my friends and I would lie if I would tell you na kahit ni minsan hindi siya sumagi sa isip ko.
“WALA PA NGA AKONG NATATANGGAP! IPASA MO ULIT!” I yelled at my groupmate on the other line. Pinapapasa ko kasi sa kanya ang script namin for our T.V Production next week to check pero hindi ko parin natatanggap.
Nahagilap ko na lahat ng folders sa email ko until I came across a certain mail. Yung email na ilang buwan ko nang natanggap at ilang buwan ko na ring pilit kinakalimutan.
Memories came rushing in my mind. Ang tanga ko talaga. How can I forget someone that easily if he is already part of my life ever since? Simula ata ng iluwal kami sa mundong ibabaw, magkabuhol na ang umbilical cord namin and yet ang lakas ng loob kong kalimutan siya.
Natanggap ko na ang email and check it immediately. I send it to our professor and decided na dalawin ang bestfriend ko.
“Ihhhh.... ang kulit kulit mo. Wait nga kasi.” I rolled my eyes nung marinig ko ang boses sa labas palang ng condo ni Chiney. Magkasama na naman sila. What’s new? Dapat pala hindi ko nalang sila pinagpilitan dahil nakakairita ang couple na ito.
“O nandyan ka pala Asha. Lika dito. Kanina pa ako nandidiri sa ginagawa ng dalawang to.” Sinalubong ako ni terrence na may hawak na sandok. I entered the house at hindi ko napigilang mapayakap sa kanya.
“A-asha....A-are you a-alright?” He taps my back and it feels good. Medyo matagal na rin nung walang gumagawa sa akin nun. Masarap sa pakiramdam that you are protected and cared by someone else beside your family.
“Bessy....”
“I’m fine pagod lang ako. Finals na kasi eh.” I reasoned out.
“Aish... dapat kasi hindi ka masyadong nagpupuyat Asha. Chill lang. Makakagraduate ka pa.” Biro naman ni Vince sa akin.
Tumunog bigla ang laptop ni Chiney at nung buksan niya a familiar face showed up.
“HI CHINEY!! HI BRO MUSTA NA KAYO DIYAN?” I clenched my fist. Naninikip ang dibdib ko. How could he? Nagawa niyang kausapin sila Chiney samantalang ako isang email lang ang natanggap mula sa kanya?! HOW DARE HE?!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: sorry for the short and late update ^_^
BINABASA MO ANG
WATCH OUT MS MANHATER 2 (SIGNS)
Novela Juvenilthis story is about a girl na naniniwala sa mga signs. what if, she saw the signs to a certain guy? susundin niya ba ito o ang sinasabi ng puso niya?