SIGN #16- THE MEN
VINCE’s POV
Pagkaakyat nila Chiney at Jordan sa rofftop, agad kong kinuha ang cellphone ni Chiney and check something.
Tama nga ang hinala ko. Terrence and Chiney is here to hurt Asha again. Mabuti nalang at nabalaan ko ng mas maaga si Asha. Ayoko na siyang masaktan pa tulad ng ginawa ko sa kanya. She deserves to be happy at ibibigay ko sa kanya ang happiness na iyon.
Sinend ko ang files sa cellphone ko at agad na umalis. Konting edit nalang ito at pwede ko nang gawing proof sa kalokohang ginagawa ni Terrence at Chiney. Alam ko kung anong rason ni Chiney pero si Terrence? Ewan ko.
Pagkabalik ko sa bahay ay naligo na ako at pumasok sa school. Anong akala niyo sa akin, forever stalker nalang ni Asha at wala nang buhay sa school? Diyan kayo nagkakamali, in fact estudyante ako ng baste. And I will get the heart of the lady knight once more.
Gamit ang isa kong cellphone sinend ko kay Asha ang mga pictures and I’m nervous of what the results maybe. Gusto ko lang na maibalik siya sa akin. Yun lang at walang iba dahil alam kong hanggang ngayon ako parin ang mahal ni Asha.
TERRENCE’S POV
Marami ang nagagalit sa akin. Selfish daw kasi ako at hindi ko pa daw pinapakawalan si Asha. Kung kayo ang nasa kalagayan ko, malamang gagawin niyo rin ito. Sino ba namang tao ang ayaw na mahalin siya ng babaeng mahal niya? Ito na eh, konting tulak nalang mahuhulog na si Asha sa akin at mamahalin na niya ako ng tuluyan then I can save the manhater’s heart. Pero dahil sa evil cousin ko na si Chiney masisira pa ang lahat.
Agad akong nagdrive papunta sa condo ni Chiney pero wala na siya doon. DAMN!!! Hindi ko kayang mawala si Asha sa akin. Mahal ko na siya. And I’m willing to do everything para manatili lang siya sa akin.
Pagdating ko dun, si Jordan ang naabutan ko.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya. Isa pa siya. Gusto niya ring kunin si Asha sa akin. Kunyari pa siyang kaibigan ni Asha pero ang totoo, may gusto siya dito. Obvious naman eh.
“May pinapakuha si Chiney sa akin eh. Ikaw anong ginagawa mo dito?” balik na tanong niya sa akin.
“Gusto ko sanang kausapin si Chiney. Gusto mo ako nalang ang magbibigay?” tinaasan niya ako ng kilay.
“Magkakilala kayo ni Chiney?” hindi pa ata niya alam na magpinsan kami.
“Oo. Actually pinsan ko siya. I really need to talk to her.” Nag-aalangan man, may binigay siya sa aking clear folder. Sabi niya para daw sa thesis ni Chiney yun at magkikita sila sa starbucks sa likod ng letran.
Pagkadating ko dun, nakaupo na si Chiney sa may couch at hindi niya ako napansin dahil busy siya sa laptop niya. I approach her at naupo sa tapat niya.
“Nakuha mo ba?” tumingin siya sa akin at nagtama ang mga mata namin. I saw her smirk. Sa totoo lang, gusto ko siyang ibitin ng patiwarik.
“Anong ginagawa mo dito my dear cousin?” kukunin niya sana ang clear folder sa kamay ko pero inilayo ko ito.
“HEY!! Ano ba? Akin na nga yan.” Lalo ko itong nilayo sa kanya at hinablot ang kamay niya.
“Mag-usap tayo. Iligpit mo ang mga gamit mo within 10 seconds or else kakaladkarin kita palabas dito.”
JORDAN’s POV
“Mr. Brent Jordan Espartinez pinapatawag po kayo sa dean’s office.” Napatingin sa akin ang mga kaklase ko. Hindi ko rin alam kung bakit. Bakit nga kaya? Di kaya matutupad na ang pangarap kong maging dean’s lister? Hindi sa finals pa nila iaannounce yun. Baka naman, nalaman na nilang ako ang kumuha ng isang kopya ng test paper sa Physics? SHET!! Baka maexpell ako, papatayin ako ni papa.
“M-ma’am....” Sabi ko dun sa secretary ng dean. Agad naman akong pinatuloy sa office ng dean. Kabadong kabado akong pumasok sa loob. Nanginginig ang tuhod ko hindi dahil maeexpell ako kundi papatayin ako ng mga magulang ko.
“iho, halika have a seat.” Ok Jordan, hindi naman mukhang masama ang aura ni ma’am baka good news. Baka nga dean’s lister na ako.
“p-pinatawag niyo daw p-po ako.” Ngumiti ang dean sa akin at tumango.
“Yes. Alam mo ba kung ano ang foreign exchange program?” tumango ako. Ngumiti ulit siya sa akin before continuing
“Actually, napili ka namin para sumali sa student exchange program. You will be staying in Malaysia for three years. Gusto mo ba?” gusto ko nga bang mapalayo dito? Malayo sakanya?“salamat po sa offer ma’am pero pag-iisipan ko muna.” Tumayo na ako at lumabas ng office.
Pagkalabas ko, nakatanggap ako ng text galing kay Chiney. Pinapakuha niya ang thesis niya sa condo niya dahil nasaakin naman ang susi niya. Naiwan niya sa akin kanina.
Saktong paglabas ko naman ng condo, naabutan ko naman si Terrence na pawis na pawis at halatang galit na galit.
“Anong ginagawa mo dito?” napansin ko na lalong nagkunot ang noo niya. Ano bang ginagawa niya dito?
“May pinapakuha si Chiney sa akin eh. Ikaw anong ginagawa mo dito?” I asked him. Magkakilala ba sila ni Chiney?
“Gusto ko sanang kausapin si Chiney. Gusto mo ako nalang ang magbibigay?” tinaasan ko siya ng kilay. Bakit siya ang magbibigay kay Chiney? Sino ba siya sa buhay ng girlfriend ko? Hey, hindi ako nagseselos tulad ng iniisip niyo ha. Concern lang ako mamaya tinutwo time lang pala niya si Asha. Matitikman niya ang kamao ko.
“Magkakilala kayo ni Chiney?” tanong ko sa kanya.
“Oo. Actually pinsan ko siya. I really need to talk to her.” Magpinsan? Chiney never told me that. Naalala kong may gagawin pa pala ako kaya binigay ko sa kanya ang gamit ni Chiney. Nakita ko siyang sumakay sa kotse niya at saka ako sumakay. But upon riding, my instincts is telling me na sundan siya.
Katulad ng inaasahan, pumunta siya sa starbucks sa meeting place nila ni Chiney. After quite sometime, lumabas na sila at sumakay sa kotse ni Terrence. Magpinsan ba talaga sila?
Sinundan ko ang kotse ni Terrence hanggang sa tumigil kami sa isang parking lot sa isang malapit na mall. Bumaba silang dalawa. I park my car malapit sa kanila para makita ko sila. Noong una nag-uusap lang sila, pero maya-maya napansin kong parang may pinagtatalunan sila. Bababa sana ako sa kotse ko pero may dumating pang isang tao.
...si vince
WHAT THE HELL IS HAPPENING HERE??!!
BINABASA MO ANG
WATCH OUT MS MANHATER 2 (SIGNS)
Teen Fictionthis story is about a girl na naniniwala sa mga signs. what if, she saw the signs to a certain guy? susundin niya ba ito o ang sinasabi ng puso niya?