SIGN #7- THE THIRD SIGN
JORDAN’s POV
Maaga akong nagising dahil sa pesteng subject ko na ito na hindi naman inattendan ng prof ko. Hayup!! Nag-iisang subject ko na nga lang, wala pang professor. Sayang ang gas. Kayamot!! Eh di sana kasama ko ngayon si asha at naghaharutan. Sarap lang.
Lumiko ako dun sa may medyo walang taong corridor para makalabas pa ako ng buhay sa letran pero napatigil ako nung makarinig ako ng boses na parang galit. Hindi ko naman ugaling makinig sa usapan ng may usapan pero pamilyar ang boses sa akin kaya napahinto ako.
“Just do it!! Ako na ang bahala sayo.” Sumilip ako para siguraduhin na siya ba talaga ang nasa isip ko. At tama ako si chiney nga na hawak ang cellphone niya at parang galit na galit.
“Simple lang ang pinapagawa ko sayo couz.... wala akong pake kahit na masaktan pa siya. I want to see Natasha Felice Andrada Cruz crying to death.” Nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ko ang pangalan ni asha. Akala ko ba bestfriend sila ni asha? Bakit niya kailangang ganituhin si asha? Sinasabi ko na nga ba at nasa loob ang kulo nitong babaeng ito eh.
Gusto ko pa sanang pigilan ang sarili ko pero wala na akong nagawa dahil nakalapit ako sa kanya at hinablot ko siya sa braso niya at naisandal sa pader. Nabitawan niya ang cellphone niya at nanlaki ang mata niya ng makita niya ako sa harap niya.
“J-Jordan?!” wala akong pakialam kahit na babae pa siya. Lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa kanya dahil iniisip ko palang kung ano ang gusto niyang gawin sa babaeng mahal ko parang ako na mismo ang papatay kay chiney.
“anong pinaplano mo kay asha?!” her facial expression changed. Lalo akong nainis sa pinapakita niya ngayon. Hindi ko na mabasa dahil hindi na siya mukhang nerd na nakikita ko sa classroom dahil parang sumapi sakanya ang mga kontrabida sa mga teleserye.
“it’s none of your business. At kung tatakutin mo ako na sasabihin mo kay asha, i don’t care. Sa tingin mo sino mas paniniwalaan niya eh hindi pa ganun katibay ULIT ang friendship niyo? She would rather choose to die in my hands that to believe you.” Nanghina ako sa sinabi niya dahil totoo. Mas paniniwalaan pa ni asha ang isang estranghero kesa sa akin. Ganun kasaklap ang pagkawala ng tiwala sa akin ng taong mahal ko.
“k-kahit ano gagawin ko. J-just don’t hurt her.” Labag sa kalooban kong pagsabi sa kanya. Kahit na anong ipagawa niya sa akin gagawin ko basta maging safe lang si asha.
“then be my boyfriend.” Casual na pagkakasabi niya. I expected it already dahil may gusto daw siya sa akin diba? Ok lang kahit na hindi ako ang maging boyfriend ni asha ngayon basta maging maayos siya.
“fine then. Im your boyfriend but do not hurt her.” Hinawakan niya ang kamay ko at parang gusto ko nang bawiin lahat ng sinabi ko. Nandidiri ako sa kanya. AYOKO SA LAHAT NG PLASTIC.
“and iwasan mo na rin siya. Ayokong nakikitang nakikipag-usap ka sa kanya.” Napatingin ako sa kanya at nakita kong muli ang nakakapanlokong ngiti niya. An evil smile that gives creeps through my veins. Umoo nalang ako kahit na sobrang sakit ng lahat.
ASHA’s POV
Ano bang silbi ng mga signs na ito? Patuloy lang akong akong naguguluahn dahil dito. Sino ba ang nangangailangan ng milyon-miong lalaki kung lahat naman sila lolokohin at papaasahin ka lang?Bakit pa kasi ako naniwala sa mga signs na ito? Ito nalang ba talaga ang panghahawakan ko para makita ang sinasabi nilang soulmates? Ni hindi ko nga alam kung totoo ba yun eh.
“akin to!!” naagaw ang atensyon ko dahil sa dalawang batang naglalaro sa sandbox. Nasa park ako para makahanap ng katahimikan pero wala atang katahimikan kahit saan. Pinagmamasdan ko lang sila habang nag-aagawan sa isang bola. They look similarly. Kambal na babae maybe they are already 5 years old. Nasan ba ang mga magulang nitong mga bata? Ang cute pa naman din nila. Bigla ko tuloy namiss si CC at si CJ.
BINABASA MO ANG
WATCH OUT MS MANHATER 2 (SIGNS)
Teen Fictionthis story is about a girl na naniniwala sa mga signs. what if, she saw the signs to a certain guy? susundin niya ba ito o ang sinasabi ng puso niya?