SIGN #10- PROJECT MAKING

2.2K 36 4
                                    

SIGN #10- PROJECT MAKING

Isang busy na linggo ang bumungad sa mga Letranista. Three weeks before their sembreak tambak ang gawain ng lahat. At ramdam ito ng block nila asha at Jordan. Sunod-sunod ang mga exhibits nila sa major subjects nila pati narin ang mga research papers and position papers. At dahil Friday, wala dapat silang pasok pero napagkaisahan nilang gawin nalang ang exhibit nila for their major. at alam natin na sa tuwing may project making, palaging nagkakagulo ang klase. Salubong lahat ng ideas kaya sabog ang mga utos. Sigawan here, sigawan there. Ang isang buong klase biglang magkakawatak watak. May mga madidiscover na sikreto at kung anu-ano pa na hindi inaasahan. pero ang pinakamalupit sa lahat, may mabuo kaya sa project making na ito?

maagang dumating si Asha sa letran. ang usapan kasi, 7am pero 6:30 palang nasa school na siya.

ASHA’s POV

 

LINTEK!! ANO BANG TINGIN SA AMIN NG MGA PROF? ROBOT?! TAMA BANG PAGSABAY-SABAYIN LAHAT NG PASAHAN? MAY MUSIC VIDEO PA KAMI SA INTRO TO COMM NAMIN. TAPOS MAY PLAY PA KAMI. AAAAHHH!! LINTEK NAMAN TALAGA OH!!!

“good morning.” napatigil ako sa pagmomonologue dahil sa boses sa tabi ko. ayaw ko nang lingunin pero kailangan eh. Tsaka isa pa, namimiss ko narin tong tukmol na ito.

“Morning.” naupo siya sa tabi ko at natahimik kami sandali. spell AWKWARD?

“tayo palang?” tumango ako ng marahan sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako na-aawkwardan sa kanya. dahil ba sa nakita ko last week na magkayakap sila ni Chiney? pero diba normal lang yun? magboyfriend-girlfriend sila kaya normal lang yun. O dahil nakita niya ako sa park nung sinagot ko si Terrence. bakit naman ako maaawkardan dun? paki ba niya? AAHHH!! HINDI KO NA ALAM!! ANG SAKIT NA NGA NG UTAK KO SA ACADS DADAGDAGAN PA NG GANITO.

“wala pa.” matipid kong sagot. eh bakit? yun lang naman ang sagot sa tanong niya diba? meron o wala?

another moment of silence have past at parang pakiramdam ko kabog lang ng dibdib ko ang naririnig ko. walang ingay mula sa mga batang naglalaro o sa mga estudyanteng nagmumurahan sa kabilang dulo. Just me and him. GO!! kaya ko to!! matatanong ko rin sa kanya kung bakit siya umiiwas sa akin.

“Jordan...”

“Asha...”

nagkatinginan kaming dalawa at pareho kaming gulat. we stared at each other’s eyes for a long time bago binawi. napayuko nalang ako dahil mas tumindi ang awkwardness sa aming dalawa.

“ikaw na muna.” tumingin ako sa kanya at nakatanaw siya sa malayo. anong ako muna? ang magsalita? tapos kapag nagsalita ako magsasalita din siya? eh ano naman ang sasabihin ko?

“no, ikaw muna.” tumingin naman siya sa akin at nagsalubong na naman ang tingin namin.

“bessy!!!” nagbawi kami ng tingin dahil sa narinig naming boses. si Chiney na patakbong pumunta sa pwesto namin.She waved at me and she hugged jordan instantly. Peste!! Kailangan talagang dito pa maglandian sa harap ko?! kinuha ko ang cellphone ko at nagtext kunyari. Nagtatype sa message ko ng lahat ng sama ng loob ko.

WATCH OUT MS MANHATER 2 (SIGNS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon