SIGN #8- IT'S OFFICIAL

2.3K 35 4
                                    

SIGN #8- IT’S OFFICIAL

ASHA’s POV

Si Terrence na ba talaga? Kasi... ahhh!! ewan ko ba!! naguguluhan ako. kasi kung siya diba, may spark?! LECHENG SPARK YAN ASHA!! yumakap ka nalang sa kable ng kuryente tignan natin kung walang spark. HAAYYYSSS!! NABABALIW NA TALAGA AKO. kinakausap ko na ang sarili ko mag-isa. Eh kasi ganito lang yan, diba kahit na siya ang soulmate ko kung di naman siya ang mahal ko useless lang diba?

Naglalakad na ako papunta sa classroom ko at as usual, im the center of the boys’ attention. ganda ko kasi eh. hahahahaha. what can you expect?

Pagkabukas ko palang ng classroom natanaw ko na ang dalawa kong bestfriend at alam kong may something na sa kanilang dalawa. Wag niyo akong tanungin kung ano kasi hindi ko din alam. Ang hirap iexplain, you can’t see any physical clues pero AISSHH!! EWAN KO!!!

“Good Morning Bestfriend!!” masigla ang pagbati ni Chiney sa akin. Nginitian ko siya at tumingin kay Jordan. I was shock nung hindi niya ako pinansin na para bang hindi ako nag-eexist sa classroom na ito. Somehow, parang biglang nasaktan ang ego ko sa ginawa niya. napaupo nalang tuloy ako sa upuan ko at parang gusto kong mambitch ngayon.

nilaro ko nalang ang cellphone ko at naririnig kong nagbubulungan ang dalawa. Hindi ko nalang sila pinapansin kasi. ahhh!! naiinis kasi talaga ako. Alam niyo yung feeling na naiirita ka kasi wala lang?! ewan ko di ko maintindihan ang nararamdaman ko. naiinis ako na naiirita lalo na kay jordan. sabi niya diba di naman niya gusto si chiney tapos ngayon, grabe sila kung magbulungan.

“jordan ikaw na magsabi.” jordan ikaw na magsabi bakit parang lumandi ang tingin ko kay Chiney? hindi naman ako naiinis sa kanya kapag nakikipag-usap siya kay Jordan pero ngayon..... HINDI KO ALAM!!!

natapos na ang klase pero hindi naman nila inopen sa akin ang topic na pinag-uusapan nila kanina. Well i dont care. Hindi naman ako chismosang tao kung ayaw nila eh di wag nila. Pero, ang pinakanapansin ko sa lahat ang pagiging cold ng treatment ni Jordan sa akin. Napapaisip tuloy ako kung may nasabi o nagawa ba ako sa kanya na kinagalit niya. Baka naman wala talaga siya sa mood? eh kahit naman wala yan sa mood pinapansin parin ako niyan eh. ako pa nga ang kukulitin pero ngayon, walang wala talaga eh. Napapansin ko din minsan lalapit siya sa akin, trying to speak pero hindi na niya tinutuloy tapos aalis nalang siya. WHAT THE HELL WAS THAT?!

“ASHA CRUZ!!!”napalingon ako sa likod ko at doon ko nalang narealize that i’m spacing out. Nakasunod pala ang dalawa sa akin. The Cheerful Chinee Saavedra at ang nakabusangot na si Jordan Espartinez. Ang cute tignan ni jordan. Hey!!! DID I SAY THAT?! joke lang yun!!!

Napababa ang tingin ko sa mga kamay nila. Their fingers are intertwined at para bang may kung anong kumurot sa puso ko sa nakita ko. ramdam ko ang pag-init ng mata ko kaya iniwas ko nalang. gusto kong pigilan ang luha ko na hindi ko alam kung saan manggagaling. They both look happy and i can’t spoil their happiness.

“b-bakit?” shit!! why do i need to stutter? kasi naiilang ako? eh bakit ako maiilang? kasi nagseselos ako? eh bakit ako magseselos? kasi noong isang araw lang, sweet siya sa akin, may pasandal sandal pa nga ako sa balikat niya eh. EH ANO BA AASAHAN KO SA KANYA EH CASSANOVA YAN? pero shit lang talo-talo pati bestfriend? hindi ko na alam ang nararamdaman ko. ANG GULO NA EH!!

“sabay ka na sa amin.” nakangiting alok ni chiney sa akin. napansin ko din si jordan na kanina pa pala nakaabang sa sagot ko. He is already riding his car at tinitignan niya ako through his side view mirror. Hindi ko alam kung paano ako sasagot sa tanong nila sana lang may biglang sumulpot para iligtas ako sa kanila diba?

WATCH OUT MS MANHATER 2 (SIGNS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon