SIGN # 2- THE MYSTERY GUY

4.3K 68 0
                                    

chiney's pic on the side (bestfriend ni asha) -------------------------------------------------------------------->

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

SIGN # 2- THE MYSTERY GUY

 

ASHA’s POV

I was rooted at my place at nakatingin parin sa star na nasa cap niya. siya na ba ang soulmate na pinakahihintay ko?

“miss, miss ok ka lang?” natauhan nalang ako ng sabihin niya yun. Binalik ko ang masungit kong aura at tinignan lang siya. Ngayon ko lang narealize na napakagwapo pala niya. napansin ko kaagad ang mata niya na singkit na nagbibigay sa kanya ng kakaibang look. His nose na sobrang tangos at ang labi niya na sobrang pula.

“natnat!!” biglang dumating si jordan. Napatingin din siya sa lalaki at nagsmile siya sa amin. Binalik niya ang tingin niya sa akin at nakita ko ang maiitim niyang mata. It’s like he was capturing my soul.

“ok ka lang? Sa susunod mag-iingat ka ha?” napatango nalang ako and seriously, nakakatanga ang kagwapuhan niya. narinig kong naggroan si jordan at hindi ko alam kung bakit and the hell i care! Basta gwapo ang nasa harap ko ngayon.

“by the way, saan ang gym ninyo?” tinuro namin ang gym sa kanya ang he waved goodbye to us. His last words struck my mind the most.

“see you soon, beautiful.”

***

Nagpagulong gulong ako sa kama habang hawak hawak ang listahang ginawa ko. Hindi ko makalimutan ang lalaking nakita ko kanina. Sino ba siya? Siya na ba ang lalaking tutupad ng mga signs na hinihingi ko? pero bakit ganun? Walang spark?

 narinig ko ang biglaang pagbukas ng pinto at naupo ang kung sino man ang pumasok sa kama ko. so, feeling at home talaga?

“pwede ba iwasan mo na yang chiney na yan. naiirita na ako.” Bumangon ako sa pagkakahiga at inakbayan siya. He is really pissed. Bakit ba kasi ayaw niyang pansinin si chiney eh maganda naman siya, matalino, mabait. Yun nga lang hindi pala ayos. Magulo talaga utak nito ni jordan oh.

“eh bakit ba? Maganda naman si chiney ah. Ikaw lang ang bulag.” Sinamaan niya ako ng tingin at nilapit ang noo niya sa noo ko.

“hindi ako ang bulag ikaw. Kaibiganin mo na ang lahat wag lang siya.” Pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng iyon sa akin, lumabas na siya ng kwarto ko. nagkibit balikat nalang ako dahil naramdaman ko na namang nagpalpitate ang puso ko. palagi nalang ganito ang nararamdaman ko sa tuwing malapit siya sa akin or bumabanat siya ng mga pick up lines. Para bang nagiging wild ang puso ko sa mga ginagawa niya. arrrggghhh!! I don’t know. Hindi ko mahal yun noh, ganito lang talaga ang puso ko. UGGGHHHH!! WHAT EVER!!

Lumabas ako ng bahay at naggala gala sa subdivision. Nakita ko ang kapatid kong si Tristan Nathaniel, also known as ethan na may kausap na isang lalaki. My brother is 6 years younger than me. Nakatalikod sa akin ang kausap niya kaya hindi ko alam kung sino yun. Nakita kong may mga pinapasok na gamit sa kalapit na bahay. Nabalitaan kong may bagong lipat nga daw diyan. Kinakaibigan niya agad? Tsss....

“HOY TRISTAN NATHANIEL CRUZ!!” nalipat ang tingin ng kapatid ko sa akin at pati ang kausap niya ay napalingon sa akin. Napanganga ako sa lalaking nasa harap ko. he’s the same guy na nakita ko kahapon. Pakiramdama ko tumigil ang buong mundo dahil sa aming dalawa. Yung liwanag ng araw parang naging light na siya lang ang focus ng mata ko. napansin ko nalang na nakalapit na pala si ethan sa akin.

WATCH OUT MS MANHATER 2 (SIGNS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon