SIGN # 20- THE WAY TO SCHOOL
CHINEY’s POV
Sobrang tahimik sa loob ng kotse. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Nakakabingi pala kapag puro tibok lang ng puso mo ang naririnig mo.
Tumingin lang ako sa labas ng bintana at pinapanuod yung mga stalls na nadadaanan namin.Maya maya huminto si vince sa stoplight at sakto namang may nalaglag na picture galing sa dashboard niya sa taas. Pinulot ko yun at nagulat ako sa nakita ko.
“Oh, nandito pala to?” Kinuha niya yung picture sa kamay ko at tinago sa dashboard sa harap ko. Hanggang ngayon hindi parin ako makapagreact sa picture na nakita ko. Picture kasi naming dalawa yun. Picture namin nung hinalikan niya ako sa pisngi. Dapat simpleng picture lang yun pero nagnakaw siya ng halik sa akin. Tumingin nalang ulit ako sa bintana at pilit na inalala ang mga nangyari three years ago...
THREE YEARS AGO...
Isa lang akong simpleng third year student noon. Hindi ganun katalino, hindi rin naman nahuhuli sa klase. May mga friends ako at katulad ng ibang high school student ay nagkakaroon ng crush. Actually madami akong crush at isa na dun si Vince dela Cruz. Si Vince ay isang basetball player galing sa sister school namin. Magaling siyang basketball player at sa tuwing mapapadpad sila sa school namin hindi pwedeng hindi ko siya mapanuod na maglaro.
Kuntento na ako sa panakaw na tingin sa kanya, pero hindi ko akalain na sosobra pa pala doon ang lahat.
“ok. Manunuod tayo ng tune up game sa gym.” Sabi ng P.E teacher ko. Naghiyawan na ang mga kaklase ko pati na rin ako pero syempre sa isip ko lang. Kalaban kasi ng players namin ang team nila Vince so, makikita at makikita ko talaga siya.
“Walang magcacut sa inyo. Magchicheck ako ng attendance doon ha.” Paalala ng teacher namin.
Syempre ang pagpunta sa gym ay according to your friends. Dahil class president si Ena na kaibigan ko, nahuli kami ng pagpunta doon.
Nagsisimula na ang first quarter ng dumating kami. Nakareserved ang isang bleachers sa klase namin kaya hindi kami nawalan ng upuan. Bawat mahahawakan ni Vince ang bola todo cheer ako.
“Te! Maghunus dili ka! Sige ka ikaw din mawawalan ka ng boses mamaya sa fourth quarter.” Paalala sa akin ni Ena. Kahit na kalaban ng school namin ang team niya, todo cheer parin ako. Natapos ang game na sila ang nanalo.
“Chiney!!” narinig kong tinawag ako ni Ena. Pupunta kasi ako ng C.R dahil naiihi ako.
“Una na kayo. C.R lang ako saglit.” Tumango siya sa akin at pumasok na ako sa loob.
After doing my thing, humarap ako sa salamin para mag-ayos. Tapos nun, nilabas ko ang ipod ko at nilagay ang headset sa tenga ko. Naglakad na ako papunta sa classroom ko nang biglang may tumamang bola sa ulo ko. Napatingin ako sa pinaggalingan ng bola.
BINABASA MO ANG
WATCH OUT MS MANHATER 2 (SIGNS)
Teen Fictionthis story is about a girl na naniniwala sa mga signs. what if, she saw the signs to a certain guy? susundin niya ba ito o ang sinasabi ng puso niya?