SIGN # 5- THE DREAM

2.7K 48 3
                                    

SIGN # 5- THE DREAM

Ang nakaraan: nanuod ng opening ng NCAA sina Asha, brent at chiney. pero hindi nila inaasahan na nandoon din pala ang super poging bedista na crush ni asha na si terrence. idagdag pa ang pagkikita ni asha at ng ex niyang si vince. HUWAAAT?!!! PAANO NA ANG FEELINGS NI BRENT KUNG DALAWA NA ANG KARIBAL NIYA?!

ASHA’s POV

Sobrang pagod na ang katawan ko pero parang ayaw parin pumikit ng mga mata ko. hindi ko parin makalimutan ang pagkikita namin ni vince kanina. After two years. dalawang taon na pag-iyak at pagkalimot ang ginawa ko. Akala ko ok na ako, hindi pa pala. Akala ko kapag nagkita kami, kaya ko na siyang harapin pero hindi pa pala. Ithought im fine but deep inside im still weak. Weak enough to face him and curse him, coz despite what happened i still love him

*TOK*

*TOK*

Napatingin ako sa bintana. Sumilip ako sa labas at nakita ko si jordan na kumakaway  mula sa baba. Umakyat siya sa puno na katabi ng kwarto ko kaya binuksan ko ang bintana ko. napapailing nalang ako sa ginagawa niya. dahan dahan siyang pumasok sa loob at niyakap ako.

“nakita ko ang nangyari kanina. Ok ka lang ba?” si jordan, kahit na ilang beses ko siyang itulak papalayo, nandito parin siya nakadamay sa akin. Hindi ako iniiwan. In the end of the day, siya ang sasalo sa lahat ng problema ko. no matter how i hate him, he’s still on my side.

“ano bang klaseng tanong yan. ikaw kaya ang makita ang ex mo, di ka kaya magulantang?” humiwalay ako sa kanya at naupo sa kama ko. naupo din siya sa tabi ko pero binagsak niya ang katawan niya sa kama ko.

“sorry, wala kasi akong ex eh. Stalker madami kaya hindi ko alam kung ano ang feeling ng ganun.” Hinampas ko siya sa dibdib niya pero hinawakan niya ang kamay ko at hinila kaya napahiga ako sa kanya. He hugged me so tight at nagulat ako. I was speechless.

“your not ok natasha felice. Go on, walang masamang umiyak. Tutal bata pa naman tayo uhugin ka na talaga. sige na. Ok lang kahit tuluan mo ng sipon ang damit ko.” hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin pero unti unting tumulo ang luha ko.

JORDAN’s POV

Umiiyak na naman siya sa lintek na lalaking yun. napabuntong hininga nalang ako dahil sa pag-iyak niya. gusto kong pagaanin ang loob niya pero natatakot ako. Natatakot ako na kapag sinabi ko sa kanya baka mas lalong mawala siya.

“*sniff* b-bakit pa s-siya bumalik?! *sniff* o-ok na ako eh. *sniff* i-ikaw kasi eh!!” nabigla ako nung bumangot siya at pinaghahampas ako sa dibdib.

“i hate you!! *sniff* i hate you!! *sniff* k-kung hindi m-mo siya p-pinalayo s-sa *sniff* sa akin. S-sana m-masaya kami...” bumangon ako at niyakap siya ng mahigpit. I want her to feel secured. I tap her head katulad nung ginagawa ko dati.

“shhh... tama na. Wag mo ngang pag-aksayahan ng luha ang lalaking wala naman talagang kwenta. Kung mahal ka talaga niya, kahit sino pa ang magsabi sa kanyang iwasan ka hindi niya susundin. Ako nga itulak mo palayo ang sakit na eh. Tama na. Sabi mo ok ka na? May ok bang umiiyak?” inangat niya ang ulo niya at tumingin sa akin. Natetempt akong halikan ang noo niya. lalo na sa itsura niya ngayon.

*tsup*

Nabigla kaming dalawa sa nangyari. Hahalikan ko dapat siya sa noo niya pero tumayo din siya kaya nahalikan ko siya sa lips niya.

“s-sorry asha...” umiwas ako ng tingin at naghihintay ng malalakas na hampas galing sa kanya. Pero wala akong naramdaman instead, i justheard a loud sigh from her.

“alam mo ba hinalikan din niya ako ngayon?” what?! Hinalikan siya ni vince?! Agad agad akong napaharap sa kanya at nakita kong ang lungkot lungkot ng itsura niya. hinawakan ko ang kamay niya dahilan para mapatingin siya sa akin.

WATCH OUT MS MANHATER 2 (SIGNS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon