CHINEY’s POV
“N-nung tayo pa, d-did you or did you not love me?” Iniwas niya ang tingin sa akin. Sapat nang senyales yun para lumabas na nang sasakyan. Masyado nang masikip sa loob para sa aming dalawa.
“I better go.” Binuksan ko ang pinto at naglakad na papasok ng campus.
“WAIT!” i stop in my track at lumingon sa kanya. Nakita ko siyang unti unting naglalakad papunta sa akin. Niyakap niya ako and my world...it just suddenly stop turning.
“I-i didn’t love you. Alam mo namang pustahan lang ang lahat. Kalimutan mo na ako. You don’t deserve me. Buong buhay ko, si Asha lang ang minahal ko. I’m sorry.” SHIT!! ANG SAKIT! SOBRANG SAKIT! Tipong kailangang isampal sa mukha mo ang katotohanan.
Pinigilan ko ang luha ko at kumalas sa yakap niya. I smile infront of him and said, “it’s ok. Alam ko naman eh. Just comfirming everything. Alagaan mo si Asha ha. S-sige baka malate na ako.” Tumalikod ako sa kanya at nakita ko si Asha. Ngumiti ako sa kanya at pumila na para pumasok.
SHET!! ANG HABA NG PILA. Bago pa man ako makapasok sa loob, tumulo na ang luha ko.
“Ayos ka lang?”
Nilingon ko ang nagsalita. Si Villegas lang pala yung friendly guard ng letran. Ngumiti ako sa kanya at tumango.
“Oo. Napuwing lang sa labas.” Pagdadahilan ko. Sana nga napuwing lang ako para kapag naghilamos ako mawawala kaagad ang sakit.
“Sus!!! Nakipagbreak lang sayo boyfriend mo eh. Di bale marami naman diyan sa loob.” Kahit papano gumaan ang loob ko sa sinabi niya.
Kahit na malabo ang paningin ko dahil sa mga luha ko, taas noo parin akong naglakad. Nag-isip ako ng pwedeng tambayan. Ayokong tumambay sa catwalk dahil for sure madaming titingin sa akin at isa pa may mini event doon. Mas lalo naman sa harap ng chapel. Masyadong maingay doon dahil nagpapractice ang streetbeat. Sa library nalang kaya? Tutal class hours ngayon, wala masyadong tao lalo na sa thesis section.
So, that’s what I did. Pumunta ako ng library, para umiyak. Kumuha muna ako ng makapal na compiled issues ng readers digest at naupo sa isang table at doon umiyak ng umiyak.
Paulit ulit na bumabalik sa utak ko ang mga sinabi ni Vince. Bakit ko pa kasi tinanong sa kanya yun eh? Alam ko naman na ang isasagot niya. EH bakit ako umiiyak kung expected ko na ang sagot? Bakit nga ba?
“Miss ok ka lang?”
VINCE’s POV
“N-nung tayo pa, d-did you or did you not love me?” Sa totoo lang, I was shocked sa tanong niya. Ni mismo ako hindi ko alam ang isasagot ko. Napatingin nalang ako sa kamay ko na nakahawak sa manibela.
“I better go.” Go?! No! Ni hindi ko pa nga nasasagot ang tanong mo eh. Pero alam ko ba ang sagot?
BINABASA MO ANG
WATCH OUT MS MANHATER 2 (SIGNS)
Teen Fictionthis story is about a girl na naniniwala sa mga signs. what if, she saw the signs to a certain guy? susundin niya ba ito o ang sinasabi ng puso niya?