SIGN #23- SUPPRESSED FEELINGS

1.7K 34 2
                                    

SIGN #23-  SUPPRESSED FEELINGS

ASHA’s POV

 

“Im so sorry asha.” Hinawakan ko ang kamay ni vince and give my fullest smile.

“Don’t be. Ano ka ba. Alam ko namang dito hahantong to eh. I might be surprised kung ipagpapatuloy mo ang panliligaw sa akin.” He smiled back at me at niyakap ako.

“thank you so much for understanding.”

“Ok lang. Alagaan mo si Chiney ha. Ako ang makakalaban mo once na pinaiyak mo siya.” Umooo siya sa akin and we both laugh

VINCE’s POV

 

A WHILE AGO....

 “Ahhh Janus nga pala pre. Boyfriend ni Chiney.” Inabot nung janus ang kamay niya. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi.

At bakit ganito ang pakiramdam ko? Parang ang sakit ng mata ko, naninikip ang dibdib ko at gusto kong suntukin ang lalaking ito sa harap ko?

ANAK NG YOGURT FRUIT STICK OH!!

“B-bakit... bakit hawak hawak mo ang balat ng snickers ko?! Did you just ate my chocolate?!” Hindi maprocess ng utak ko ang mga nangyayari pati narin ang sinasabi ni chiney. Basta ang alam ko lang may boyfriend si chiney at ang lalaking ito yun.

“Huh... ahhh.. a-ano?!” I was left speechless. Nakita kong namumula si chiney. Why?? What did I do?

Hindi pa man nakakasagot si Chiney nang naramdaman kong may malakas na pwersa ang tumulak sa akin at napahiga kami ni Chiney sa kama niya. I stared into her eyes at naramdaman kong parang biglang bumulis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko hinahabol ako ng milyong milyong kabayo. My eyes travelled from her eyes down to her lips. Napalunok ako.

‘what if halikan ko siya? Magagalit ba siya?’

I tried to lower my head to reach her lips pero tinulak niya ako dahilan para mapabagsak ako sa sahig.

“What the hell are you going to do?! Do you want to die?!” Namumula ang mukha niya and I like her reaction. ‘ibig bang sabihin nun, she still have feelings for me?’

Hindi!! Hindi pwede!! Hindi siya pwedeng magkaroon ng feelings sa akin. Paano si Asha? Si Asha ang mahal ko. And the F*CK Vince ano ang balak mong gawin kanina?!

“Hey!!! Open the door the two of you!!!” bumalik nalang ako sa ulirat when I saw her banging the door.

“Open this will you!! This guy is going to rape me.” Rape?! Ikaw?! Wag na!!

“Hoy!! Ang kapal mo!! Hindi kita rerapin ha!!” Sagot ko naman sa kanya.

“And ano naman ang balak mong gawin kanina aber?” humarap siya sa akin ng nakapamewang. I was caught off guard. Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya. Oo nga ano bang balak kong gawin kanina?

WATCH OUT MS MANHATER 2 (SIGNS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon