Hahaha...
"Ngayon antonio nasa akin na ang 'yong punla"
Matigas na pahayag nang babae na kaharap ni antonio at sinabayan pa ito ng isang malutong na halakhak.
"Si...-- sino ka?" Gulantang na tanong ni antonio habang nanlalaki ang mga mata.
Subalit imbes na sagutin ay tinapunan lamang siya ng babae ng matalim na tingin at nanunuyang ngiti.
Nakipag titigan si antonio dito nang kalahating minuto na parang hinahanap ang sagot sa mata ng kaharap.
Maya-maya ay binasag na din ni antonio ang katahimikan at muling nagtanong.
"Sino ka ba talaga at ano ang kailangan mo sakin?" At sinundan ito ng kanyang impit na pag daing dala ng kirot ng paglabas ng kanyang tinatagong kaanyuan.
"Antonio faustino bwahahaha.." Nanlaki ang lalo ang mga mata ni antonio dahil binangit ng babae ang kanyang buong pangalan.
"Napaka bilis talaga ng panahon, akalain mo na pangatlong henerasyong saling lahi na agad ang nilakbay ng sumpa ng iyong angkan." At ikaw nalang ang nalalabi sa inyong angkan at ang iyong binhi sa aking sinapupunan"
Tuloy tuloy ang pag ku-kwento ng babae habang kinakalag nya ang pagkakatali sa kanyang mga paa at sa isang kurap ay nakababa na ito sa sahig ng walang kahirap hirap.
"Wag kang mag-alala dahik gagamitin ko ang anak natin sa paghahasik ng lagim sa buong bayan kagaya ng ginagawa mo hahaha"
"Hindi ako makaka-payag sa iyong nais mangyari, at hindi ko kagustuhang maka pambiktima ng mga inosenteng tao!" Wika ni antonio na namimilipit pa din sa sakit ng kanyang mga laman-laman na tila may sariling buhay at gumagalaw ng kusa.
"Hindi kagustuhan? Hahaha patawa ka antonio, kung ganon para saan ang bahay na ito? Ang kuba na nag dala sakin dito at ang ginawa mo sakin kanina?"
"Sumagot ka antonio,!! Bakit hindi ka makasagot?!! Ilang buwan na akong umaali aligid dito sa mansion mo upang malaman kung sino ang naglulunga dito., at hindi nga ako nagkamali isang TUKLAW ang
nakatira dito."
Humakbang papalapit sa bintana ang babae at tumingala sa maliwanag na buwan at tila nina-nam-nam ang sinag nito na dumadampi sa kanyang balat.
"Malapit na ang panahon at maisasakatuparan ko na din ang aking mga mithiin gamit ang iyong anak antonio" wika ng babae habang nakapikit at naka dipa ang mga kamay.
"Hindi ko hahayaan na magyari ang iyong binabalak" wika ni antonio at mabilis na tumayo at sumugod sa kinaroroonan ng babae.
Subalit mabilis na itinulak ng babae ang bintana at itinapon ang sarili sa labas nito,.
"Isa kang hangal antonio hahaha, wala ka nang magagawa upang mapigilan ako, at wala ng ibang paraan para mapigilan mo ang kagaya kong aswang." Wika ng babae habang lumulutang sa labas ng bintana at muling tumingala sa buwan at himugot ng malalim na hininga at niyakap ang sarili kasabay nito ang paglabas ng kanyang pakpak at pag talim ng mga kuko at pag pangit ng muka, ang kanyang itsura ay maihahalintulad sa isang paniki.
"Paalam antonio,hanggang sa muli" at lumipad na ito papalayo habang humahalakhak.
"Nagkaka mali ka nang inaakala...." Sigaw ni antonio sa papalayong aswang. At tuluyan na itong nagpalit ng anyo si antonio.
At mabilis na kumubli lumabas ng kabhayan at kumubli sa malalagong talahib papunta sa kasukalan ng gubat. Sa pag kaka taong ito ay napaka mapanganib ni antonio dahil wala sya sa kanyang katinuan at lahat ng kanyang makaka salubong ay tiyak na manganganib ang buhay.
BINABASA MO ANG
HIWAGA NG DILIM (Editing)
Mystery / ThrillerThis is my first time to create my own fictional story.. And this story started last 2014 and decide to edit on 2017 Hope you like it..
