Ahhhhhggg.....
Daing ng isang lalaki na bumasag sa katahimikan ng gabi. sa loob nang isang bahay na moderno ang desenyo pero muka na itong haunted hause dahil basag na ang ilang glass pane at patay na ang mga halaman sa hardin na nakapalibot sa buong bahay.
Nagsi-sipag alulungan na din ang mga aso na pa gala-gala sa kalsada na parang nagbabadya nang panganib.
Biglang sumabog ang transformer ng isa sa mga poste ng kuryente na nag dulot ng nakaka pangilabot na kadiliman sa buong lugar.
Sinabayan pa ng banayad na ihip nang hangin na may kakaibang lamig..
Nakaka bingi ang katahimikan nang gabing yon pati ang mga kuliglig ay nananahimik wala ni isa man ang nais mag-ingay.
.........
"ano ba naman to naka-katakot naman....bakit ngayon pa kasi nasira yung transformer napaka dilim tuloy......naku wala naman sanang multong magpakita sakin.." wika ng isang babae habang binabagtas ang kahabaan ng kalye pauwi ng bahay.
Nang biglang umihip ang hangin at nalagas ang ilan sa mga dahon ng puno at tinangay nang hangin.
Nagbigay naman ito ng kakaibang kilabot sa babae na naglalakad sa kalsada...
"huh.... anlamig....grrrr..." wika ng babae habang humahalukipkip at hinimas ang mga braso.
.............
Habang umiihip ang hangin ay kasabay na ding nag iingay ang mga insekto na kanina ay parang na pipi.
Hindi na din alam nang dalaga kung ano ang gagawin sa mga oras na yon...
Hindi sya mapakali pakiramdam nya ay may nakasunod sa kanya...
lingon sya nang lingon...
Bigla syang napatigil ng may biglang gumalaw sa kayang likuran
at nagsipag tayuan ang kanyang mga balahibo at biglang kumalampag ang kanyang dibdib sa labis na kaba....
Walang anu-ano ay nilingon nya ang kanyang likuran subalit wala naman syang nasilayan..
"guni-guni ko lang siguro yon..... hayyy nako tinatakot ko lang ang sarili ko.." bulong ng babae sa sarili...
kaya napagpasyahan nya nalang na bilisan nalang ang paglakad para makauwi na subalit paglingon nya sa kanyang harapan ay tumambad sa muka nya ang itsura ng isang lalaki dahilan ng kanyang pagkagulat..
"Ay palakang kokak!!!.." naibulalas ng babae sa sobrang pagkagulat..at naging dahilan ng kanyang pag atras...
Nang makabawi sa sindak ay mataamaan nyang pinagmasdan ang kaharap nakakatakot ang itsura nito naka bukot ang likod at gutay gutay din ang suot nitong damit...
Habang pinagmamasdan nya ang itsura ng lalaki ay biglang suminag ang bwan na kanina pa nagtatago at dito nya nakita na puno ng galos ang matandang lalaki....at kasabay non ay ang pagbagsak ng matanda sa kalsada...
Nag aalangan man ay parang naka ramdam sya ng awa para dito kaya mabilis nya itong nilapitan upang tulungan.
"lolo ......lolo..... ayos lang po ba kayo??" tanong ng dalaga sa matanda habang hawak hawak ang balikat at nagpalingon lingom sya sa paligid naghahanap ng pwedeng makatulong sa kanya ...subalit wala
BINABASA MO ANG
HIWAGA NG DILIM (Editing)
Детектив / ТриллерThis is my first time to create my own fictional story.. And this story started last 2014 and decide to edit on 2017 Hope you like it..