part 11

213 10 6
                                    

Inihahanda na ni manuel ang mga gagamitin sa pagluluto ng pagkain nilang mag asawa.

Kung papanoodin mo ay wari mong chef sa t.v show si manuel dahil sa bilis nitong gumalaw sa kanilang kusina.

Nang mag kulay brown na ang bawang ay inilagay na nya ang brocoli at binudbudan ng konting asin,chicken powder,at worsesistershire sauce.

"Walla tapos na ang brocoli with garlic" Pagmamalaking wika ni manuel.

"Patikim nga ako kung masarap yan" panunukso naman ni Christina.

"Masarap yan no " Nakangising wika naman ng asawa habang inilalapag sa lamesa ang niluto.

Humawak naman kaagad ng tinidor ang kabiyak at tumusok ng isang piraso at mabilis na tinikman.

"Hmmmm... masarap nga!!" Pagbibigay puri naman ni Christina  habang ngumunguya.

"O diba sabi ko sayo, ikaw lang e wala kang bilib sakin" Nakangiting sabi naman kabiyak.

Malapit na silang matapos kumain ng biglang kumurap ang ilaw at sinundan pa ng malakas na hangin.

Biglang napatigil ang mag asawa sa pagkain dahil sa malakas na hangin na umiikot sa kanila na hindi nila alam kung saan nang gagaling dahil nakasara naman ang kanilang mga bintana.

"Mahal anong nangyayari?" Nasa tono ng boses ni christina ang takot.

Lalong lumakas ang hangin at tuluyan ng namatay ang ilaw.
Sa labis na takot ng ginang ay napayakap ito sa asawa.

Biglang bumukas ang bintana sa tapat ng lababo at may pumasok na puting usok at kasabay nito ang isang malutong na halakhak na parang nang gagaling sa ilalim ng lupa.

"Ito na ang oras ng paniningil  wahahahah...." Anang mahiwagang boses.

Napalingon lingon naman ang mag asawa hinahanap kung saan nang gagaling ang boses.
Subalit hindi nila ito mahagilap.
Tuluyan nang nabalot ng puting usok ang kanilang kusina.

At humupa ang hangin. Nagka tinginan naman ang mag asawa at muling nakiramdam.

Muling umihip ang malakas na hangin dahilan upang maihagis ang mag asawa at humampas sa isang sulok bago bumagsak sa sahig.

Muling umalingaw-ngaw ang tinig na mala demonyong pagtawa nito.

"Manuel akala mo ba matatakasan mo ang kahapon?" Nakaka pangilabot ang tinig nito dahil naghahalo ang napakadaming boses sa bawat salitang binibigkas nya.

"Pwes nagkakamali ka!... hahahaha"
Biglang napamulagat si manuel at tila natauhan sa mga katagang narinig na hindi malaman kung saan nang gagaling.

"Lubayan mo na ko matagal na kitang kinalimutan" sigaw ni manuel sa hangin dahil hindi n'ya makita ang pinang gagalingan ng boses.

Nananatili lamang na nakamasid ang ginang dahil naguguluhan pa din sa mga pangyayari.

"Hahahaha Isa kang hangal manuel. kahit kalimutan mo ako ay hindi mo matatakasan ang sumpa ng inyong lahi" Muling sagot ng mahiwagang boses.

At tuluyan na itong naglaho kasabay ng usok na kanina ay bumalot sa buong paligid. Mabilis na tinungo ni manuel ang asawa at niyakap ito.

"Ayos ka lang ba mahal? nag aalalang tanong ng ni manuel sa kabiyak na ngayon ay naka salampak sa sahig.

"Oo mahal ayos lng ako" tugon ng ginang.

Biglang bumukas ang pintuan at sunod sunod na pumasok ang mga kasambahay...

"Ma'am sir okay lang po ba kayo? ano po ang nangyari"

Sunod-sunod na tanong ng mga kasambahay. Na nagising dahil sa ingay ng mga nabasag na gamit.

"Ayos lng kami linisin nyo nalang ang mga kumalat na gamit."

Yun lang ang tugon ng mag asawa at umalis na sila at tinungo na ang kanilang silid.

Nang makapasok na sila sa kanilang silid ay naupo sila sa kanilang kama.

"Mahal sino yon at anong sumpa ang sinasabi nya." Pambabasag sa katahimikan  at nangangambang tanong ng ginang..

Huminga nga malalim si manuel bago hinarap ang kabiyak.
"Mahal may aaminin ako sayo maging handa ka sa sana kung ano man ang matuklasan mo." makahulugang wika ng asawa.

Tumango lamang ang ginang at tumitig sa kabiyak.

"Tatagan mo sana ang loob mo at nasasayo na kung mananatili ka pa sakin o aalis ka." Patuloy na wika ni manuel.

Muling tumango ang ginang pero may kahalo nang kaba ang expresyon ng kanyang muka.

Humugot muna ng malalim na hininga si manuel bago nagpatuloy sa pag sasalita.

"Mahal isa lamang akong simpleng tao at nanggaling sa simpleng pamilya at nag sumikap upang marating namin ang tutok ng tagumpay... " Panimulang wika ng asawa.

Tahimik naman na nakikinig ang ginang.

"Habang umaangat ang aming pamumuhay ay may isang tao pala na lihim na naiingit samin."

Patuloy na wika ng lalaki.

"Isang mambabarang na nagsumpa sa amin  na sa kabilugan ng buwan ay magbabago ang aming anyo magiging kalahating ahas ang pang ibaba naming katawan at mauuhaw kami sa dugo ng tao"

Biglang nanlaki ang mata ng ginang sa narinig.

"Mahal hindi totoo yang sinasabi mo. sabihin mo nagbibiro ka lang.." pag tanggi ng ginang habang napapaiyak.

"Mahal kahit anong gawin ko ay patuloy pa ding lumalabas ang sumpa sa aking katawan ang nakita mo kay antonio ay hudyat na hindi pa tapos ang sumpa paunang indekasyon pa lamang yon at may iba pang masahol na katangian ang aming sumpa si antonio ay wala pang kakayahang magpalit ng anyo habang wala pa sa hustong gulang...."

Natutup ng ginang ang kanyang sariling bibig at tuluyang napaiyak.

"At dahil duon ay binansagan kaming TUKLAW."

"Hindi nagtagal ang aming iniingatng lihim nabuko ng mga tao ang sikreto ng pamilya."

"Sinugod kami ng mga taong bayan at pinatay ang aking buong pamilya mabuti na lamang at nakatakas ako sakay ng isang balsa dala ang kayamanan ng aking pamilya  at nang mapadpad ako sa islang to ay nagsimula ako ng maliit na sakahan at pinalago."

Sa di inaasahang pagkakataon ay sumilay ang b'wan at biglang nalisik ang mata ni manuel at napa luhod ito.

HIWAGA NG DILIM (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon