Third person's POV.
Sa hacienda...
Isang ordinaryong gabi para sa ordinaryong tao subalit hindi para kay antonio.
Malamig ang simoy ng hangin payapa ang gabi. Bilog at napaka liwanag ng buwan.
Walang ibang ingay sa kapaligiran kundi ang mga kuliglig at mga palakang nagkakantahan.
Nag-iinit ang pakiramdam ni antonio na wari moy sinisilaban.
Subalit hindi na ito bago sa kanya pero iba ang sakit na nararamdaman niya ngayon para s'yang uhaw na uhaw..
Hhhuuuummppppttttt....
Impit na daing ni antonio dahil ayaw nyang may makaalam ng pinagdadaanan nya dahil sa kanyang murang pag iisip alam nyang kakaiba sya sa lahat hindi nya lamang masabi sa kanyang mga magulang dahil sa takot na iwasan sya ng mga ito.
Masakit ang dinaramdam ni antonio parang kinakalahig ang kanyang sikmura at namimilipit ang kanyang mga paa..
Paikaika at nanghihinang tinungo ni antonio ang kanilang balkonahe upang makasagap ng sariwang hangin.
Pero kahit gaano kalamig ang hangin na dumadampi sa kanyang balat ay para naman syang sinisilaban.
Namumuo ang butil-butil niyang pawis at nagsisimula ng pumatak mula sa kanyang muka. napayuko si antonio at humahangos sa pag hinga na wari moy pagod na pagod sa pakikipag buno.
******
Unti-unting nag angat ng ulo si antonio at sa hindi inaasahang pagkakataon may nakita siyang lumalakad sa kalsada may akay-akay itong kalabaw.
Kitang-kita nya ng napakalinaw ang lumalakad na tao kahit ilang metro ang layo nya mula sa kalsada.
.............
Tahimik na naglalakad ang dalaga sa kalaliman ng gabi.
Sapat naman ang liwanag ng buwan upang tanglawan ang kanyang dinadaanan.
Kahit medyo may takot s'yang nararamdaman ay hindi nya na lamang binibibigyan ng pagkakataong lukubin sya nito.
Kampante niya lang na tinatahak ang madilim na kalsada dahil wala pa naman siyang nababalitaan na may namatay na sa lugar na iyon..
Nang bigla syang nakarinig ng kaluskos sa di kalayuan sa kasukalan...
Napahinto sandali ang dalaga sa paglalakad at nakiramdam sandali...
Nang makalipas ang ilang minuto na walang pagbabago humakbang na ulit sya papalayo...
Subalit hindi sya nakaka layo ay nakarinig nanaman sya ng kaluskos ngunit sa pagkakataong ito ay malapit na sa kanya.
Tinakasan ng dugo sa muka ang dalaga dahil sa nadaramang takot.
"kung sino ka man hindi ako natatakot sayo." wika ng dalaga na nanginginig ang boses.
Katahimikan lamang ang namutawi sa paligid nang biglang..
Moooooo....
Ngumawa ang kalabaw na labis na ikinagulat ng dalaga. napatakbo ito sa takot habang nagsisisigaw naiwan nya pa kalabaw nya...
Medyo napalayo na ang kanyang natakbo ng mapag tanto nya ang kanyang kagagahan... Napahinto sya sa pagtakbo at napakamot ng ulo hingal na hingal sya sa ginawa nyang pag takbo.
"Hayyyy inday ano ba yan...!!!! bakit ba kasi ginulat mo kong kalabaw ka....!!!!" may paka gigil sa tono ng boses ng dalaga.
Padabog nyang binagtas ang daan pabalik sa kanyang kalabaw at kakamot-kamot pa ng ulo.
Nang maka-balik sya sa alagang kalabaw ay narinig nya nanaman ang kaluskos na siyang nagpabalik ng kanyang takot.
Pinakiramdaman nya ng husto kung nasaan na ang kanina pa bumabagabag sa kanya.
Pero laking gulat na lamang nya ng ito ay nagmumula sa kanyang likuran hindi ito lumalakad para itong malaking katawan ng saging na humihilahod sa lupa.
Hindi makakilos ang dalaga dahil hindi nya mawari kung anong maaring nasa likudan nya.
Huminto sa mismong likuran ng dalaga ang kanina nya pa kinakatakutan.
Ramdam na ramdam nya ang init ng katawan ng nilalang sa kanyang likuran pati na rin ang mainit nitong hininga na dumadampi sa kanyang batok.
Kinilabutan ng husto ang dalaga sa naramdaman dahil ilang sandali na lamang ay makikita nya na kung ano o sino ang nasa kanyang kikuran.
Mariin nyang pinikit ang kanyang mata at pinigil ang kanyang hininga
Ayaw nyang may maging pagkilos kahit katiting dahil baka bigla na lamang syang sungaban ng kung anong mabangis na hayop o nilalang ang nasa kanyang likuran.
Nang maramdaman nyang dumadampi na sa kanyang muka ang hininga ng kung anong nilalang ang nasa kanyang harapan lalo siyang kinilabutan dahil kakapirangot na lamang ang kanilang pagitan sa isat isa.
Sobra man ang takot na kanyang nararamdaman ay pinili nya pading dumilat upang kahit paano ay malaman nya kung ano ito..Nagdesisyon na ang dalagang harapin ang takot.
Pabilis ng pabilis ang dagundong ng kanyang puso habang iniisip nya na idilat na ang mata animoy lulusot na mula sa kanyang dibdib ang kanyang puso sa labis na kaba.
Gusto man ng kanyang isip na dumilat subalit hindi nakiki sama ang kanyang mga talukap wari mong binabangungot sya sa nadarama.
Inipon nya ang kanyang tapang at minulat nya ang kanyang mata.
Sa kanyang pagkabigla ay natulala ito sa nakita at pinagsisihan nya ng husto ang naging desisyon at kusang pumulandit ang luha sa kanyang mga mata ng makita nya ang dalawang matutulis na pangil ng nilalang ang kanyang mga mata ay nanlilisik at wari mo'y nababalot ng pinong kaliskis ang muka ng halimaw.
Biglang naparalisa ang kanyang katawan at gustong bumigay ng kanyang tuhod nang ilapit ng husto ng kaharap ang kanyang muka sa muka ng dalaga.
Gusto nyang sumigaw ng buong lakas subalit wari mo syang tinakasan ng boses.
Patuloy lamang s'ya sa pag luha at nanginginig na ang buong nyang katawan gusto na nyang magising sa nakakatakot na bangungot o kung bangungot man ito subalit base sa mga pangyayari masasabi nyang ito ay tunay at totoo lahat ng nagaganap.
Gusto nyang tumakbo ng mabilis na mabilis subalit naging imposible na dahil nililingkis na sya ng halimaw.
Ramdam na ramdam nya ang pagkadurog ng kanyang mga buto mula sa kanyang mga binti at pahigpit ng pahigpit ang pagkaka sikil sa kanya ng halimaw.
Gusto na nyang panawan ng ulirat sibalit sa sakit na nadarama ay nanatili syang gising damang dama nya na ngayon ang pagkaka bali bali ng kanyang tadyang.
Gusto na nyang mamatay para hindi na maramdaman ang paghihirap wari mong pinupukpok ng maso ang bawat parte ng kanyang katawan at sa isang iglap...
Tumarak sa kanyang leeg ang matutulis na pangil ng halimaw isang malakas na Sigaw ang kanyang pinakawalan at ito na din ang kanyang huling nagawa.
Ramdam na ramdam nya na wari mo hinihigop at sinasaid ng husto sa kanyang katawan.
Nang wala nang makuhang dugo ang halimaw sa kanyang naging biktima ay iniwanan nya na itong naka handusay sa kalsada tuyot at wala nang buhay.
Dilat ang mga mata at lasog lasog ang katawan..
***********
BINABASA MO ANG
HIWAGA NG DILIM (Editing)
Misteri / ThrillerThis is my first time to create my own fictional story.. And this story started last 2014 and decide to edit on 2017 Hope you like it..
