Manuel's POV.
Ahhhhh
Aahhhhhhhh
ilang sunod na sigaw ang pinakawalan nang asawa ko ang puma ilan-lan sa katahimikan ng gabi
Mabilis naman akong napa balikwas nang makita ko s'yang nahihirapan at namumuo ang pawis.
"mahal manganganak na ko sigurado na ako."habang sapo sapo nya ang tyan.
"Sandali lang mahal tatawagin ko ang doktor" sagot ko sa kanya habang mabilis akong bumangon at patakbo na pinuntahan ang pintuan at dumeretso sa guest room...
tok tok tok...
Sunod-sunod kong pagkatok sa naka pinid na pintuan bago pinihit ang seradura at pumasok.
pinasok ko ang ulo ko at sinilip ang doctor.
"Doc. manganganak na yata asawa ko" sabi ko sa kanya ng makita ko sya na naka upo sa study table na parang may pinag aaralan.
Lumingon naman ang kinausap ko bago sumagot.
"Sige po don. manuel ihahanda ko lang po ang mga gamit." Sagot nya at tumayo na mula sa pagkaka upo.
Hindi ko na s'ya hinintay pa na matapos at nauna na ako para may mapuntahan ko kaagad ang asawa ko.
Napag desisyunan ko kasi na dito na da hacienda patuluyin ang doctor dahil da pagkirot mg tiyan ni christina kanina.
............
"Papunta na si doc. mahal" pagbibigay alam ko sa asawa ko pag upo ko sa tabi nya hinahaplos ko sya sa ulo.
Bigla syang napakapit sa braso ko senyales na sobra ang nararamdaman nya kirot.
"Mahal wag kang aalis sa tabi ko ha" narinig kong sabi nya sa akin.
"OO mahal hindi ako aalis dito lang ako" sagot ko para kumalma ang kanyang loob.
Ilang sandali lamang at dumating na ang doktor mabilis siyang lumapit nang makita nyang pumutok na ang panubigan ng asawa ko.
"Sige misis push lang po" anang doktor habang hinihimas pababa ang tiyan ng asawa ko.
ahhhh.....
impit na daing nya na tanda ng labis na paghihirap at sakit.
Habang hindi ko malaman ang gagawin ko para maibsan ang sakit na nararamdaman ng asawa ko. Kaya panay ang punas ko sa pawis na namumuo sa noo nya.
"sige pa po misis mas mariin po" anang doctor.
At nagbigay ng mariing daing ang asawa ko.
immmmmmptttt....
"Sige misis nakikita ko na po ang ulo ng bata"
"Aaaahhhhhhh" isang malakas na sigaw ang kanyang pinakawalan bago sya nanghihinang napabitaw sa pagkaka kapit sa akin.
uhaaaaaa
uhhhaaaaaa...
uhaaaaaaaa..
Pumailan lan sa loob ng kwarto namin ang iyak ng unico iho namin.
Nang masiguro ng doctor na ayos na ang sangol ay binalingan nya ang misis ko na nawalan ng malay.
Sinuri nya ang mga vital sign at pina langhap nya ito ng scent of amonia.
Nang biglang nag dilat nga mata ang asawa ko ay agad syang kinausap ng doktor.
"Misis napaka lusog po ng sangol" kaagad nyang inilapag sa tabi ng asawa ko ang anak namin.
Mabilis ko din naman na sinilip ang bata. At binigyan ng banyad na halik sa pisngi ang asawa ko.
"ano pong pangalan ng bata?" Pag basag ng doktor sa namuong katahimikan dala ng pagka galak sa bagong miyembro ng pamilya.
"Tonio ay antonio pala" mali maling anas ko dahil sa di makubling tuwa.
Napangiti naman ang doktor at mabilis namang na nagligpit ng kanyang mga ginamit ng masigurong ligtas at maayos na ang mag ina ko.
"Maiwan ko na po muna kayo at nang maayos na po ang registration ng bata" pagpapa alam ng doktor sa amin.
Tumango lamang ako na hindi na nakuhang lumingon sa nagpapa alam dahil sa pag titig sa bagong silang naming anak.
"congratulation po ulit don manuel at donya christina" anas ng doktor habang inilalahad ang palad upang makipag kamay sa akin.
Tinangap ko naman pagbati ng doktor.
Matapos yon ay mabilis na nilisan ng doktor ang silid at naiwan nalamang kaming pamilya
Tumingin ako sa medyo naka mulat kong asawa.
"Mahal tignan mo ang anak natin napaka gwapo" sabi ko sa kanya.
Hinalikan nya naman ang noo ng sanggol at kinilatis ang muka ng anak namin.
"napaka lusog na bata kuhang kuha ang matangos na ilong mo mahal" nakangiting komento nya sa itsura ng bata.
"Nakuha naman nya ang maninipis at mapupula mong labi mahal" pagbawi ko naman sa komento nya.
........................
DORAY's POV.
SA KABILANG DAKO.
Himbing na himbing kami sa pag tulog nang maalim pungatan ako dahil hindi ko makapa sa tabi ko si leonora. Bigla ako napa balikwas at bumaba sa higaan dahil baka nahulog ang bata mula sa katre.
Nang masiguro kong wala talaga ang bata ay hinampas ko sa hita si tasyo na naghihilik pa.
"tasyo ang anak natin nawawala!!!!"
nagmulat naman si tasyo.
"baka nakikipag laro lamang sa mga bata sa kabilang bahay" wala sa wisyong tugon ni nya at muling pumikit at akmang babalik na sa naudlot na pagkaka himbing.
Bigla akong nainis sa sagot nya.
"puπy€t@ tasyo gabing gabi nakikipag laro sa kapitbahay? at isa pa mag iisang taon palang ang anak natin ni ngayon pa lamang sya natututong lumakad.!! Ilang metro pa ang layo ng pinaka malapit na bahay satin."pasigaw kong sagot sa kanya.
Napamulagat naman sya nang mapag tanto ang sinabi ko sa kanya.
"Ha e saan naman napunta ang anak natin" naguguluhang tanong nya.
Napa irap naman ako sa asawa ko bago sumagot.
"Aba e malay ko kung alam ko lang edi sana.............
Naputol ang pag sasalita ko ng pawiin ng nakaka silaw na liwanag ang aming atensyon na nang gagaling sa naka bukas na bintana.
"taaasssssyyyyyoooo...." nanginginig kong pag tawag sa asawa ko at sumiksik pa ako sa kanya at nagtago sa kanyang likuran.
Sinulyapan naman ni tasyo ang pinang gagalingan ng liwanag at wari mo'y na tuod sya sa nakita.
Nang maka bawi sa pag kaka gulat ay unti unting tumayo si tasyo at hinagip ang kanyang bolo sa ilalim ng papag..
Hinila nya ako ng dahan dahan palabas ng bahay patungo sa likuran ng bakuran.
*********

BINABASA MO ANG
HIWAGA NG DILIM (Editing)
Misterio / SuspensoThis is my first time to create my own fictional story.. And this story started last 2014 and decide to edit on 2017 Hope you like it..