PART 5

256 10 10
                                        


Doray's POV.

"Tasyo ikaw na ba yan" sigaw ko nang marinig kong bumukas ang pintuan mula sa kwarto.

Nagtatakip silim na ng araw na yon.

"Oo mahal ako na to" sagot n'ya habang lumalakad papasok ng kwarto.

Sinuri ko muna s'ya mula ulo hanggang paa bago ako nagsalita ulit.

"Parang Medyo ginabi ka ata?" May pagka sarkastiko kong tanong.

huminga muna sya ng malalim bago sumagot.

"Namili pa kasi ako ng gatas at dumaan na din ako kila mareng delia para hingiin ang mga lampin na ginamit ng anak nya noon" sagot n'ya

Inirapan ko lang s'ya bilang tugon pasalamat s'ya at maganda ang naging sagot nya kundi patay sya sakin.

Nung  kasing makaraan aba at na datnan ko andun sa gilid ng ilog nakikipag lampungan sa haliparot na tindera ng gulay sa palengke.

"Ano nga palang ibibigay nating pangalan ng bata" pag tatanong ko sa kanya.

Umupo muna s'ya sa katre  bago sumagot.

"Ano ba ang maganda?" Halimaw na to at ibinalik lang sa akin ang tanong ko.

"Kung may alam ako edi sana hindi na kita tinanong." Medyo pagtataray ko sa kanya. Naalala ko nanaman kasi yung eksena nila nang mag gugulay na yun e.

Mabuti nalang at hindi pala-imik at pasensyoso itong asawa ko.
Akalain mong hindi manlang nasindak sakin. At hayun nagtatangal ng damit at magbibihis ng pambahay.

"Leonora kaya?" Suhesyon ko.

"Leonora??!"  Naka kunot noo at may pag aalinlangang tugon nya habang humihila ng damit mula sa aparador.

"Hoy dahan-dahan sa paghila palibhasa hindi ka marunong magtupi." Pag sita ko sa kanya.

Ngumiti lang s'ya at tila iniisip padin ang binigay kong pangalan.

" O bakit maganda naman ahh" may pagmamalaki na pagsabi ko sa kanya.

"Parang masyado namang matanda at makaluma yon panahon pa yata ni kopong kopong  yun ahh.." naka ngisi n'yang tugon. Na ngayon ay nag susuot na ng damit.

"Hoy hoy hoy panahon ni kopong kopong ka dyan baka gusto mong dagukan kita at nang makita mo ninuno mo." Pag babanta ko sa kanya

"Isa pa maganda kaya yon parang Leon na babae palaban at matapang hindi padadaig sa mga nang aapi." mahabang litanya ko habang hinahaplos ang muka ng bata na himbing sa pagkaka tulog..

Nakita kong napa yuko si tasyo na parang may malalim na iniisip.

"Leonora.......leonora" paulit ulit n'ya binigkas ang pangalan na binigay ko.

"O ano lalaitin mo nanaman.? Sige subukan mo at nang magka alaman na." Pinag bantaan ko ulit s'ya at pinag kuyuman ng kamao sa muka.

"O sya sya  sige na leonora na kung leonora hindi din naman ako mananalo sayo e at takot ko lang sayo" pag sang ayon nya habang naka ngisi..

At binigyan ko muna s'ya ng killer eye  bago magsalita ulit pero sinalubong nya ang titig ko at may gana pang kumindat.. muntik na akong kiligin at mapa ngiti kaya inirapan ko nalang s'ya.

"buti alam mo" sabi ko sa kanya sabay ismid.

"O e kelan naman ang binyag?" pag tuluy ko sa pagtatanong.

Humiga muna sya ng patagilid sa gilid ng bata bago sumagot.

"Hindi pa natin kaya doray at isa pa ang tunay na pag bibinyag sa isang tao ay yung nasa hustong edad na siya yung handa nya ng yakapin ang pamumuhay ng kristiyano at tatalikuran ang kanyang kasalanan." Sagot nya habang hinahaplos haplos ang kamay ng bata.

Hayan nanaman si father  binigyan nanaman ako ng matalinhaga nyang mga kabanal banalan na salita.

Sinimangutan ko lang sya bago nagsalita ulit.

"Basta kailangan mapa binyagan natin ang bata" diniinan ko ang pagsasalita.

"Doray pilitin man natin ay wala tayong kakayahan kapos na kapos tayo ipapa dedikasyon nalang muna natin ang bata para kahit papano ay may proteksyon din na din sya
sundin nalang natin ang BIBLIA." mahinahong pahayag nya.

Juice miyo para akong nakikinig sa sermon ng kura paroko. Pero alam nyo mag papari naman talaga itong si tasyo e. Hindi lang natuloy dahil nabighani s'ya sa ganda ng lola nyo.. charot.

Nanahimik nalang ako at tinitigan nalang sya at wala rin naman akong panama pagdating sa ganitong usapin.

"O s'ya tara na at mag hapunan at ako'y gutom na" pag aaya ko sa kanya habang tumatayo ako mula sa katre papunta ng kusina para maghain...

bigla ba naman akong hinapit sa magkabilang tagiliran tapos sabay sabing.

"Ganda ganda talaga ng asawa ko" at may pang gigigil pa tapos sabay kiliti nya sa baywang ko. Hay nako utot mo tasyo alam ko na ang balak mo.

Tinapik ko ang kamay nya at pilit na kumawala nang hindi nya ako binitawan ay pinatikim ko nanaman ng isa pang pag susungit.

"Ano ba tasyo itigil mo nga yan at nasasaktan  ako." Pinakita ko na naiinis ako para mas effective haha.

Nakita ko naman ang pagbabago ng ekspresyon sa muka nya at agad naman nya akong binitiwan.

"Bakit ba ang sungit mo yata ngayon."  Mukang hindi na naka tagal ang mokong sa kasungitan ko haha wagi..

Tinitigan ko s'ya ng diretso at sinagot s'ya nang...

"Meron ako ngayon" deretsahan at walang ka abog-abog hahaha at nakita ko naman ang pagka dismaya sa muka n'ya. Kala mo makaka iskor ka ha... mukha mo.

Kitang kita ko ang kalungkutan sa kanyang mukha. Sori ka tasyo naka red flag tayo hahaha.

"Ano bang ulam natin" pag iiba n'ya ng tanong habang lumalapit sa lamesa.

sinulyapan ko s'ya.

"Ginataang baboy" sagot ko na sarkastiko habang minamasdan ang expresyon ng nya.

Bigla s'yang napalingon sakin at nagsalita.

"Ha e saan ka kumuha ng pambili ng baboy? e isang kilo ng baboy ay pambili na natin ng bigas ng tatlong araw. Sana kangkong nalang ang niluto mo ." Kitang-kita ko ang gulat sa muka nya. At hindi ko mapigilan na mapangiti sa loob ko.

"Alam mo naman pala na kangkong lang ang kaya nating ulamin magtatanong kapa." medyo natatawa kong sabi sa kanya.

"Hep hep hep tama na kumain na tayo" mukang hihirit pa si mokong kaya inunahan ko na at inilapag ko sa lamesa ang isang lianera ng  masustansyang kangkong.

..................
Third person's POV.

Mabilis na lumipas ang panahon malapit nang sumapit ang unang kaarawan ni leonora at kabuwanan nadin ni christina.

"Mahal malapit nang lumabas ang baby boy natin ano kaya ang magandang ipangalan.?" Tanong ni manuel habang hinahaplos ang tiyan ng misis.

Tumingala ang ginang na wari moy nag iisip.

"Laurence mahal o kaya e robert ikaw mahal anong gusto mo??" Sagot ni christina.

Tumingin muna si manuel sa asawa at tumingin din ang ginang  bago sumagot.

"Antonio O kaya mariano ganda no?" may pagmamayabang sa tono ng asawa habang pataas taas pa ang dalawang kilay.

Bakas sa muka ni christina na tila may dinaramdam.

Nasa ganoong silang pag uusap ng biglang dumaing si christina.

"Aahhhhhhhhhh....... mahal.. ang tiyan ko

HIWAGA NG DILIM (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon