HATING GABI (part 3)

330 11 6
                                    


Hi there.. Marami po ang naliligaw sa pahinang ito ng kwento.
Wag po kayong mag alala dahil parte pa din po ito ng storia.
Binibigyang daan ko lang po na buhayin ang isa pang tauhan sa kwento.

Maraming salamat po sa inyong pag subaybay

Yaoski.....

...............

Third person's POV.




Kaluskos ng dahon na maririnig sa tahimik at malalim na gabi...

Patago tagong mga anino ng mga taong tila naglalaro ng taguan subalit may kung anong hinahanap o binabalak na gawin....

Nag uunahang mga paa ang tila naghahabulan sa isang bagay na matagal ng naaatim makuha ....

Yan ang hindi pangkaraniwang gawain ng mga tao sa lugar na ito na kasalukuyang nagaganap sa mga oras na yon.

"Sa banda roon" Sigaw ng isang mama na may edad na. Itinuro pa nito sa mga kasama ang nakita niyang kung ano mula sa bandang unahan at nagsipag takbuhan naman ang ibang mga tao sa direksyon na kaniyang itinuro. May hawak silang mga sulo at ang iba naman ay bolo, karit at pinatulis na kawayan. At makikita sa kanilang mga mukha ang matinding pagnanais na mapatay ang isang nilalang.

Patuloy nilang tinutugis ang isang nilalang na mabilis gumalaw at may bitbit na kung anong
nakabalot ng puting tela sa kanyang braso na wari moy iniingatan ng husto.

haaaa.......

haaaaaa.....

haaaa....

haaaa.....

Hingal na hingal ang nilalang na kanina pa tumatakbo sa tiyak na patutunguhan na may isang layunin.

Nais nyang makarating sa kabilang ibayo ng ilog na magsisilbing kanyang ligtas na lugar.

Hindi iniinda ng nilalang ang kanyang tinatakbuhan kahit puro sugat na ang kanyang paa at hindi nya din alintana ang kadiliman ng gabi sa kadahilanang naka kubli ang buwan...


...................

Patuloy parin sa pag tugis ang mga kalalakihan sa nilalang sa gitna ng napakalawak na parang na halos apat na pung metro lamang ang kanilang pagitan...

Wahhhhhhhhh...

Isang malakas at nakaka pangilabot na sigaw ang bumasag sa katahimikan ng gabi at naging dahilan ng pag tigil ng mga kalalakihang tumutugis lahat sila ay nagka tinginan at wari mo'y pinakikingan ang pinang galingan ng palahaw nang mapag tanto nila...

"sa banda doon" halos sabay sabay nilang wika

"Bilisan natin at baka makatakas" sigaw ng pinaka pinuno.

............

Sa kabilang banda hindi maalis ng nilalang ang kanyang paa sa pag-kaka tusok sa naka usling ugat ng puno na wari mo'y sadyang pinatulis ang dulo. Na naging dahilan ng kanyang pagtangis ngunit buong tapang at sapilitang niyang hinugot ang kanyang paa sa pagkakatusok..

Hindi mapigilan ng nilalang ang matumba dahil sa sakit ng natamong sugat.

Kasabay ng kanyang pag tumba ay sya rin namang pag tilapon ng kanyang hawak-hawak at nahulog sa bangin na may ilog sa ibaba..

"Hindiiiii..." sigaw ng nilalang sa nakaka takot na boses..

Pinilit ng nilalang na gumapang papunta na bangin kahit nahihirapan para lamang silipin ang sinapit ng kanyang iniingatang kayamanan.

Pag silip n'ya nakita nyang nakasabit ang dulo ng tela sa naka usling ugat ng puno sa gilid ng bangin at uugoy-ugoy ito.

Sinubukan nyang abutin ang bagay na naihulog n'ya na sa tingin niya ay kaya nyang abutin.

"Ayun ang halimaw" sigaw ng isang lalaki.

Sa gulat ng nilalang ay napa balikwas ito mula sa pagkakadapa at hinarap ang mga tumutugis sa kanya.

Ginamit nya ang kanyang natitirang lakas upang tumayo at harapin ang mga galit na kalalakihan.

Kailangan nyang lumaban at mabuhay at ipag tangol ang sarili..

Ngunit bago pa man siya maka gawa ng ano mang hakbang ay mabilis na siyang sinibat ng mga
pinatulis na kawayan na dumaplis sa kanyang kanang balikat at natumba sa labis na dala ng panghihina at pagod.

Sinubukan n'yang silipin ang kanyang nahulog na bagay sa bangin subalit nabigo s'ya nang hindi mahagilap ng kanyang mata ang kanina ay nakasabit lamang marahil ay tuluyan na itong nahulog sa rumaragasang ilog sa ibaba ng bangin.

Nangilid bigla ang kanyang mga luha dahil sa biglaang pagkirot ng kanyang puso mas masakit pa sa lahat ng kanyang natamong sugat sa katawan.

Nag ngit-ngit ang kanyang ngipin at tiim bagang at buong lakas na tumayo binuhos n'ya ang kanyang galit sa pag sugod sa mga kalalakihan..

Bigla namang nahintakutan ang mga tao sa pinakitang diterminasyon ng nilalang.

Kasabay pa ng nanlilisik na mga mata kasing bilis ng agos ng tubig sa ilog ang kanyang naging pag kilos ng at nagawa niyang umagaw ng bolo sa mga tumutugis sa kanya at walang habas n'yang pinagtataga ang kanyang kaharap..

Binuhos nya ang lahat ng kanyang sama ng loob sa pagtarak ng at pag wasiwas ng bolo.

Napatigil lamang siya ng may tumusok na kawayan sa kanyang likuran at tumagos hangang sa harapan.

Napaluhod bigla ang nilalang at unti-untinh nanlalabo na ang kanyang paningin.

Habang naghahabol ng hininga ay bumigkas siya nang.

"Nais ko lamang mabuhay at mahalin nya ang anak namin."

At tuluyan na siyang humandusay at nasawi...

.......

######
a/n

Pasensya na po kung medyo maikli konting tiis po muna dahil blangko pa po ang utak ko hehe..

maraming salamat sa pagbasa.

HIWAGA NG DILIM (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon