Part 8

267 9 2
                                    

Third person's POV.

Mabilis lumipas ang mga panahon at nagsisimula nang lumaki si leonora at antonio....

SA HACIENDA....

Si antonio ay pinalaki ng kanyang mga magulang na malapit ang loob sa mga tao at mapag pakumbaba hinahayaan s'ya ng kanyang mga magulang na pumunta-punta sa kanilang mga bukirin at makipag laro sa mga anak ng mga trabahador...

Isang araw ay magkakasama ang mag- anak na dumalaw sa bukid. Habang nakikipag usap ang mga magulang ni antonio sa mga trabahador.

Si antonio naman ay abala sa pakikipag laro sa isang batang kambing hinahabol habol nya. Kaya pinabayaan na lamang sya ng kanyang mga magulang tutal ay hindi naman makakalay. At ang kambing ay nakatali naman kaya sila ay kampante...

Maya-maya ay narinig nilang umiiyak ang kambing kaya napalingon sila ngunit ngumiti nalamang sila ng makitang yakap-yakap lamang ito ni antonio..

"Tignan mo mahal napaka lambing talaga ng anak natin at pati kambing niyayakap" Pabirong sabi ni manuel sabay tawa ng mahina...

Bahagya namang natawa ang ginang bago sumagot.

"Ikaw talaga" Sabay haplos sa muka ng asawa at tinulak ng mahina.

Nagkatawanan naman silang pareho at napa ngiti naman ang kanilang kausap dahil sa kanilang lambing.

Matapos nun ay bumalik na sila sa pakikipag usap sa ka

makalipas ang ilang sandali ay natapos na sila sa kanilang pakikipag usap.

"O sige mang karding mauna na kami at baka gutom na yung bata" pagpapa alam ni manuel.

"Sige po don at donya maraming salamat po sa pag bisita" sagot ng kausap kausap at yumuko naman ng bahagya para magbigay galang.

Tumango na lamang ang don at tinapik sa balikat ang tauhan ngumiti naman ng matamis ang donya bago tumalikod.

"Anak halika na uwi na tayo" Habang inaabot ni manuel ang kamay ng anak habang naka tiklop ang mga tuhod.

Nakaupo naman ang bata sa damuhan at madungis puno na siya ng putik sa muka at damit.

Inabot naman ng bata ang kamay ng ama ay yumakap ng mahigpit.

Hinalikan naman ng ama ang leeg ng bata at napasimangot sa di kaaya ayang amoy nito..

"Hmmmm ambaho mo anak amoy kambing ka" nakangiting wika ng ama..

Napatawa naman ang bata.

Napalinga-linga naman ang ama sa paligid upang hanapin ang kambing subalit bigo nya itong makita..

"Ay mang karding yung kambing mukang nakatakas pakihanap nalang" sigaw ni manuel.

Medyo nagulat naman ang kinausap sa tinuran ng amo..

Pero para matapos na ang usapan sumang ayon na lamang ang tauhan.

"Oho sige po" wika ni mang karding. at agad namang tumalima.

Mabilis namang nakasakay ang mag asawa sa kanilang sasakyan at umalis.

Tinunton naman agad ng lalaki ang lubid na kanina lamang ay naka tali sa kambing at hinila ito. Nang makita nya ang pinaka dulo ay nag taka sya dahil may dugo ang ang lubid subalit hindi naman nya makita ang katawang ng kambing dahil bukod sa dugo sa lubid ay wala nang ibang palatandaan at bakas na naiwan ang kambing..

Napatingin na lamang ang mama sa papalayong sasakyan ng mag asawa at tila nahihiwagaan..

...............

HIWAGA NG DILIM (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon