Sunod-sunod na ang mga pagkaka diskubre ng mga bangkay ng mga babae na putol ang kalahating katawan at pag katapos ng tatlong araw ay makikita ang naagnas nitong bangkay. gaya ng mga naunang biktima ay iisa lang ang istilo ng suspect sa pagpatay.
hangang ngayon ay wala pa ding lead ang mga pulis kung sino o kung ano ang suspect. ganun pa man ay ginagawa na po ng ating kapulisan ang lahat ng kanilang makakaya upang matukoy ang salarin sa mga sunod sunod na pagpatay sa buong ka maynilaan at mga karatig bayan. pinapayuhan din po ang lahat ng kababaihan na hanggat maari ay manatili na lamang po sa kani kanilang mga tahanan pag kumagat na ang dilim. nananawagan din po ang ating pamahalaan na kung mapapansin kayong mga kahina hinala sa iyong mga lugar ay ipag bigay alam lamang po sa mga ka pulisan o tumawag sa mga numero na makikita sa ibabang parte ng inyong mga screen sa televisyon.maraming salamat po..
.............
Kinahapunan sa iskwelahan ni angel ay nag uusap usap ang mga magkaka eskwela ..
"napanood nyo yung balita?..." usisa ng isa .
"alin dun? yun bang babaeng umuutot ng apoy? o yung babaeng mukang kabayo?." sarcastikong sagot ng isa.
"Hindi....yung tungkol dun sa mga patayan ..?"pagpapatuloy ng nauna
"Liliwanagin mo kasi... kadami daming balita e..!" inirapan nya pa ang isa
"Nakaka takot noh?.. " dagdag pa nito..
"Maniwala ka naman dun... gawa gawa lang nila yun panakot para wala nang gumala ng gabi.." walang ganang sagot nito..
"bakit ba ang sungit mo?.... para kang matandang inurungan ng regla....?" pag konpronta nito ngunit chill pa din..
"o nag aaway nanaman ba kayo?" tanonh ni angel habang papalapit sa mga ka eskwela..
"eto kasi e napaka sungit daig pa ang nag me menopause .." sabay irap sa isang kasama..
"tama na nga yan... halika na kayo kumain nalang tayo at gutom lang yan.." pag aaya ni angel...
Tinignan lang sya ng dalawang kaibigan matapos magsalita..
"Libre ko..." dugtong pa nito.
At automatiko tumayo ang dalawa sa narinig at mabilis na naglakad papuntang pintuan...
"Tara na.... ano pang ginagawa mo dyan.." sabi nung isa habang nakalingon sa kanya..
Napangiti na lamang sya sa inasta ng dalawa. hindi naman nya laging ginagawa ang panlilibre sa mga kasama kaya nung marinig nila ang alok ng isa ay mabilis silang tumalima dahil baka magbago pa ang isip nito...
..........
Natapos ang maghapon sa eskwela at naka uwi na din si angel sa bahay. at gaya ng inaasahan wala pa din si antonio.
"haaayy bakit kaya parang hindi kompleto ang araw ko pag hindi ko sya nasisilayan... tanong ni arah sa sarili....habang nanonood ng balita sa telebisyon ukol sa update ng mga nagaganap na patayan..
Biglang may kumatok sa pintuan na pumukaw sa kanyang malalim na pag- iisip...
Medyo nagtaka sya dahil kung si antonio ito ay may dala na man syang susi..
"Naiwan na naman kaya ng kapreng yon ang susi nya?" usal ni angel habang papalapit sa pintuan..
huminga muna sya ng malalim bago nya pinihit ang seradura at binuksan ang pintuan.
Pag bukas nya ng pintuan ay nakatayo si antonio sa labas at may dalang isang kumpol ng bulaklak at napaka kisig at napaka gwapo nitong tignan sa suot nito...
Naka coat and tie pa sya at ngumiti sya ng ubod ng tamis kay angel.
Tila mo naman syang na hipnitismo sa napaka tamis na ngiti na yon ng binata..
Umabante paharap si antonio at automatikong napa atras ang mga paa ng dalaga.. hanggang sa mabunggo ito sa sofa at napa upo. sinundan naman bigla naman syang naramdam ng kakaibang kaba dahil sa magkalapit ang kanilang mga muka at halos isang dipa na lamang ang pagitan...
Halos mabingi na sya sa sobrang lakas ng kaba sa kanyang dibdid at hindi nya inaasahan ang sumunod na nangyari.....
Bigla syang nautot na medyo malakas at mahaba pa hahaha
pero syempre jowk lang yon..
proceed....
Bigla syang hinalikan ni antonio sa mga labi. at nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa mapangahas na kilos nito...
Amoy na amoy ni angel ang bango ng hininga ng lalaki at ang init ng mga halik nito....
Lalo na syang nahibang ng gumapang ang mga kamay ng lalaki sa kanyang likuran na nagbigay naman sa sa kanya ng kakaibang kikiti at kilabot. kilabot dahil sa mga banayad na dampi nito at halik na hindi bumibitaw. Hindi nagtagal ay gumapang na ang mga kamay ng binata sa kanyang harapan.
Patungo sa kanyang malulusog na mga dibdib. lalong nanayo ang mga balahibo ng dalaga dahil sa sensayong hatid neto sa kanya.
nang biglang.
Nagising sya sa sunod-sunod na mga katok sa pintuan yamot na yamot naman sya sa labis na pagka dismaya dahil sa na udlot na masarap na panaginip..
"ano ba naman yun..andun na eh... yun na yun ihhh..." bubulong bulong ang dalaga sa labis na pagka dismaya at padabog itong lumapit sa pintuan at mabilis na binuksan..
Subalit napako ito sa kinakatayuan dahil sa hindi inaasahan
########
Ay ano kaya yung nakita nya?? hahaha abangan..
maraming salamat po sa pagbasa..
mwaaaps
BINABASA MO ANG
HIWAGA NG DILIM (Editing)
Mystère / ThrillerThis is my first time to create my own fictional story.. And this story started last 2014 and decide to edit on 2017 Hope you like it..