Pagkilala

703 17 18
                                        

Ang kwentong ito ay hango lamang sa malikot na himahinasyon ng sumulat. Ang lahat ng mga tauhan, lugar at pangyayari sa kwento ay pawang kathang isip lamang. Kung may pagkakahalintulad man ito sa totoong buhay ay hindi iyon sinasadya ng sumulat.

Kung meron po kayong mga suhestyon, kumento o kuro-kuro ay maaari niyong iparating sa akin sa pamamagitan ng comment box o sa aking private inbox.

Maraming salamat po sa pagbasa.

Malaya po kayong makakaboto kung inyong nagustuhan at maaari din kayong mag-iwan ng inyong kumento.

......................................................................................................

Third person's POV.

Panimula

Taong 1989

Sa san Bartolome

Bayan kung saan namumuhay ng tahimik at masaya ang mga tao. Kilala sa lugar na ito ang mag asawang manuel at Christina Faustino, na siyang pinakamayaman sa lugar.

Subalit kahit nasa tugatog na sila ng tagumpay at halos nasa kanila na ang lahat ng mga materyal na bagay na hinahangad ng mga tao meron pa ring kulang sa kanila...

Ang magkaroon ng anak.

Bagay na tila ipinagkait sa kanila ng lumikha. Bagay na siyang kukumpleto sa kanilang pamilya. Napaka tagal na nilang inaasam-asam ang magkaroon ng anak ngunit parang sadyang napakailap ng tadhana. Patunay na hindi lahat ay maaaring makamtan sa buhay. Gayunpaman, hindi sila nawawalan ng pag-asa. Patuloy pa rin silang nananalangin at naniniwalang darating ang panahon na ipagkakaluob din sa kanila ng dakilang lumikha ang kanilang pinapangarap.

Sa tuwing naglilibot ang mag asawa sa buong hacienda ay naaaliw silang pagmasdan ang mga batang paslit na naglalaro at naghahabulan. Bagay na minsan ay nagpaparamdam sa kanila ng inggit lalo na  kay manuel.

Kung kaya't lalong umiigting ang kanilang naisin na magkaroon ng supling na pupuno at magpapaligaya sa kanilang pagsasama.

Isang araw habang namamasyal si  Christina sa labas ng hacienda nila upang makakita naman ibang tanawin, marahil ay nagsaawa na rin siya ssa paulit-ulit na lugar na kanyang nakikita sa loob ng kanilang bakuran. Nagtungo siya sa isang animo'y burol na malapit din sa kanilang lugar upang makalanghap ng sariwang hangin at magiliw na pinagmamasdan ang mga ibon na tila ba naglalambingan ay biglang may humawak sa braso ng ginang na labis niyang ikinabigla.

Isang matandang babae na nakasuot ng itim na bestidang gula-gulanit nang dahil sa kalumaan at hindi rin kaaya-aya ang amoy nito na maihahalintulad sa nabubulok na katawan ng patay na daga.

Hindi sinasadya na nahampas ni Christina ang kamay ng matanda dahil sa pagkagulat nito sa kanya na naging dahilan ng pagkatumba nito sa lupa at tumakip sa mukha nito ang mahaba at halos puti nang buhok nito.

Nang makabawi sa pagkagulat si Christina ay nilapitan niya ang matanda upang tulungang makatayo kaalinsabay ang paghingi nito ng paumanhin.

"pasensya na po kayo lola hindi ko po sinasadya"

Saad ng ginang habang hawak hawak sa braso ang matanda.

"kayo naman po kasi ginulat ninyo ko. nasaktan po tuloy kayo, eh maaari naman ninyo akong tawagin at kausapin kung may nais kayong sabihin. May masakit po ba sa inyo?"

dugtong pa ng ginang na may halong pag-aalala ang tono ng kanyang boses.

Subalit tinignan lamang siya ng matalim ng matandang babae

"Dahil sa iyong ginawa sa akin---".

Paturo-turo pa ang daliri nito natila nananakot,

"ikaw ang magluluwal ng magiging salot sa bayang ito"

Matalinhagang saad ng matanda at agad na kumawala sa pagkakahawak ng ginang at dali daling humakbang papalayo.

Napatda naman si christina sa sinabi ng matanda at nahulog sya sa isang malalim na pag-iisip matapos siyang iwan nito.

Nang makabawi s'ya sa pagkagulat ay babalingan niya sana ang matanda at tatanungin kung ano ang ibig niyang sabihin, na kung tama nga ba ang naglalaro isip niyang isang sumpa ang iniwan sa kanya nito.

Ngunit hindi na mahagilap ni christina ang matanda na kanin ay kausap niya lang. lumingon-lingon pa siya upang magbakasakaling mahagip pa ng paningin niya ang hinahanap. Subalit nabigo siya hindi na niya mahagilap kahit ang anino nito.

"Guni-guni ko lang ba yun?"

Tanong niya sa sarili.

"Pero bakit parang tutuo"
Dagdag niya pa.

"Gutom lang siguro ako. Hindi naman totoong may taong kayang magbigay ng isang sumpa sa kapwa niya"

Pagsasawalang bahala niya na lang ang nangyari at nagpasya ng bumalik sa kanilang lugar.

Hindi na rin niya pinagsabi kahit kanino ang naranasan maging sa asawa niya dahil hindi siya sigurado kung tutoo ba iyon. Pinasya niyang kalimutan na lang na tuluyan ang nangyari.



.................

HIWAGA NG DILIM (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon