chapter 23

165 7 5
                                    

Pagbukas na pag bukas ni angel ng pintuan ay napaka dilim ng kanyang nakita walang ni katiting na liwanag. Bigla syang lumingon sa kanyang likod subalit maging ito ay dumilim na din.Para na syang nasa isang demension na puro kadiliman...


Labis syang kinabahan sa kanyang kalagayan kaya napa atras sya at natumba dahil sa nakaharang na ugat ng puno unang tumama ang kanyang braso sa kanyang pagbagsak.


Ininda nya ng husto ang sakit ng kanyang braso na parang napilay. Pinilit nyang tumayo upang makalayo sa kanyang kinalalagyan dahil sa pakiramdam nya ay labis na mapanganib.


tumakbo sya ng tumakbo papalayo sa lugar hanggang sa makarating sa isang kubo. Kakatok na sana sya ngunit napahinto sya dahil tila may kaguluhan sa loob kay nagdisisyon nalamang na sumilip sa maliit na siwang sa ding-ding....


naninindig ang kanyang mga balahibo dahil sa kababalaghan na nangyayari sa loob. isang nakaka pangilabot na eksena ang kanyang nasaksihan mula sa loob ng munting kubo. May isang matandang lalaki na may hawak ng matalas na itak at isang matandang  babae na duguan subalit buhay pa naman....


"Parang pamilyar sila sa akin.... subalit hindi ko matandaan kung saan ko sila nakita.." sabi ni angel sa kanyang sarili.

Ikinumpas ng matandang lalaki ang kanyang hawak na itak sa buong akala nya ay itataga nya ito sa babae kaya mabilis syang pumasok sa loob upang pigilin ito..


"Itigil mo yan paki usap!!!!." sigaw ni angel..


Napahinto naman ang matandang lalaki at napalingon sa kanya...

"Leonora??" sambit ng matandang lalaki nabmay pagtataka sa boses.


At napalingon din ang matandang babae na sugatan.


"anak...." naibulalas ng matandang babae..


Labis na ipinagtaka ni angel ang sinambit ng matandang babae...


Hindi pa man nakaka bawi sa pagka bigla ang dalaga ay isa nanamang kapangi pangilabot na eksena ang kanyang nasaksihan.


May halimaw na mukang napakalaking ahas ang kanyang napagmasda sa  gilid ng bahay  may mga sugat ito sa katawan marahil ay galing sa itak na hawak ng matandang lalaki.


Bigla itong gumalaw at sa isang iglap ay bumaon ang matatalas nitong kuko sa likod ng matandang lalaki na nakaharap pa rin sa kanya...


"Tumakas ka na anak..." wika nito habang bumubulwak ang dugo sa bibig ng lalaki...

"Tumakas ka na leonora.... tumakas ka na anak.." sigaw naman ng matandang babae.


Labis na talaga syang nalilito sa kanyang naririnig mula sa dalawang matanda..


"Leonoraaa... takboooo...." sigaw ng matandang babae  na nagpabalik sa kanyang diwa.


HIWAGA NG DILIM (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon