Third person's POV.
Pumuputok pa lamang ang araw ay nagmamadali na ang mag asawang tasyo at doray mga simpleng tao na nakatira sa pampang si mang tasyo ay mangi-ngisda at aling doray naman ay tindera sa palengke ...
"Bilisan mo tasyo at tanghali na wala nang bibili ng mga isda natin sa palengke" wika ni aling doray
Sa hapon nangi-ngisda si tasyo ng kanilang paninda para sa kinabukasan.
"OO na andiyan na hindi ko pa nga na uubos tong kape ko e" wika ni tasyo sabay lagok sa natitirang kape.
"Abay dali dalian mo at mamaya nyan e sarado na ang palengke" histerikal na saad ni doray.
"OO na eto na oh" sagot ni tasyo habang kinakandado ang kanilang tarangkahan.
"Ke aga aga e ke init init ng ulo mo" wika ni tasyo habang papalapit sa likod ng asawa.
"E papano napaka kupad mo" pairap na singhal ni doray.
"Ikaw naman wag masyadong mainit ang ulo mo e kahit naman tanghali na tayo magpunta sa palengke e tiyak na yang paninda mo ang unang mauubos." Saad ni tasyo na may paninigurado.
"Sariwa kasi ang ang paninda natin" pahabol ni tasyo sabay yakap sa baywang ng misis nya at dinampian nya ng halik sa leeg.
"Hmmm bango bango naman ng asawa ko" wika ni tasyo habang sinisimsim ang leeg ng asawa..
"Ano ba tasyo!!!... hihihi maglubay ka nga nakikiliti aq tama na.. hihi" pag susuway ni doray sa asawa.
Agad namang tumalima ang kabiyak magkahawak kamay nilang tinungo ang baybay ng ilog kung saan naka daobg ang kanilang bangka. Kung titignan mo sila ay para silang mga bata na magkasintahan.
Nang makarating sila sa kanilang bangka ay mabilis silang sumakay at nilisan ang lugar.
Payapa ang agos ng ilog kalmado at wari mo'y hindi umaagos ang tubig na aliw si mang tasyo sa pagsagwan at hindi nya napansin ang tumpok ng mga water lily sa kanilang harapan at sila ay bumalaho at medyo tumagilid ang kanilang bangka at may pumasok na konting tubig.
"Aayyyyy ano ba yan tasyo" gulat na napasigaw si doray.. at mabilis na nilimas ang tubig sa bangka upang hindi sila tuluyang lumubog.
"Pasensya na mahal hindi ko kasi napansin ang water lily sa harapan"
medyo nabahalang sagot tasyo at nilalayo nya na ang kanilang bangka palayo sa tumpok ng water lily.Hindi pa man tuluyang naalis ni tasyo ang pagkaka balaho ng bangka sa tumpok ng water lily ay nakarinig na sila ng pag Unga ng sangol.
"uhhha...uhaaaaaa...uhhhhhaaaaa..
Napatda ang mag asawa at pilit hinahanap ang pinang gagalingan ng pag nguwa.
Dahil may kadiliman pa kaya hindi nila makita ang pinang gagalingan ng iyak.
"Tasyo saan nang gagaling yon? !" medyo nagtataka na tanong ni doray at animoy hinahanap ang pinang gagalingan ng naririg.
"sanggol!? iyak ng sangol tama ba ang naririnig ko" medyo nagtatakang tugon ni tasyo.
"Saan nanggagaling yon?! muling usisa ni doray sa asawa na ngayon ay nakatuntong na sa tumpok ng mga water lily at dito nag hahanap..
"Doray!! tignan mo to" habang dinadampot ang isang bunton ng puting tela na naka patong sa mga water lily.
"Doray.. tignan mo bata may bata...doray tignan mo bilis" wika ni tasyo na may galak sa boses habang nanginginig pa ng kaunti.
"saan galing yan at bakit may bata d'yan??!" tugon ni doray na may pag aalin langan.
"Hulog marahil ng langit doray. sinagot na ang ating panalangin" wika ni tasyo na galak na galak at nhayon ay nakatung-tung na sa bangka.
Ini abot ni tasyo ang sanggol sa asawa at mabilis namang kinuha ng kabiyak at siniyasat ang kasarian ng sangol..
"Juice ko tasyo babae ang bata! at napaka ganda..!! " wika ni doray na tuwang tuwa.
"Pano kung may mga magulang pa tong batang to at hanapin" pagtatanong ni doray sa asawa.
"I uwi nalang muna natin sa bahay ngayon pag may naghanap ay saka na natin ibigay" wika ni tasyo.
"E paano tong mga isda?" Tanong ni doray sa kabiyak.
"Ako na muna ang bahala dito ipapa pakyaw ko nalang sila sa bayan asikasuhin mo nalang muna ang anak natin" naka ngiting tugon ni tasyo..
"O e ano pang hinihintay natin halika na at nang mapalitan ko na ng lampin ang bata at parang gutom na gutom pa. Kawawa naman." Suhesyon ni doray sa kabiyak.
Lingid sa kanilanh kaalaman ay may kung anong namumuo sa ilalim ng tubig na tila pinag mamasdan ang kanilang galaw at tahimik silang sinusubay-ba-yan hangang makarating sila sa kanilang bahay malapit sa pang-pang ng ilog.
BINABASA MO ANG
HIWAGA NG DILIM (Editing)
Mistério / SuspenseThis is my first time to create my own fictional story.. And this story started last 2014 and decide to edit on 2017 Hope you like it..