chapter 18

208 9 3
                                        

pasintabi po sa mga kumakain habang nagbabasa dahil ang susunod na mababasa ay may maseselan na lenguahe na maaring ika opensa ng mambabasa..

maraming salamat po..

habang tinatahak nila ang daan pauwi ay napansin ng kasama ni tasyo ang bit-bit ni doray..

"ay mare mawalang galang na ha e saan mo ba nakuha yang dala mong manok? "

"eto ba pare?" at itinaas ni doray ang kamay na may hawak na manok...

"ahh jan lang medyo sinuerte nga ako at naka huli pa ng pantinola hindi bale papadalhan kita bukas pagkaluto" pagmamayabang pa ni doray.

"ah... ganun ba mare.....eh medyo kamuka kasi ng manok na hinahanap ko." napapakamot batok na saad ng kumpare.

medyo natigilan naman si doray sa narinig nag isip muna sya kung ibibigay ba o hindi ang manok..

"ay kamuka lang siguro pare.. hindi bale bibigyan kita ng kalahati bukas.. at ipag patuloy mo na din ang paghahanap sa manok mo bukas baka sakaling makita mo pa" mahabang litanya ni doray.

"patingin nga ko mare nang makita ko at masuri ng maayos" pangungulit ng kumpare...

akma nang hahawakan ng lalaki ang manok ng biglang pigilan ni doray..

"hep hep hep.... wag mong hahawakan ang manok ko kundu ipupunas ko sa muka mo tong tae sa kamay ko.." may pagbabadya ang matinis na boses ni doray....

wala namang nagawa ang lalaki kundi manahimik dahil sa pagiging dominante ni doray.

"anu ba yan doray..! kaya pala kanina pa ko me naamoy na mabaho e." reklamo ni tasyo.

"bakit kasalanan ko ba na mahawakan ko yung tae sa ilalim ng puno? sino ba naman kasing saksakan ng kababuyan ang mag iwan ng ginto dun.."

litanya ni doray..

medyo natigilan naman si tasyo dahil sa sinabi ng asawa..

at napahinto din sya sa paglakad..

napahinto din si doray sa paglakad at lumingon sa asawa.

"hoy tasyo napanu ka? gusto mo ipunas ko din sa muka mo tong nasa kamay ko?? "

pagbabanta ni doray...

ay wala may naalala lang ako at mabilis syang sumunod sa asawa...

at dire deretso na nilang tinahak ang daan pauwe....

nang makarating na sila sa bahay ay nag usap uli sila tungkol sa pagkawala ni leonora at anu ang gagawin nilang sulusyon para mahanap ang anak..

"tasyo anu kaya kung kumunsulta na tayo dun sa tunay na ina ni leonora?"tanong ni doray kay tasyo..

"at anong sasabihin natin na nawawala ang kanyang anak? sa palagay mo ba e matatangap nya lang ng ganun ganun yon"?

pabulong na wika ni tasyo..

napatingin naman si doray sa asawa at pinanlisikan ng mata..

"at sa palagay mo ba e hindi pa alam nung tunay na ina ni leonora na nawawala sya?"

pabalang na sagot ni doray....

nagkatitigan silang mag asawa dahil sa sinabi ni doray..

"hindi kaya kinuha nya na si leonora kaya hindi nya tayo tinatanong?"halos sabay pa sila sa pagsasalita.

"pero maghintay pa tayo ng tatlong araw dahil baka naligaw nga lang si leonora sa gubat at alam nyang hindi naman ito mapapahamak."doray.

"itabi nalang muna natin ang manok para sa gagawin nating ritwal ng pagtawag.suhesyon ni doray.

HIWAGA NG DILIM (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon