Christina's POVMakalipas ng dalawang buwan,
Abala ang lahat mga tao sa kani-kanilang gawain sa araw-araw sa loob ng Hacienda . Samantalang ako naman ay naaaliw sa 'king pagagansilyo habang nakaupo sa paborito kong upuan sa may balkonahe. Maya-maya'y nakaramdam ako ng pagkahilo at Agad nagtungo sa banyo. Hindi pa ako nakakapasok sa loob ay bigla na akong nagduduwal. Mabuti na lang at naka abot pa ako sa lababo na nasa gawing kaliwa ng banyo.
Nasa ganun akong sitwasyon ng biglang dumating ang asawa ko na tila may nalimutan. Pasipol-sipol pa ang ito habang palapit sa pintuan ng banyo.
"Mahal, nakita mo ba iyong mahabang manggas ko? Ako kasi ay lulusong sa bukid para bantayan ng mga trabahador doon. Alam mo naman ang aking balat, masyadong maselan, kaya kailangan ko itong itago" pabirong pa nitong sabi sakin.
Hindi naman ako makasagot dahil panay pa rin ang pag duwal ko kahit wala naman lumalabas na anuman.
At napasulyap ako sa salamin at nakita ko ang pagbago ng reaction sa kanyang muka.Mula sa kaninang napaka sigla ay napalitan ng pagka bahala ang puminta sa kanyang muka. Mabilis nya akong nilapitan at humawak sa balikat ko at sabay hagod sa likod.
"Mahal!? Anong nngyayari sa iyo!? May sakit ka ba?" Pag-aalala nitong tanong.
"Oo, ayos lang ako mahal. Siguro sa nakain ko lang kaninang umaga. Medyo hindi ko kasi gusto. Parang gusto kong isuka." Sagot ko sa kanya.
"Mahal ilang araw ka nang ganyan, patingin ka na kaya sa doctor."
Sumang ayon nalang ako sa mungkahi nya.
"Sige mahal, bukas na lang. Magpapahinga muna ako ngayon." Lumabas na ako ng banyo at nanlalatang nahiga sa kama.
Naupo sa gilid ng kama ang asawa ko habang hinahaplos ang buhok ko. At humalik sa aking noo.
"Sige mahal, bukas na ako lulusong sa bukid. Mabuti pang samahan na lang kita ngayon." Mahinahon nyang pagbasag sa katahimikan.
"Ano ka ba mahal, ayos lang naman ako. Di mo na ako kailagang bantayan pa." Pag tanggi ko sa sinabi nya.
"Ah, wag ng matigas ang ulo. Sasamahan kita ngayon at bukas ay papupuntahin natin si Doctor para matingnan ka. Para makasiguro tayong ayos ka nga lang."
Hindi na ako komontra sa sinabi nya dahil talgang masama ang pakiramdam ko at sumang ayon nalang sa sinasabi nya.
"Oo na, sige na mahal, gusto ko matulog. Hindi ko alam kung bakit hinihila ako ng antok gayong maaga pa naman." at sinabayan ko ng pag hikab upang ipa alam na talagang inaantok ako.
"Oh sige matulog ka na. Nandito lang ako."
Para naman akong bata na kailangan pang bantayan. At kinatahan pa talaga ako.
..................
Third person's POV.Tanghali , kinabukasan.
Pinatawag nga ng Don ang doctor ng kanilang pamilya upang masuri ang kalagayan ng asawa. Habang sinusuri ng doktor ang Donya. Panay naman ang lakad ng Don na pabalik-balik sa tapat ng pintuan ng kanilang silid. Hindi na kasi siya pinapasok ng doktor upang hindi makaistorbo sa gagawing pagtingin nito sa asawa.
Ilang minuto pa ang nakararaan, lumabas na rin ang doktor na may ngiti sa kanyang mga labi. "Doc, anong resulta?" Kabado at aligaga na tanong ng Don.
"Don't worry Don Faustino, she's fine" saad ng doktor.
"Kung ayos lang siya eh bakit siya nagduduwal tuwing umaga? Palagi din na masama ang pakiramdam niya, nahihilo at laging antukin. Sigurado ka bang wala siyang sakit?" Nagtatakang tanong ng Don.
"Oo, Don Faustino, wala siyang sakit, sa katunayan, isa itong possitibong senyales."
"Senyales?! Anong senyales?"
"Biyaya, Don Faustino. Nagdadalang-tao ang asawa mo" masayang balita ng doktor.
Bahagyang natigilan ang Don, hindi siya makapaniwala sa narinig. Tila narindi din ng tenga niya sa sobrang tuwa. Natabig pa nga niya ang doktor sa kasabikang lapitan ang asawa. Nakita niyang nakahiga sa kama ang asawa at nakangiti ito sa kanya. Katunayan na totoo nga ang balita ng doktor.
"Mahal," bati ng ginang at tumango-tango pa.
"Yes! YES! MAGKAKA BABY NA TAYO!" Tuwang-tuwang sigaw ng don na may patalon-talon pa. Napahalik din siya sa asawa sa sobrang tuwa.
"MAGIGING TATAY NA AKO! MAGIGING TATAY NA AKO!" Paulit-ulit na sigaw ng Don na sinigurado pa niyang makakarating s labas ng kanilang silid ang magandang balita upang marinig ng lahat ng nasa labas.
Lumapit ang Don sa asawa na nakaupo na sa kama. Pipigilan sana niya ito sa ginagawang pagsisigaw nang bigla itong yumakap at nagsalita
"Mahal ko, hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon" kinuha ng Don ang kamay ng asawa at hinalikan ito,
"sobrang saya ko sa regalong ibinigay mo sa akin, mahal na mahal kita"siniil niya ng halik ang asawa sa mga labi nito.
"Ako din mahal, sobrang saya ko din, sa wakas magkakaanak na tayo" sagot naman ng ginang.
Napayakap ang Don sa asawa sa sobrang kaligayahan,. Hindi rin nito maikubli ang mga luhang pumapatak sa kanyang pisngi.
"Aray naman mahal, hindi ako makahinga"
Angal ng ginang, bahagya kasing napahigpit ang pagkakayakap ng asawa sa kanya. Kumalas naman agad ang Don sa pagkakaakap.
"Mahal pasensya na nadala lang ako ng sobrang kaligayahan"
"Ayos lng mahal dahan dahan lang dahil baka ma ipit si baby"
Pagbibiro ng asawa nya.Hinarap ng Don ang doktor at agad na nagsalita.
"Dok, maraming salamat. Wag kang mag-alala, gagawin kitang isa sa mga ninong ng anak ko." Banggit nito.
Napatawa naman ng bahagya ang doktor.
"Maraming salamat, Don Faustino. Isang karangalan. Oh, paano'y maiwan ko muna kayo. Mayroon pa akong sesrbisyuhan" anang doktor.
"Ipapahatid na kita kumpadre" ginabayan ng Don ang doktor palabas, lumingon pa siya sa asawa bago lumabas ng silid upang kumindat at magpakawala ng isang matamis na halik sa hangin patungo sa kabiyak. Napatawa naman ang ginang sa kanyang ginawa.
Pinahatid ng Don ang doktor sa kanyang drayber gamit ang kanilang mercedes.
Pagkaalis ng doktor, agad ding bumalik ang Don sa silid nila upang muling makapiling ang asawa. Patalon-patalon at pasipol-sipol pa ito habang tinutungo ang silid at Pakanta-kanta pa na parang bata na binigyan ng candy.
Magiging tatay na ako....
Magiging tatay na ako.....
Magiging tatay na ako.
Dahilan upang magbulung-bulungan ang mga tao na nakakakita at nakakarinig sa kanya.
Ano daw?!
Si Don Faustino, magiging tatay na?! Sabi ng isa.
Buntis na ang donya?! Pag sigunda pa ng isa.
Isa itong biyaya. Magandang biyaya!. Anang ng isa pa.
Sa wakas, magkakaroon na rin ng tatakbong maliit na bata sa hacienda. Napa daumpalad pa ang isa pa habang may hawak na duster.
Nagkumpulan ang mga tao at nagpatuloy sa kani-kanilang usapan.
......
A.N
What you think about this update.
Please vote and leave a comment.Salamat.
BINABASA MO ANG
HIWAGA NG DILIM (Editing)
Mystery / ThrillerThis is my first time to create my own fictional story.. And this story started last 2014 and decide to edit on 2017 Hope you like it..