chapter 12

202 10 3
                                    

........

kitang kita ni donya christina kung paano magpalit ng anyo ang minamahal...

kung paano lumabas ang mga pinong kaliskis sa kanyang muka at ang matutulis na pangil.


sobra sobrang ang takot ng ginang sa kanyang nasasaksihan subalit hindi sya makaalis sa kanyang kinakatayuan.

habang si don emanuel naman ay namimilipit sa sakit na dinaranas hangang sa matapos na ang kanyang pagpapalit ng anyo.


"sssssshhsss

sssssshhhsss

tunog ng tuklaw habang papalapit sa donya.


napahakbang patalikod ang donya sa labis na takot at naging dahilan ng pagkatumba nya sa kama.


mabilis naman syang sinungaban ng tuklaw at dumagan sa ginang habang pinapaluputan ng kanyang buntot na maikukumpara mo sa isang sawa.

unti unting inilapit ng tuklaw ang kangyang muka sa muka ng ginang at parang sinusuri.


hissss

ingay na likha ng tuklaw.


pilit namang inilalayo ng ginang ang kanyang muka sa muka ng nakakatakot nilalang.

"emanuel ako to.. ako ang asawa mo ...hindi mo na ba ko nakikilala? " saad ng ginang habang nanginginig ang boses.


hiiiisssssss.

ang naging saad lang ng nilalang.

subalit parang natauhan ang nilalang dahil medyo lumuwag ang pagkaka sikil ng tulaw sa kanyang katawan.

at sinamantala nya ang pagkakataon na ipa alala ang lahat sa kabiyak.


"mahal alam kong nakikilala mo pa ako.. alam kong mabuti kang tao.... pilitin mong isipin ang mga masasaya nating ala ala.." wika ng ginang na patuloy sa pag luha.


at tila mo napatigil nito ang halimaw at tila mo may naalala at inaalala..


pumasok sa isipan ng halimaw ang kanilang masasayang ala ala nung mga nililigawan pa lamang nya ang ginang at nung nagmamahalan na sila hangang sa magkaroon na sila ng anak..


naalala lahat ng halimaw pati ang ala ala nya nung bata pa lamang sya kasama ang mga magulang at nung tugisin sila ng mga tao.


habang nanunumbalik sa kanyang isipan ang mga pangyayari ay humihigpit naman ang pagkaka linhkis nya sa ginang.


naaalala nya kung pano patayin ang kanyang mga magulang at mga kapatid na parang mga hayop kung paano tupukin ng apoy ang kanilang bahay.


nagaalab ang galit ng halimaw habang timatatak sa kaniyang isipan ang nag lalagabgab na apoy ng kanilang tahanan.

"ahhhhh mahal nasasaktan ako" medyo nanghihinang wika ng ginang. subalit parang hindi naman sya naririnig ng kausap at nananatili lamang syang walang kibo.


naalala din ng halimaw ang ng mapadpad sya sa kabilang isla kung saan nya nasilayan ang kagandahang taglay ni maria christina na bumighani sa kanyang puso.


at unti ubting lumuwag ang pagkaka lingkis nya sa katawan ng ginang...


##########

A/N:

pabitin...

pa comment na din po kung may gustong magpa bati para ilagay natin sa next chap.. hehe


salamat po sa pagbasa..

mahay ko kayo

HIWAGA NG DILIM (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon