Pag sikat ng araw sa labas ng hacienda ay nagkukumpulan na ang mga tao. Ang iba ay nakatakip ng ilong at ang iba naman ay hindi makapaniwala sa nakikita. Ano ang nangyari dito tanung nang isa sa mga usisero.
Hindi ko alam sabi naman ng isa na napalingon sa nagtanong..
Kawawa naman dugtong pa ng isa sa mga usisero. Sino kaya ang may gawa nito adik siguro eka ng isa pa.
Malamang hindi tao ang may gawa nyan suhestion ng isa.
Lumabas naman mula sa hacienda si christina dahil sa nabatid n'yang balita na may natagpuang bangkay sa labas ng kanilang hacienda.
Magandang umaga po donya sabay sabay na bati ng mga tao nang mapansin nila ang ginang nang makalapit ito sa kanila.
Hindi naka tugon ang ginang dahil sa natutup nito ang kanyang bibig dahil sa nakita.
"Dyos ko pong mahabagin anong klaseng hayop ang may gawa nito" hindi makapaniwalang saad ni christina.
Bigla syang napahawak sa noo at wari mo'y nahihilo agad naman syang inalalayan ng tao upang maipasok sa hacienda.
Maya- maya pa'y may isang ginang na humahangos na dumating tinignan nya muna at kinilala kung kakilala nya ba ang nasabing biktima.
At bigla na lamang syang napahagulgol.
"O diosko ang anak ko!!!!! anong nangyari sayo.. sino may gawa sayo nito...
Pasigaw na wika ng ginang habang hinahaplos ang muka ng bangkay.
Hindi na nagtagal ang ganung eksena ng may mga dumating na alagad ng batas at agad na inimbistigahan ang pangyayari..
SubAlit hindi lang ito ang huling kaganapan ng mga karumal dumal na pag patay sa bayan ng san bartolome.
Nasundan pa ito ng isa, dalawa, tatlo, hangang sa hindi na mabilang,
*****************
Sa loob ng hacienda nakatulala si Christina habang nakaupo sa couch at minamasdan ang anak na abala sa paglalaro. kasama ang kanyang puddle ng bigla nya itong lingkisin at lulunin ng buo.
Napakabilis ng mga pangyayari.
Napatda ang ginang sa nasaksihan nanghilakbot ang buo nyang katawan lalo na nang sulyapan sya ng anak at nginitian ng ubod ng tamis na animoy walang nangyari,,..
Kinusot ng ginang ang kanyang mga mata nag-babakasakali na guni-guni n'ya lamang ang nakikita subalit may mantsa pa ng dugo ang bibig ng anak.
Hindi malaman ng ginang ang kanyang gagawin dahil sa takot napatayo ito mula sa pagkaka upo at umatras ng dahan dahan at Napasigaw bigla ng may mabungo sya mula sa kanyang likuran.
Paglingon nya ay ang kanya palang asawa. Mabilis nya itong niyakap at umiyak.
"Manuel ang anak natin." panangis ng ginang
"Bakit anong nangyari?" Balik tanong ng asawa na may pag aalala sa boses.
"Nakita ko nilingkis nya at nilulon ng buo nag alaga nyang aso.. pahayag ng ginang na humihikbi.
"Anong sinabi mo?" balik tanong ng don habang nakatingin sa anak.
Nang biglang iniluwa ni antonio ang nilulon na aso...
Nagulantang ang mag asawa sa nasaksihan at tuluyan namang hinimatay ang ginang...
Mabuti nalang at mabilis ang mga reflexes ni manuel at nasalo nya ang asawa at inilalayan papunta sa couch nang masigurong maayos na ang asawa ay mabilis nyang tinungo ang anak at inilibing ang aso na namatay.."Kailangan walang makaalam nito ... wika ni manuel sa kanyang sarili.
Gabi na nang magising si christina at napabalikwas ng bangon. Napamulat din ang don dahil sa asawa. Umupo ito at at humalik sa pisngi ni christina
"Mahal..." wika ng ginang..
Huminga lang ng malalim ang asawa at umakap sa misis.
"Mahal sabihin mong hindi tutuo ang mga nakita ko at isa lamang yong masamang panaginip.. nangingilid nanaman ang luha ng ginang habang kausap ang asawa. Hinigpitan lamang ng don ang pagkakayakap sa asawa."Mahal... totoo lahat ng nakita mo hindi ka nananaginip." mahinang wika ni manuel
"Pero ano ang nagyari bakit? ano ang dahilan bakit nagka ganon ang anting anak?" Naguguluhang tanong ng ginang.
Humugot muna ng malalim na hininga ang asawa bago sumagot.
"Mahal kahit ano pa man ang mangyari anak pa rin natin sya." 'yun na lamang ang naging tugon ni manuel sa kausap.Gustuhin man ng ginang na itakwil si antonio bilang kanilang anak ay wala siyang magawa dahil si antonio ang kaniyang iniluwal at dinala ng siyam na buwan sa kaniyang sinapupunan.
Niyakap na lamang nya ang kanyang asawa at saka pumikit...
"Nagugutom ka na ba mahal?" tanong ni manuel na bumasag sa katahimikan na pumagitna sa kanila.
"Hindi ka na nakakain ng tanghalian at hapunan nag aalala na nga ako sayo e." pinatulis pa ni manuel ang kanyang nguso habang kinakausap ang asawa na parang binibeybi ito. Tumango lamang ang ginang at bahagyang ngumiti..."Halika sa baba kain tayo... ipagluluto kita ng masarap na pagkain.. nagagalak na wika ni manuel.
Agad namang tumalima ang ginang sa narinig. Hindi na nila ginising ang kanilang mga kasambahay upang sila ay pagsilbihan.
BINABASA MO ANG
HIWAGA NG DILIM (Editing)
Misterio / SuspensoThis is my first time to create my own fictional story.. And this story started last 2014 and decide to edit on 2017 Hope you like it..