years have past......(yan napa english na ko pampadugo kasi ng ilong ang masyadong tagalog haha)
proceed..
nasa MAYNILA na si leonora at nagaaral sa isang unibersidad isa itong exclusibong paaralan ng kolehiyo na puro kababaihan lang ang nagaaral kumuha sya ng kursong HRM at may part time sya bilang isang modeling consultant nag t-train din sya ng mga model minsan.
sabi nga ng manager nya bakit hindi nalang sya ang maging model e maganda naman sya long-legged pa.
napag desisyunan kasi ni antonio na itago kay leonora ang totoong nangyari dahil natatakot sya na yon ang maging dahilan ng pag kawala ng dalaga kahit na isang beses pa lamang silang nagkita ay tila nabihag na ni leonora ang puso ng binata.
sinabi na lamang ng binata na patay na ang mga magulang ni leonora at trabahador ng mga magulang nya ang mga ito at dahil wala na syang kamag anak ay kinupkop nlang sya at mabilis naman nyang binigay ang tiwala nya kay antonio dahil pareho silang ulila na..
magkasama sila ni antonio sa iisang unit (condo)
dahil dun na din nagaral ang binata at kumuha ng kursong bussines management subalit sa angking kagwapuhan at kakisigan ay nag pa partime sya na maging modelo sa isang sikat na clothing company.
leonora's POV.
hay nakakapagod ang araw na to napabuntong hininga ako habang papasok ng bahay at naglakad na parang hinang hina at pabagsak na umupo ako sa sofa.
as usual tahimik nanaman ang bahay dahil wala nanaman ang mokong na iyon at tuluyan na akong humiga at itinaas ko pa ang dalamang kamay ko at nag inat inat na may kasamang mahinang ungol...
"hmmmmmm... sarap mag inat....."
nang may naamoy akong kakaiba napasinghap ako ng malalim para lasapin ang amoy..
"hmmmmm ang bango naman non, amoy ginisa" sabi ko sa loob loob ko.
tumayo ako para sundan ang amoy baka sa bintana na nakalimutan kong isara habang pagkatayong pagkatayo ko palang ay may narinig akong may nabasag sa kusina.
automatikong iniikot ko ang paningin ko sa loob ng sala at nakita ko ang isang vase at kinuha bago dahan dahang lumapit sa kusina aba mahirap na baka magnanakaw yun mas mabuti nang nakakasigurado ako siguro naman pwede na tong vase na ipampalo sa ulo nya.
nang makalapit ako sa pintuan ng kusina dahan dahan kong idinungaw ang ulo ko pero wala namang tao.
pero naagaw ang pansin ko ng gasrange na naka sindi at pero wala namang nakasalang hindi naman ako nagluto kaninang breakfast kaya imposibleng nakalimutan ko itong isara.
dahan dahan akong lumakad papunta sa gasrange para isara ito habang lumalakad ako papalapit ay may natanaw akong isang bulto ng tao na nakayuko sa isang sulok parang may pinupulot at mabilis kong inihampas sa likod nya ang vase na hawak ko at nawalan sya ng malay na nakadapa.
antonio's POV
naglalakad ako sa pasilyo ng universidad papunta sa last subject ko pagdating ko ay mabilis akong pumasok sa loob at naupo aking upuan.
dire diretso lang ako at hindi ko na pinansin ang mga babae na nag papa cute sakin ung iba kinikilig pa wala naman akong magawa at hindi ko naman sila masisi sa gwapo kong to! tssk tsk pati mga nanay nila maiinlove sakin...
nang makaupo na ko ay nagtaka ako dahil bkit wala pa ang prop. namin usually mas nauuna pa yin sa time e.
bahagya ko sinulyapan ang relo ko sa pulsuhan 3:00 pm na e ang time namin 2:55 pero inisip ko na baka may inasikaso lang si prof. at nagbuklat ng ako ng libro para sa advance reading.
ilang minuto pa ang lumipas ay ni anino ng prof namin ay wala sumulyap ako sa bandang kaliwa ko kung saan nakatingin sakin ang mga babae habang nakapangalumbaba pa.
ngumiti ako sa kanila ng ubod ng tamis at bigla silang nagtilian at yung iba e nagtatalon pa na parang mga sinasapian..
"pwedeng magtanong?" saad ko habang nakangiti padin.
bigla naman silang nagsilapitan na parang na magnet medyo nagulat ako sa nangyari sabagay hindi naman kasi ako nakikipag usap sa mga classmate at bahagya akong napailing at napangiti ulit.
"oo papakasalan kita sa lahat ng simbahan at lahat ng gusto mo gahawin ko" sabi ng isa na nasa harapan ko.
napatawa nalang ako ng mahina
"bakit wala pa si prof.?" tanong ko
medyo na dis appoint naman sila ng konti at nawala ang mga ngiti nila at tantalizing eyes.
"kala ko ba naman e itatanong mo kung where free tonigth" sabi pa nung isa.
nang biglang may nagsalita sa likuran ko at automatiko akong napalingon.
" unfotunately hindi makakarating si prof. today because of heart attack ill just recieve a text message from the other teachers" supistikada ang boses at talagang may "Angs".
isang babaeng pang modelo ang katawan na hapit na hapit ang suot nito, straigth na straith ang buhok nito na naka lugay at naka highills pa nakatitig sakin ang mga mata nyang nangaakit habang lumalakad papalapit ng pintuan.
sinundan ko lang sya nh tingin hangang makalabas sya at lumingon sya sakin sabay kindat bago tuluyang umalis.
nagpaalam na din ako sa mga babaeng nakapalibot sa akin at mabilis na umalis para maka uwi na ng bahay.
actually hindi naman talaga ako umuuwi ng maaga but feeling ko kasi masakit ang katawan ko.
nang makarating na ko sa condo ay mabilis akong pumasok at inilapag sa centre table ang susi at tinungo ko ang kwarto upang magpahinga nang medyo nakapahinga na ako ay pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig.
habang umiinom ako ay naghalungkat ako ng makakain dahil medyo nagugutom na ko but sadly wala akong nakita.
isinara ko ang fridge at sumandal sa lababo bigla kong naisip na magluto nalang ng pasta nagsalang ako ng tubig at pumasok ulit sa kwarto para mag shower habang hinihintay kong kumulo ang tubig.
nang matapos na kong maligo ay nagsuot ako ng bathrobe at bumalik sa kusina at niluto ang pasta..
at nagisa ng bawang sa butter at nilagyan ko ng mushroom konting salt at all purpose cream hinayaan ko munang kumulo untill thick at sinet aside ko muna.
nang maluto na ang pasta ay mabilis kong hinango sa gasrange hindi ko na nagawang patayin ang apoy sa pagmamadali ko ay natabig ko ang baso na ginamit ko kanina at nabasag i drinain ko sa labatory ang pasta at mabilis na iniligpitbang mga bubug ng nabasag na baso ng biglang may tumama na matigas na bagay sa batok ko at nanlabo ang paningin ko hangang dumilim at wala na kong makita......
BINABASA MO ANG
HIWAGA NG DILIM (Editing)
Mystery / ThrillerThis is my first time to create my own fictional story.. And this story started last 2014 and decide to edit on 2017 Hope you like it..
