1.2: First Friday Mass
...
"Anong meron?" Kalabit ko kay Mona, ang kaibigan kong muslim. Pinapapila kase kami papuntang gymnasium pagkatapos ng homeroom namin. Nandito kami sa hallway, nakalinya sa di mawaring dahilan.
Itinaas lang ni Mona ang balikat bilang sagot sa tanong ko.
"Okay Freshmen, baba na sa gymnasium." Sabi ni Maam Lourdes samin. Kakalabas lang nya ng room para i-check kung napatay ba ang aircon.
"Nakapila lang ah. Ang di pumila may sad slip."
Bumaba naman kami na parang mga kindergarten. Walang naglakas loob na sumuway kay Maam Lourdes lalo na at ang panakot ay ang sad slip*. Maka tatlo lang kase na sad slip, pwede nang ipatawag ang magulang mo.
Mamaya maya pa, nakarating narin kami doon. Mukhang may manyayaring activity. Nakaayos kase ang mga upuan. Nung masilip ko naman ang stage, nakumpirma ko naman na may misa palang gaganapin. First Friday Mass daw. Nakalagay kase sa lettering sa harapan.
Pinaupo lang kami sa bandang gitnang bahagi ng gymnasium at pinag-antay muna. Parami na kami ng parami sa loob dahil sa nagsisidatingan na rin ang ibang year sa highschool kasama na rin ang mga elementary students at ang college.
Matapos ang mahabang pag-aantay, nang nakahanap na ng mauupuan ang lahat, nagsimula na ang misa. Inumpisahan sa introduction ni Ate 3rd year. Mamaya maya pa, nagstart na sa pagkanta ng choir, senyas na para sa pagpasok ng mga magbabasa, mga sacristan at ng pari.
Lahat kami nakatingin sa gitna para salubungin ng tingin ang pari. Pero iba ang nahagip ng mata ko.
Sakristan sya?
Binangga ni Mona ang balikat ko. "Si Vance yun diba?"
Napatango ako pero di ko inalis ang tingin sa kaklase kong busy sa pagpapatunog ng maliit na kampana.
Nang medyo malapit na sya sa banda namin, napangiti sya at halatang pinipigilan ang pagtawa.
Sino bang hindi mapapangiti sa itsura naming mga freshmen? Gulat na gulat kami. Kahit yung mga kasama nya lagi sa room nakanganga. Di namin alam na...
Sinundan ko lang sya ng tingin hanggang sa makaakyat sya ng stage para alalayan ang pari.
Weird man, pero di ko maalis sa kanya ang mata ko kahit na nagsimula na ang misa. Nakakaamaze lang kase parang syang anghel dahil sa suot nya. Kulang nalang siguro ang pakpak.
"Mukhang anghel ni Vance no?" Biglang sabi ni Mona. Katulad na katulad ng nasa isip ko. Patapos na rin ang misa at inaantay nalang naming matapos ang pagkanta ng choir.
Nginitian ko si Mona, pero di ko sya sinagot kahit na sa totoo lang, sang-ayon na sang-ayon ako sa sinabi nya.
...
*Sad Slip: Ibinibigay ng teacher's, officers, administrators sa estudyanteng may violation na nagawa.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY SONG [• 50% Music •|• 50% Soul •|• 100% Love •]
Teen FictionDahil sa likod ng mga awiting nalilikha ay ang alaala noong kasama ka pa. ••• Saksi ang mga akda ni Say sa kanyang lihim na pagtingin sa kaibigang si Vance Lacerno. Palihim man syang nagmamahal, pilit nyang ipinaparating ang damdamin sa pamamagitan...