1.19 Recognition Day
...
Recognition day! At himalang kasama pa ako!
Pano ba ako nakasama? Shempre, best in History kaya to! :DDD Ako na talaga. Hohoho!
Di lang ako ang nandito galing sa mga freshmen (naman!). Kasama ko rin sila Mona, Dahlia, Angel at Fel. At kami ang TOP 5! Wooo! :DDD
Pang Top four pala ako. Akalain mo yun? Di ko nga inaasahan na kasama pa ako sa baba ko sa GenSci. Pahirap kase talaga yung Chemistry part dun eh! Dun lang naman mababa! :D
Kahit na hindi bibigyan ng award, andyan si Cindy sa likuran. Si Katie, di makakapunta kase nauna na sa probinsya. Kahit kelan ang daya.
At kung hinahanap nyo si Vance...
Wag kayong mag-alala, andito rin sya. Kaso di sya napasama sa bibiyan ng awards. Top 6 lang kase sya at ang madalas lang na tinatawag eh yung nakapasok sa top 5. (sayang!) Andito sya para maging isa sa color guards. (Officer kase sya sa CAT sooo ayun.)
Nakacostume sya na parang guard sa England at sasabihin ko sa inyong bagay na bagay talaga sa kanya. Matikas ang datingan nya ngayon kaya natakot akong lapitan sya kanina. Para kase talagang monster pag nagC-CAT sya. Di ngumingiti. >_<
---
"... Say Torres"
After ng mahabang paghihintay, tinawag na rin ako sa wakas! :DDD Kasama ko pala si Mama na mukhang mas excited sa aking umakyat ng stage.
"Tara na Ma." Bulong ko kay Mama saka kapit sa kanya. Nagsimula na kami sa pag-akyat ng hagdanan (at taraaay! May mga guards sa gilid tas may swords sila! Sila Ivan tas Ate third year pala to.)
Pagkaakyat ko, nakaabang na yung tao na magbibigay ng medal at certificate. Andun rin si Sir Terante na kinamayan si Mama at ako.
Di naman ganun katagal ang pamamalagi ko sa stage. Matapos isabit ang dalawang medal sakin, at matapos ng picture taking at kamayan, bumaba na rin kami sa wakas... kung saan, agad kong napansin si Vance. Sya pala yung color guard dito. Kasama nya si Ate fourth year.
Diretso lang ang tingin nya sa harapan at parang statwa habang hawak ang sword nya pataas.
Akala ko nga di na ako papansinin eh. Gulat ko nalang nung may binulong sya nung mismong dumaan ako sa kanya banda.
"Congrats Say."
Napangiti naman ako ng malapad. Yeei. (kinilig? XD) Lilingon sana ako para mag 'thank you' kaso mabilis ang lakad ni Mama at tinangay nya ako palayo sa kanya. T_T
---
"Waaaah! Mamimiss ka namin Cinds." Naiiyak na sabi ni Mona habang niyayakap namin si Cindy.
"Kayo naman, parang lilipat lang ng school eh." Naiiyak na rin na sabi ni Cindy. "Pwede pa naman tayong magkita-kita. Ang O-OA nyo ni Say." Sabi pa nya.
Lilipat na si Cindy sa ibang school next year dahil sa masyado nang magiging malayo ang school na to sa kanilang bagong titirahan.
Di ko maisip ang school year ng wala sya. Pakiramdam ko tuloy tatahimik na ang grupo namin ngayong wala na ang makulit kong kaibigan.
Sinulit na namin ang (makadamdaming) sandaling iyon hanggang sa tawagin na ako ni Mama para umuwi. Kumuha muna kami ng last selfie kay Cindy bago kami maghiwa-hiwalay.
Madilim na nung lumabas kami ni Mama sa school. (Hapon kase ang recognition day namin.) Agad kaming tumawid papuntang sakayan ng jeep at kung sinuswerte, nandun si Vance, mag-isa at naka uniform parin ng pang color guard. Tinanggal na nito ang iilang botones sa kanyang pantaas sa sobrang init. Kitang kita mo naman sa pawis na tumatagaktak sa noo nya eh.
"Naks naman Say! May medal." Asar nya nang tumabi na kami ni Mama sa kanya. Kami ang tatlo ang nandoon ngayon para mag-abang ng sasakyan. "Pacheese burger ka naman!"
"Hala~ Porke may medal kailangan ng cheeseburger?" pasabi ko naman. Tawa nalang ang nasagot nya.
Sabay kaming tatlong pumasok sa masikip na jeep total iisang daanan lang naman ang bahay naming dalawa. (Kung yun ang tinatawag na Destiny. >_<)
Naging matahimk ang byahe. Nakaupo ako sa tabi ni Mama, habang sya naman ay nasa malayong gilid, malapit na sa mismong labasan ng jeep.
"Para!" Rinig kong sigaw nya. Ipinwesto ng driver ang jeep sa kanto, bago itinigill ito.
"Bye na Say. See you next year." :D
"Bye. Next year." :)
At ngumiti sya sakin bago bumaba. Yung ngiting binigay nya sakin nung sya ang nakasagot ng bonus question ni Sir. Yung ngiting pang AJ Perez...
...at ang ngiting babaunin ko para sa bakasyon.
Goodbye Vance... See you next school year. :)
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY SONG [• 50% Music •|• 50% Soul •|• 100% Love •]
Teen FictionDahil sa likod ng mga awiting nalilikha ay ang alaala noong kasama ka pa. ••• Saksi ang mga akda ni Say sa kanyang lihim na pagtingin sa kaibigang si Vance Lacerno. Palihim man syang nagmamahal, pilit nyang ipinaparating ang damdamin sa pamamagitan...