Di ko mapigilang mapangiti ng malapad habang tinitingnan isa isa ang comments sa pinost kong video sa youtube nung nakaraang sabado. Di ko inaasahang ganito na karami ang nakakanood ng ginagawa kong kanta. 1,837 views, 278 likes sa tatlong araw? Di na rin masama diba?
Halos mamanhid ang hintuturo ko kakascroll down lang sa screen para mabasa lahat ng comments. Maraming nagsasabi na nakakarelate sila, marami rin ang nagagandahan sa tono ng kanta. Bawat comments ay talagang nakakataba ng puso.
Pero hindi ko inaasahang makikita ko ang pangalan mo doon sa comment box na yun. Halos pumasok na ang mata ko sa monitor ng personal computer namin para lang makita ko kung tama ba itong nakikita ko.
Ikaw? Nanood nitong kanta ko?
Halos napatalon ang puso ko. Tuwa? Saya? Hindi ko alam. Makita palang ang pangalan mo matapos ng mahabang panahon na wala akong narinig ni isang balita patungkol sayo, parang gusto nang lumabas ng puso ko sa dibdib.
Vans_Valentine: Nice song. Good job Say.:)
Kahit simpleng 'Nice song. Good job Say' with smile emoticon lang ang comment mo, di ko parin mapigilan ang sarili kong mapangiti ng malapad. Mas malapad pa kesa sa ngiting meron sakin habang binabasa ang ibang comments.
Kahit ganito lang, kuntento na ako.
Matagal narin nang huli tayong nag-usap. Isang taon? Ah hindi. Magd-dalawang taon na pala. Ang bilis ba? Di ko na namalayan ang oras.
Parang kaylan lang nung huli kitang nakatext, nung huling pagtatama ng mga mata natin, nung huling ngitian natin, huling paalam, at huling nasabi ko sa sarili ko na mahal kita.
Napailing ako bigla habang mapait na nangingiti sa mga pinag-iisip kong walang kakwenta kwenta.
Nakakatawang isipin pero matapos kong makita ang comment mo, nagsibalikan ulit lahat lahat ng ala ala na dapat di na binabalikan. Mga ala alang akala kong nakalimutan na. At lahat ng iyon ay umagos sa utak ko, simula sa pinaka una.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY SONG [• 50% Music •|• 50% Soul •|• 100% Love •]
Teen FictionDahil sa likod ng mga awiting nalilikha ay ang alaala noong kasama ka pa. ••• Saksi ang mga akda ni Say sa kanyang lihim na pagtingin sa kaibigang si Vance Lacerno. Palihim man syang nagmamahal, pilit nyang ipinaparating ang damdamin sa pamamagitan...