1.5: Early Birds
...
"Ma! Alis na po ako!" Sigaw ko sa loob ng bahay. "Pasara ng gate!"
Dali dali namang tumakbo si Mama papunta sa gate, binigyan ko muna ng halik sa pisngi saka nagpaalam.
Maaga ako ngayon di tulad ng pasok ko. Pahirapan kase ang pagsakay ng jeep nung nakaraang araw pa kaya napagdesisyunan ko na umalis ng 5:30 ng umaga kesa sa karaniwang alis ko na 6:00.
Dahil sa maaga pa nga, nagpasya ako na maglakad na papuntang terminal ng jeep. Tipid na sa pang tricycle, nakapag exercise pa.
Ang sarap lang maglakad ng ganitong oras. Wala gaanong sasakyan, wala ring taong dumadaan. Tahimik na tahimik pa yung kalsada. Maganda na ring maglakad lakad lalo na at malamig. Feel na feel ko pa ang hoodie ko habang nakikinig ng mga kanta ni Jason Mraz.
Nakaabot naman ako sa terminal ng mabilis. Ilang kembot lang naman ang layo nito sa bahay. Di rin ako nahirapang makahanap ng jeep papuntang school. Di pa ata aabot ng lima ang nag-aabang ng jeep nung dumating ako dun eh.
Ilang minuto lang at nakarating ako ng S*SC (school ko). As usual, binabati agad ako ng ngiti nitong si Manong guard. (Madalas ko kasing nakakakwentuhan yan tuwing uwian.)
"Aga ah!" Bati ni Manong pagkapasok ko ng gate.
"Nagising ng maaga eh." Sabi ko saka pasok na pababa sa quadrangle. Doon na ako pumuntang lounge para tumambay.
Ako palang ata ang estudyante dito. Parang yung nanandito palang e yung si Kuya Jonny na busy sa pagdidilig ng halaman.
Inilapag ko muna ang bag ko sa lamesa at umupo. Masyado naman akong napaaga. Ang lungkot. T__T
Dahil sa wala akong magawa, nakinig nalang ako ng music at napayuko sa mesa. Ang sarap pa namang matulog pag ganito kalamig.
Mamaya maya pa, nakarinig na ako sa likuran ng mga batang nagtatawanan. Napalingon naman ako para makita kung sino ang dumating. Mga elem (grade one ata) ang nagkumpulan sa upuan malapit sa pintuan ng library.
Dahil sa wala akong kausap (at dahil sa mahilig talaga ako sa bata) naisipan kong lapitan sila kaso bago pa ako makatayo at makalapit, nakita kong may pababang naka highschool uniform. May dala pang bag na de hila at nang makababa na nang hagdan, inilapag nito ang bag sa gilid ng mga bata.
Tekaaa? Maaga rin pala si Vance Lacerno? O_O
*gulp*
Napalingon sya sakin at halatang nagulat din syang nandito ako.
"Oh Say! Ang aga ah!" nakangiting bungad nya habang papalapit sakin.
"Ah... Oo. Napaaga yung gising ko e. Hehe." Sabi ko saka kamot ng ulo. Awkward parin sa presensya nya.
Inilapag nya ang bag nya katabi ng sakin.
Sa lahat pa ng paglalagyan, sa tabi pa ng bag ko? Feeling close yung bag nya sa bag ko?
May inayos lang sya sa loob ng bag nya at nang masarado na ito, hinawi nya ang buhok nya gamit ng kamay.
Ewan ko ba at napatingin ako sa ibang direksyon nang ginawa nya yun.
Siguro kase ang weird tingnan? Ewan! Umiling nalang ako para mawala itong mga pinag-iisip ko.
Walang kung ano ano, naramdaman kong napaupo sya sa tabihan ko.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY SONG [• 50% Music •|• 50% Soul •|• 100% Love •]
Teen FictionDahil sa likod ng mga awiting nalilikha ay ang alaala noong kasama ka pa. ••• Saksi ang mga akda ni Say sa kanyang lihim na pagtingin sa kaibigang si Vance Lacerno. Palihim man syang nagmamahal, pilit nyang ipinaparating ang damdamin sa pamamagitan...